LMI# 13: THE STRATEGY

95 3 0
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 13: The Strategy

Grayson


"OKAY! GOOD job, guys! Fifteen minutes water break muna."

I sighed in relief.

Kasalukuyan kaming nagpa-practice ng basketball sa gym. So far, I'm actually enjoying it. Mabait ang bagong coach namin at parang barkada ang turing sa amin. Hindi tulad ni coach Reyes noon, akala mo laging may buwan ng dalaw kung makasigaw.

"Woah, ang hot ko grabe!" madramang pahayag ni Ben sa tabi ko habang abala sa pagpupunas ng pawis sa mukha.

Pansin ko ang ilang paghagikhik ng mga babaeng nanonood ng practice namin sa bleachers. Ang ilan sa kanila ay tila kilig na kilig pa habang pinagmamasdan si Ben.

Kinuha ko ang baong tubig mula sa backpack at naupo para uminom. Inilabas ko ang cellphone at tiningnan ang inbox ko.

Walang received messages. Ang weird.

"Anong problema?"

Agad kong in-off ang cellphone ko at umiling kay Ben.

"Wala. Tiningnan ko lang kung anong oras na."

"Bakit? May pupuntahan ka ba?"

"Wala naman."

Tumango na lang siya at naupo na rin sa tabi ko. Inubos ko ang laman ng water bottle na hawak ko at napangiwi nang hindi man lang nito napawi ang uhaw ko. Kulang pa sa'kin.

"Bro, nandito 'yung fans club mo, oh."

Kinalabit ni Ben ang balikat ko at itinuro 'yung grupo ng mga babae sa gilid. Ang ilan sa kanila ay may hawak na camera samantalang ang iba naman ay may mga hawak na notebook at pen habang tila abala sa pagsusulat.

Agad kong napansin si Tremaine sa pinakaunahan habang may hawak na camera. Nakasuot ito ng salamin at ang maiksi nitong buhok ay nakaipit cdi kagaya ng madalas niyang ayos.

"Sana all may fans club."

"Mayroon ka rin namang fans club."

Natigil siya da pagpupunas ng leeg at napalingon sa gawi ko.

"Really?"

"Yeah. 'Yun, oh." Itinuro ko ang grupo ng nga babaeng kanina pa naghahagikhikan sa gilid.

Kumaway naman si Ben sa gawi nila na sinagot ng hindi magkandamayaw na tilian ng mga babae.

"Wait, I think I spotted a pretty girl among them. I'll go check her out."

Nagkibit na lang ako ng balikat at napatingin sa wristwatch. Ten minutes na lang at tapos na ang water break.

"Hi, kapre!"

Dahan-dahan kong inangat ang ulo mula sa pagkakayuko at nagtatakang napatingin kay pandak na nasa harap ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bawal na ba ako dito?"

"Wala akong sinabi."

Napairap siya at inabot sa akin ang hawak. Kunot-noong napatingin ako sa hawak niya bago dahan-dahan itong kinuha mula sa kanya.

She gave me a bottled water. Sakto dahil nauuhaw pa rin ako hanggang ngayon.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now