LMI# 29: THE RECONCILIATION

66 2 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 29: The Reconciliation

Grayson

"SO MUCH for being missing in action, Team Captain," pang-iinis ni Orlie nang maisara ang locker nito sa gym.

Nilagpasan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan itong makalabas. Pinunasan ko ang buhok gamit ang towel at inihagis kay Enzo ang bola gamit ang kanang kamay.

"Ang init lagi ng ulo sa'yo ni Orlie, Cap. Crush ka siguro n'on, 'no?" natatawang tanong ni Drake.

"Pansinin mo rin naman kasi 'yon kung minsan, bro. Lagi mo kasing iniisnab, e," panggagatong naman ni Ben na ikinailing ko na lamang.

Ako na naman ang target pagtrip-an ng mga 'to, oh. Mga walang magawa sa buhay.

"I'm glad you're back, dude," singit ni Enzo na may pagtapik pa sa likod ko.

"Akala namin wala ka nang balak bumalik, e. Iyak pa naman ng iyak 'yang si Enzo," pang-aasar ni Dylan kaya inihagis ng malakas ni Enzo ang bola dito.

"Tang*na neto, o. Ako pa talaga ang umiyak?!"

"Tumahimik na nga kayo! Ililibre tayo ni Captain ngayon. 'Di ba, Cap?" pang-uuto ni Drake.

'Inang yan. Ako pa uutuin ng mga 'to.

"May lakad ako," palusot ko na lang.

Kinuha ko ang bag sa bench at naglakad palabas ng gym locker. Napahinto lang ako nang mapansin kong nakabuntot sa likod ko ang mga kupal na 'to.

"Anong ginagawa niyo?" kunot-noong tanong ko.

"Sasama kami, Cap," sagot ni Drake na nauna pa sa aking maglakad papuntang parking lot.

"Thank you sa libre, Cap!" sigaw ni Dylan habang humahabol kay Drake.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan silang sabay-sabay na pumasok sa loob ng kotse ko. Nag-agawan pa nga ang dalawang tukmol, si Ben at Drake, kung sino ang nararapat na umupo sa unahan.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Tara na!" aya ni Ben kaya napabuntong na lamang ako ng hininga bago lumapit sa kanila.

Kaya naman pala hindi nagdala ng kotse ang mga ito, napagplanuhan na pala nila ang lahat bago pa man ako makahindi

"Saan ang punta natin mga par?" excited na tanong ni Enzo sa likod.

"We're going wild, party people! Wohooo!" may paghiyaw pang sagot ni Ben.

Nagsigawan naman ang mga siraulo sa likod na parang mga taong gubat na ngayon na lamang nakalabas sa kanilang kweba.

"I'm not coming with you, guys. I rather stay at home tonight and wait for lola to arrive."

"She'll be there at your house tonight?" tanong ni Ben na sinagot ko ng isang tango.

"Today's her flight on her way here. Kilala mo naman si lola, kailangan kong umuwi ng maaga."

"Come on, we already planned this out! Don't put our efforts into waste, dude!" pango-ngonsensiya ni Drake na kinampihan naman ng mga tukmol.

"We'll send you home before your grandma arrives, is that a deal?" Matagal akong napatingin sa kamay ni Ben bago sumuko na lang at tinanggap iyon.

"You better be or I won't be able to set foot in this place again."

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Enzo na ikinailing ko na lang.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now