LMI# 14: THE GETTING TO KNOW STAGE

92 5 0
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 14: The Getting to know stage

Grayson

"DON'T FORGET to prepare for tomorrow's individual recitation. Class dismissed."

Napasandal ako sa upuan at nag-inat. Kanina pa ako nagpipigil ng antok pero ngayong wala na 'yung prof sa unahan, malaya akong humikab at sumubsob sa desk.

"Tara na, Gray. Tumayo ka na diyan. Nagugutom na ako."

I sighed before bringing my backpack as I stood up to walk out of the room. Naglakad kami ni Ben patungo sa cafeteria para kumain ng lunch.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita si pandak na nakaupo sa isa sa mga bench sa labas ng cafeteria. Nakatingin lang siya sa sapatos niya habang tila malalim ang iniisip.

"Mauuna na ako pumasok. Nagugutom na talaga ako! Ikaw na bahala diyan, maiwan na kita." Naglakad si Ben papasok ng cafeteria at iniwan akong nakatayo.

Nilapitan ko si pandak. Umangat naman ang ulo niya nang mapansin ang paglapit ko.

"Kapre..."

"Anong ginagawa mo dito sa labas? May hinihintay ka ba?"

"A... Ano kasi..." Napatayo siya mula sa kinauupuan niya.

Napatingin ako sa lunchbox na nasa tabi niya.

"Hinihintay mo si Henry?"

"H... Huh?"

"Good luck."

Hindi na ako lumingon sa kanya at naglakad na papasok ng cafeteria. Inilabas ko ang wallet mula sa bulsa at pumila na para makabili ng pagkain.

"Kapre, sandali lang!"

Humarang siya sa dadaanan ko kaya napakunot tuloy ang noo ko. Namumula na naman ang tenga niya.

"Bakit?"

"H... Hindi ko hinihintay si Henry."

"Then... who?"

Napayuko siya at mahigpit na napahawak sa lunchbox na nasa kamay niya. Dahan-dahan niyang inabot 'yung hawak niya sa akin habang hindi pa rin inaangat ang mukha niya.

"You're waiting for me, pandak?"

Mabilis na umangat ang mukha niya, dahilan para makita ko ang namumulang pisngi niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong?! Pwede bang kunin mo na lang? Nangangawit na ang kamay ko, oh."

Lihim akong napangiti bago kinuha 'yung lunchbox sa kamay niya. Binuksan ko iyon at napaawang ang bibig dahil sa gulat.

She... She cooked something for me?

"Bakit mo 'ko binibigyan ng ganito?"

"K... Kailangan ba may dahilan?"

"Of course. Maliban na lang kung binibigyan mo ako nito dahil gusto mo talaga ako," pang-aasar ko.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now