LMI# 39: THE MAGIC WORD

81 2 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 39: The Magic Word

Grayson

"WHAT IS wrong with you?!"

Parehas kaming napatigin ni Red sa entrance gate nang tila inis na bumulong 'yong babae sa security guard na nakatayo sa tabi ng guard house.

Malapit lang kami sa kanila kaya rinig namin ang pagtatalo nito.

"Where are you going?" tanong ko nang akmang lalapit si Red sa babae.

"It's Camille. Don't worry, she's my friend. Baka naiwan na naman kasi nito 'yong I.D niya kaya ayaw siyang papasukin n'ong guard."

"Alright, I'll just see you at lunch then," pahabol na paalala ko sa kanya bago siya tuluyang nakalapit sa kaibigan nito.

Nang makalapit si Red sa kanila ay umiling 'yong babae at agad na inakbayan si Red palayo sa guard house. Napansin kong napakamot na lamang sa batok 'yong guard kaya nagkibit-balikat ako bago naglakad na patungo sa loob.

If my memory serves right, that girl was Henry's sister. The one who tried to jump off the building and was saved by Red at the same time.

"Isn't that Camille?"

Nagawi kay Ben ang pansin ko nang sundan niya ng tingin si Red at ang kaibigan nito.

"What about her?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Well, it's just that..." He placed his hand on his chin and tilt his head as if he's thinking deeply, "...she looks pretty—"

I sighed in disappointment and left him standing there while talking about Camille. Umagang-umaga, pinasasakit niya ang ulo ko.

"HOW WAS your day?" I asked while wiping the ice cream on Red's lip.

"Pretty much the same," maikling tugon niya. "Oo nga pala, do you remember my friend, Yara? Birthday niya na next week kaya kailangan kong maghanap ng pangregalo sa kanya. Samahan mo naman ako sa mall, o."

Inubos ko ang cookies and cream flavored ice cream sa cup bago inilapag iyon sa mesa.

"Aabutin na naman tayo ng ilang oras sa mall kakahanap ng regalo. Tapos sa huli, sasabihin mong bukas na lang kasi wala kang magustuhan."

"Sandali lang tayo doon, promise!" paniniguro niya habang nakataas pa ang kanang kamay na tila namamanata.

"Iyan din 'yong sinabi mo n'ong nakaraan, e."

She crossed her arms and looked away. "Fine, e 'di ako na lang pupunta mag-isa," rinig kong bulong niya.

I sighed and took my backpack from the chair. "Oo na, panalo ka na. Tumayo ka na diyan at baka gabihin pa tayo."

Napangiti siya at agad na tumayo matapos kunin ang bag niya sa kaniyang tabi.

"I love you..." bulong niya bago naunang naglakad palabas ng ice cream store.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now