LMI# 10: THE PLAYBOY

129 5 13
                                    

LOVE ME INSTEAD

Chapter 10: The Playboy

Grayson

"WHAT THE—"

Napangiti ako nang makita si Ben na halos sumabog sa harapan ng pinto ng club kung saan ako dumaan n'ong nakaraan.

"Told you so," nangingiting bulong ko.

"Pero paano?! Paano ka nagkaroon ng fans club kung pareho lang naman tayong freshman?! Kung tutuusin, dapat nga ay ako ang may fans clubs sa ating dalawa hindi ikaw!"

Nagkibit lang ako ng balikat at nagpatuloy na ulit sa paglalakad patungo sa cafeteria. Kakadismiss lang ng klase namin ni Ben kaya sabay kami pumunta sa cafeteria ngayon para kumain ng lunch. Halos karamihan kasi sa klase ko ay kaklase ko siya. Hindi pa rin talaga kami pinaglalayo ng tadhana. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha niya.

"That's unfair, bro! Bakit ako, wala?!"

"Pfftt..."

"Huwag mo akong tinatawanan diyan, ah?! 'Di hamak naman na mas gwapo ako sa'yo."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Pumasok ako sa cafeteria at bumili ng pagkain. Kasunod ko naman si Ben sa likod na ngayon ay nakabusangot ang mukha. Naupo ako sa gilid malapit sa glass wall para kita ko kung anong nangyayari sa labas.

Natigil ako sa pagkain nang mahagip ng mata ko si Elise na kalalabas lang mula sa cafeteria. Napatayo ako para kumpirmahin kung siya nga iyon.

"Anong problema?"

"Parang nakita ko si Elise. Dito rin ba siya nag-aaral?"

Bumalik ako sa pagkakaupo nang mawala na siya sa paningin ko. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga iyon pero ano namang pakialam ko?

"It isn't impossible. Isa ang Soledad Escolar University sa mga sikat na school dito kaya posibleng dito rin siya nagdesisyon pumasok."

"Sabagay..."

Binuksan ko ang water bottle sa gilid ko at akmang iinumin iyon.

"May gusto ka pa rin ba kay Elise, bro?"

Nasamid ako sa pag-inom ng tubig ngunit mabilis naman akong nakabawi.

"W... Wala na."

"Pfftt... Halata ka, bro. Patay na patay ka pa rin kay Ms. Glow in the dark, 'no?! Naaalala mo pa 'yung sinabi mo? Sabi mo pa nga, siya ang nagbibigay liwanag sa madilim mong buhay. HAHAHA," makapal ang mukhang sabi niya.

"Gago, wala akong sinabing gan'on. Pauso ka."

Inihagis ko 'yung nakitang tissue paper sa gilid ng mesa at pinatama iyon sa mukha niya.

"Anak ng..." Kinuha niyang muli 'yung inihagis kong tissue paper at inihagis pabalik sa mukha ko.

Pero dahil nga napakagaling ko, naiwasan ko 'yung tissue paper na inihagis niya kaya tumama iyon sa mukha ng babaeng kumakain sa likod ng pwesto namin. Nahulog 'yung tissue paper sa pagkain ng babae kaya masama niyang tinitigan si Ben na ngayon ay napapalunok dahil sa hiya.

Love Me InsteadWo Geschichten leben. Entdecke jetzt