Chapter 50 I'm a Fighter

12.1K 941 183
                                    


"I never texted you and asked things from you..." he firmly said.

"I know. It was never you. It was my classmates bullying me. You see how pathetic is that? Ni hindi mo ako kilala, wala kang kaalam-alam na ginamit nila ang pangalan mo para saktan ako. Ang tanga ko dahil nagpadala ako sa mga txt na yun, naniwala agad-agad nang hindi man lang inaalam ang totoo--"

"You're just too young, too naive, but it's not your fault!"

"Yun ang dahilan kung bakit hindi ko magawang paniwalaan ang feelings mo sa akin noon. Kahit na sa paanong paraan mo ipakita na totoo ang nararamdaman mo sa akin noon hindi ko magawang magtiwala. Kaya ayokong ipaalam sa school na boyfriend kita at girlfriend mo ako, natakot akong maulit ang nangyari. I tried to keep things at bay with you. I tried to just play it cool at first. Kahit na gustong lumabas ng puso ko sa saya everytime na kasama kita parating may pigil, parating sa likod ng utak ko nirerendahan ko ang sarili ko.

My parents warned me about you too. Sabi ni Mama, totoong ikaw na ang boyfriend ko, hindi na txt, nagkikita at nagkakasama tayo sa personal, natatakot siyang kapag sa pagkakataong iyon iniwan mo ako... baka tuluyan ko nang hindi kayanin. Takot na takot sila... lalo na ang Mama."

Nagsimulang pumatak ang luha ko. Itinago ko iyon sa kanya, pinigilan ko ang humikbi pero nanginginig ang balikat ko.

"Thea..."

"You see where my pathetic love for you has brought me? I was wrecked, I was broken into pieces and most of the time you were not even aware!"

"Is that why you left me? Abandoned me? Gusto mong akuin ko ang kasalanang iyon na hindi ko naman ginawa? I was true to you when we were together, I never cheated on you! Dahil iniisip mo na niloloko lang kita gusto mong pagdusahan ako? Thea, it's not fair! Wala akong kasalanan sayo!"

Humarap ako sa kanya, tinitigan siya sa mga mata. Sa unang pagkakataon nagawa kong basahin ang nilalaman nun, he was hurt and still in pain for what I did years ago.

"I know. It was all in my stupid head." bulong ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"So you went to Bernard. You had an affair behind my back just because you can't believe me when I said I liked you. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon? My life was a mess at that time, hindi lang ikaw ang wasak. Maswerte ka nga mahal ka ng mga magulang mo, eh ako? Walang pakialam sa akin ang mga magulang ko, iniwan nila akong dalawa sa ere, binogbog pa ako ng mga taong pinagkakautangan ng Papa ko. May ibang lalaki ang Mama ko. Hindi ako tanggap ng mga Arguelles, gusto akong ipapatay ni Diana. Yung bahay sa tabi ng bahay niyo? Wala na yun, binenta ni Papa pambayad sa mga utang niya. I was left to rot in the streets, kung hindi ako dumiskarte para sa sarili ko, magugutom ako ng dilat ang mata..."

"I was waiting for you to ask help Caden..."

"I do not want your money Thea, I wanted you to be there for me. To hold me up while I was breaking into pieces... but you abandoned me for another man!" singhal niya sa akin na nanginginig ang magkabilang balikat sa tindi ng pinipigil na emosyon. Kuyom ang dalawang kamay niya, naninigas ang panga at namamaga ang magkabilang mata.

"That's not true! I never left you for another man Caden, saan mo ba nakuha ang impormasyong 'yan?"

"I saw it Thea. You were kissing him. The video did not look forced or edited to me. You kissed him! It was you who initiated the kiss and that makes it even worse. Dahil hindi ako mahilig tumingin sa mga social media sites ng school I totally missed the fact that the whole school knew you as Bernard's girl, not mine. But you know what, for what it's worth, I'm gonna ask you now and hear the side of your story. I just have one question for you and the answer is just yes or no... was that video made up?"

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now