Chapter 33 My Superstar

13.6K 701 82
                                    

Inabangan ko ang Wednesday kung saan may game sina Caden sa isang private football stadium na tanging mga A-list schools lang sa bansa ang umuukupa. Kahit na nakabroadcast ito sa lahat ng social sites ng University ay pinili ko pa din ang lumiban sa klase at makipagsiksikan sa napakaraming estudyanteng gustong manood ng laban ng dalawang sikat na kupunan sa bansa.

Ang kalaban ng St Martin ay isang private University ng pinakamayayaman at sikat na mga estudyanteng mula sa Cebu ang St Louise de Marillac Academy kung saan parang lahat ng population ng school nila ay lumipad pa-Manila para lang sa event na ito. Kung hindi pa kamu magaling ni Aliyah makipagsiksikan ay doon kami sa dulong-dulo at wala nang makikita dahil lahat ng tao nakatayo. Ayokong panoorin si Caden sa monitor lang, gusto ko live ko siyang nakikitang pinagpapawisan at nag-aapoy ang mga mata sa field. Ganoon siya lagi, makikita mo ang matinding determinasyong manalo sa kahit na anong laban prem man yan o finals.

When we got ourselves a better view, sinubukan kong maupo muna para makapagpahinga at mabawi ko ang hininga ko na kanina pa nauupos sa dami ng taong nakapaligid sa amin.

"Are you okay? You should have told Caden you will be here today. Sana ikaw ang may nakareserve na seat doon sa unahan at hindi ang Teisha na yun! Ano bang ginagawa ng babaeng iyon dito, pagkakaalam ko basketball player ang jowa niya hindi football player. Pagkakaala ko yung jowa mo ang football player, dapat si Teisha ang nakikipagsiksikan dito at ikaw ang nandoon. Kairita! Ang sarap manabunot ng buhok ngayong banas na banas ako sa pawis dito!" umiikot at halos mawala na ang itim sa mga mata ni Aliyah.

"Sorry na Ali, bawi nalang ako sayo mamaya. Magsisimula na ang game oh, naiinitan ka ba pa? Gusto mo ng fan?" Itinutok ko sa kanya ang maliit na portable fan na hawak ko.

"Tama na, tama na ikaw naman ang mag pahangin diyan, nararamdaman ko na ang aircon sa ilalim ng paa ko. Magsuklay ka nga! Ba't suot mo na naman 'yang malaki mong salamin? Hindi ka ba nabibigatan d'yan??"

Umiling ako at pacute na inayos ang salamin ko sa mata. "Hindi ko makikita ang mukha ni Caden sa malayo kapag wala ito."

"Hindi mo talaga makikita naka-helmet eh." He's an American Football player, kaya ang suit ng mga players ay helmet at padded na shirt and tights.

"May paraan ako. May zoom 'tong salamin ko."

Inirapan niya ulit ako. Ilang sandali pa nagsimula na ang game at nakita ko na ang mga players sa malaking field. Kasabay ng pagsisimula ng laro ay ang walang patid na sigawan ng mga tao. Sa tuwing pumupuntos ang team nila Caden ang lakas ng hiyawan lalo na ng mga babaeng estudyante. Halos mailabas na yata nila ang ngala-ngala. Karamihan sa mga tarp na nakikita ko sa paligid ay pangalan ni Caden ang nakapinta, yung iba may mukha niya pa.

Yung totoo, football ba ang ipinunta ng mga ito dito o si Caden lang? Yung tipong tumayo lang siya sa gitna at hindi na maglaro ay sulit na sila. Tsk. Tsk.

Even when Bernard obviously made the score,Caden pa rin nang Caden ang naririnig kong hiyawan. What's wrong with all these people???

They've won the first and the second quarter of the game. Ang totoo malabo na silang maabutan ng kalaban kahit na magpahinga pa sila sa third quarter.

Nagpupunas ako ng pawis ko at nagwiwisik ng tubig sa leeg ko sa washroom ng stadium nang marinig ko ang usapan ng tatlong babae sa cubicle. Napatingin ako kay Aliyah na naglilipstick sa tabi ko at kagaya ko ay tumaas din ang kilay niya.

"Have you seen that girl in Caden's seat earlier. Is she the new girl?"

Imbes na umalis kami, nag-stay pa kami ng kaibigan ko para lang makinig sa tsismis ng mga babaeng isa-isa nang lumabas at humarap sa malaking salamin. They we're all gorgeous, with small face, small breast and small waist. I haven't seen their faces before kaya alam kong taga ibang school sila.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now