Chapter 16 From Zero to this..?

16K 802 52
                                    




Caden and I spent the night together. Umaga na ako nakauwi kaya ang lakas ng kaba ko nang iparada ni Caden ang kotse sa garahe namin. Inaasahan ko nang lalabas ang Mama at sasalubungin ako. Not that I'm guilty or anything, pero ito kasi ang unang beses na inumaga ako sa labas at hindi pa ako nagpaalam. I'm not like the other kids my age, this is all new to me, kung ako naninibago sa sarili ko, lalo na ang Mama ko.

"Umalis ka na. Hindi ka pwedeng makita ni Mama dito. Bilis!" namimilog ang mga mata ko kay Caden.

"Are you sure you don't want me to greet her? You know I can explain for you."

"Oh tapos, ano ang sasabihin mo? Yung nangyari--" natigil ako. "Yung magkasama tayo buong gabi? Old fashion ang Mama ko, magagalit siya!"

"I'm a better liar than you are. I can always come up with an alibi."

"Yeah right. Says the great Caden Arguelles with the reputation! Alis na!"

He just smiled his sweetest smile and winked at me before turning on his back to go home. Huminga ako ng malalim. Ilang beses kong inulit iyon. Tapos ay ilang beses ko ding sinipat ang mukha ko sa salamin ng kotse, inayos ang gusot na damit at tinali ang buhok. Nagspray din ako ng pabango dahil sa totoo lang naamoy ko sa balat ko ang amoy ni Caden. This is not gonna be good. I know my mother won't hit me, but I don't want to see the disappointment on her face. Hindi ko pa alam kung magsisinungaling ako o magsasabi ng totoo. Sasabihin ko sa kanya na kasama ko nga si Caden, pero syempre hindi ko ikukwento ang nangyari. Baka maghestirikal ang Mama ko or worse, baka magkaheart attack siya kahit wala siyang sakit sa puso.

Pumasok ako ng bahay na parang dumadaan sa alambre ang gaan ng mga hakbang ko. Isang kibot lang parang tatalon ang puso ko at tatakbo palabas ng dibdib ko. Ito ang unang beses na may ginawa akong alam kong hindi magugustuhan ni Mama, nag-aalala ako sa magiging reaksyon niya. Mabuti na lamang at wala pa si Papa.

Hindi ko inaasahan ang maaabutan ko sa living room namin. Kailangan ko kasing dumaan dahil naroon ang hagdan paakyat sa kwarto ko. Inabutan ko doon sina Mama, Papa at si Mr. Arguelles. Hindi ako pwedeng magkamali, nasa loob ng bahay namin si Mr. Arguelles. Anong ginagawa niya dito?

"Thea." si Mama. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing na bata ka?"

"Just...somewhere." hindi ko alam ang sasabihin ko. Sana hinayaan ko nalang si Caden na magsalita para sa aming dalawa.

"Thea, your mother's asking you. Where have you been all night? Kagabi pa kami naghihintay sa'yo."

Hindi pa din ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin, nanginginig ang tuhod ko pati na ang buong kalamnan ko sa tensyon.

"Kasama mo ba ang anak ko, hija? Hindi rin siya umuwi kagabi. Dahil madalas ko kayong makitang dalawa na magkasama kaya I thought of going here and asking you where he is."

Sinalubong ko ang titig ni Papa na nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayaring ito. Kakabalik lang niya tapos ito ang isasalubong ko sa kanya. Hindi niya magugustuhan ang mga isasagot ko. Pati si Mama umiiling-iling. Gusto ko nang umiyak, pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, pati na kay Mr. Arguelles.

"Hija?"

"Ako nalang ang magtatanong sa kanya Mr. Arguelles. I'm sure nakauwi na din ang anak mo. Kung magkasama man sila..." that was my father already assuming that it's indeed the case, Caden was with me all night.

Huminga ng malalim si Mr. Arguelles. "Sure. Sige. I'll go ahead then." umangat siya mula sa pagkakaupo at tiningnan ako. Hinatid siya nila Mama hanggang sa pinto ng bahay. Bago siya umalis,

"Kapag may problema. Or if you need anything about the kids, tell me."

"Yes, Mr. Arguelles, thank you." sagot ng Mama ko.

Nang makaalis ang Papa ni Caden, patakbo akong umakyat sa kwarto. Alam kong susunod sila sa akin kaya nag-lock ako ng pinto. Gusto kong umiyak. Ayoko ng mga tingin na pinupukol nila sa akin na para bang isang napakalaking kasalanan ang ginawa ko. Come to think of it, ngayon pa lang naman ako nalipasan ng gabi sa labas ng bahay. I have been a good daughter to them all my life, ngayon lang ako gumawa ng hindi nila gusto ang sama na ng tingin nila sa akin.

"Anak, Thea, please open the door now."

"Go away, Ma. Please, not now."

"I know you were with Caden last night and I'm not gonna ask you why."

"Why? Is that a bad thing?"

"Matanda ka na. You already know what's good and bad for yourself. Ang amin lang ng Papa mo, hindi magandang nalilipasan ka ng gabi sa labas at lalaki pa ang kasama mo."

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Mali ako sa parteng iyon. I can't believe I'm having this conversation with my parents. It's just one time that I let my inhibitions go away and here I am hiding at my room like I'm a sorry criminal.

"Si Caden pa.. alam ko kung ano ang nararamdaman mo para sa binatang iyon--"

"Ma! Please!" pagpipigil ko sa iba pang sasabihin niya. "Hindi na ako batang may malalang crush sa isang lalaki. I'm all grown up now, I can handle myself pretty well kahit pa si Caden ang kasama ko." I know it's a not entirely true. I let that guy kiss me and touch me. Eh ano? Women my age do it all the time! Ilan na ba ang couple na nakita ko sa school na naglalaplapan to the point na magkapalit na sila ng mukha? Caden do it all the time with other girls, I wouldn't even dare imagine it was anything special to him. It's not as if I let him pop my cherry or something.

"Good. That's what we want to hear." singit ng Papa ko. "Hindi mo man lang ba ako na-miss? Ilang araw akong wala dito tapos hindi mo man lang ako yayakapin? Baka nakakalimutan mong, bago 'yang Caden na 'yan, ako ang first love mo. Anak kita, mahal na mahal kita at pinapaselos ako ng boyfriend mo na 'yan!"

Lumabas akong nakanguso. "Pa. Hindi ko siya boyfriend."

Tumaas ang kilay nilang dalawa. "Kasama mo buong gabi tapos hindi mo boyfriend?"

Tinitigan ko siya. Tinatantiya ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon. Gusto niya na bang magboyfriend ako o hindi? "Opo. Hindi ko boyfriend."

Umiling-iling si Mama. "Oh siya sige na't magpahinga ka na. Papalagpasin ko to Thea ah, pero sa susunod kung aabutin ka ng umaga sa labas magpapaalam ka ha? Hindi yung pinag-aalala mo kami ng Papa mo sayo muntik na kaming pumunta sa mga Pulis."

"Sorry Ma, Pa hindi na mauulit."

"Dapat lang." aniya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po." may paglalambing na sagot ko. Ganoon lang at maganda na ulit ang mood ni Mama. Niyaya niya ako sa kusina at tinanong kung ano ang gusto kong kainin. Balik na sa normal at nawala na ang tensyon sa bahay.

Pero ang tensyon sa puso ko, naroon pa din.





Ilang oras matapos kong makipagkwentuhan, maligo at magbihis, binuksan ko ang bintana ko pati na ang blinds. Hinintay kong magbukas siya ng bintana niya para silipin ako, pero ilang oras na akong nakatunganga doon, wala naman siya. Hindi ko naman siya pwedeng tawagan o itxt dahil wala naman siyang cellphone. Napabuntong-hininga nalang ako. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Inalala ko ang mga halik niya, ang mga hawak niya sa akin. Kapag pinipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko pa rin ang tumatawa niyang mga mata sa akin. Ang boses niyang napakaganda sa pandinig ko. Pati na ang kakaiba niyang amoy na naiiwan sa ilong ko ng matagal.

Walang nangyari sa amin. We just kissed and touched. Pero bandang huli, sabi niya. I was not ready for it. That he wouldn't take anything from me that I was not ready to give. As if totoo iyon! Hindi ako special sa kanya para itrato niya ng special. Takot niya lang na baka maging clingy ako bigla.

Muli akong sumulyap sa bintana. Wala pa rin siya. Nakatulog kaya siya? It's Saturday today, walang pasok, baka napuyat siya kagabi. Gustuhin ko man matulog, hindi ko magawa. Hindi ko magawang kalmahin ang puso ko. Hanggang ngayon para akong nasa alapaap. Fireworks continuously exploding inside my head. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa amin ni Caden. From zero to this?

I'm just so... so terrified. I just know this is not gonna end well.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now