Chapter 6 Antibiotic and Pain Reliever

22K 967 51
                                    




Gusto ko lang namang magpahangin, kumain ng favorite kong bacon sandwich sa store at uminom ng Yakult. Anong ginagawa ko sa park na ito kasama ang pinakaiiwasan kong tumor sa buong buhay ko? Kung mamalasin nga naman talaga oh.

"What do you need? I need to go back ASAP darating na ang Papa ko, hahanapin niya ako." iritado ang boses ko at sumulyap pa ako sa relong nasa pulsuhan ko. Inangat niya ang cellphone na hawak niya upang ipakita at ipagduldulan sa mukha ko ang basag na screen niyon.

"Babayaran nga kita. Ano bang unit 'yang phone mo ipapabili ko nalang sa kay Aleng Delia bukas."

"Wow. For your info Ms. Entitled Rich Kid, this phone is no ordinary. I bought this when I was in Paris last year and this is a limited edition iPhone only distributed in that part of the globe. Plus, data weren't backed up. Ang laki ng utang mo sa akin."

Umikot ang mga mata ko sa kanya. May ganoon ba? Limited Edition iPhone na sa Paris lang nabibili? Hindi ko alam dahil wala naman akong hilig sa gadget at hindi pa ako nakakarating ng Paris. Takot ako sa eroplano kaya hindi pa ako nakakalipad sa buong buhay ko. "Anong gusto mo para layuan mo na ako at huwag nang kausapin kahit kelan lalong-lalo na sa school?"

"Gusto kong ihatid mo ako sa bahay ngayon." nakangiti niyang turan sa akin. He smiled so sweetly I almost had a slight heart paralysis. Hindi talaga magandang ideya ang parati akong malapit sa taong ito dahil airborne ang toxic na dala niya.

"Bakit naman kita ihahatid pilay ka ba? PWD?"

"Well if you're eyes are normal you would notice that I'm injured, but since I know that they aren't, I'd tell you yes I'm injured I can barely even walk home."

Saka ko lang napansin ang benda niya sa paa. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakabalot na iyon ng gauze pero tumutulo pa din ang dugo. Nahintakutan ako, ano bang nangyari sa kanya? Maayos naman siya ng maghiwalay kami sa school kanina ah. Napa-trouble na naman ba siya? Kung bakit kasi ang hilig-hilig sa away ng isang ito. Doon ko lang napansin na sa kabila ng angas sa pagmumukha niya, paminsan-minsan ang pagngiwi niya, indikasyon na kumikirot ang sugat niya ayaw niyang lang ipahalata.

"Anong nangyari d'yan?!" I hope that didn't sound so worried. "Umaagos ang dugo kailangan mong ipatingin sa doctor 'yan!"

"Tinamaan ng basag na bote."

"May naputol na ugat kaya hindi maampat ang pagdurugo--"

"Malamang may naputol na ugat, otherwise it won't bleed, would it?" may time pa siyang maging sarcastic. "Since ikaw ang nakaisip na magpa-doctor ako. Why don't you bring me to the hospital then?"

"Bakit ba ako ang inoobliga mo? Nasaan na ang sandamakmak mong alipores sa school? Bakit hindi mo sila tawagan."

Inangat niya ulit ang cellphone niya. "Anong gagamitin kong pangtawag? Daliri ko?" umikot pa ang eyeballs niya. "Besides, bago pa man sila dumating baka ubos na ang dugo ko dead on arrival ako sa hospital. Tulungan mo ako."

"Anong gagawin ko?"

"Get your freakin' car and take me to the hospital what else?!"

"Hindi pa ako pinapayagan ni Papa na magdrive mag-isa. Hindi ko pwedeng ilabas ang kotse ng wala ang driver ko. Isa pa, late na masyado."

"Fine. Go away. Lemme just die here in peace, you good-for-nothing princess."

Umikot ang mga mata ko sa kanya. Napakayabang talaga ang lalaking ito siya na nga ang may kailangan! "Sige na, sige na. Tutulungan kita. May kilala akong doctor na nakatira malapit dito. Matutulungan niya tayo. Halika na."

Inilahad niya ang kamay niya sa akin para tulungan ko siyang makabangon. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa kamay na iyon. I did dream of holding his hand on mine. I dreamed of having his body next to mine too. Pero kahit sa hinagap hindi ko naisip na magkakatotoo ang mga iyon. Nang abutin ko ang kamay niya upang tulungan siyang makatayo, muntik na akong sumobsob sa dibdib niya dahil bigla akong nawalan ng lakas. Nangatal ang lahat ng laman-loob ko, 'yong tuhod ko halos hindi ko naramdaman. My stomach became a hollow mass, my head spun dramatically.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now