Chapter 24 Sabotage

21.2K 955 172
                                    




He made me my favorite blueberry cheesecake. Halos hindi ko galawin iyon dahil kahit na hindi perpekto ang pagkakagawa ay gawa iyon ni Caden para sa akin. Para sa akin lamang. I doubt if he ever bakes a cake for that Teisha girl he's with at school. Pakiramdam ko, ito ang lamang ko sa babaeng iyon.

"Wow!! That's beautiful, you made that?" excited at pumupuso pa ang mga mata ni Aliyah nang ipakita ko sa kanya ang strawberry cheesecake na pinagpuyatan ko. Caden made me a blueberry cheesecake the other night kaya kagabi ay ginawan ko din siya ng strawberry. Ginandahan ko ang design, it's topped with half strawberries in chocolate and cream coating, and with glass-like white sugar caramel circled the cake. "Para sa akin ba 'yan?"

"Uhm. Para sayo. Next time." alanganin ang ngiti ko dahil nag-umpisa nang sumimangot ang mukha niya.

"Hmppt! Para kanino naman 'yan?"

"Kay Caden." I mouthed the name dahil hindi ako pwedeng marinig ng mga kaklase ko. Namilog ang mga mata ni Aliyah. "I'm suppose to give this to him tonight after school, pero hindi na ako makapaghintay."

"Bakit, okay na kayo?"

Ngumisi ako sa kilig na kilig na paraan. "He baked for me too the other night."

"Really???"

Tumango-tango ako.

"I can't believe it! Bad boys like him must not know how to even hold a spatula."

"Well, he's not the stereotype. He's way more than that...way way better."





Madaling matunton ang kinaroroonan ni Caden sa loob ng school na ito. Dahil siya lang naman ang madalas na bukam-bibig ng mga babaeng estudyante. Siya at ang buong miyembro ng football team niya. Napag-alaman kong nasa field sila ngayon para sa practice. Caden is slowly recovering from his wound, he's able to force himself back in the game now. Kailangan siya ng team niya, kapag wala siya, malaking kawalan sa panalo ng school iyon. Humanap ako ng tiyempo, yung mag-isa lang siya at pwede kong iabot sa kanya ang ginawa ko.

When everybody else went outside, napansin kong naiwan sa loob ng locker room si Caden. Ilang beses akong huminga ng malalim at nagpatumpik-tumpik bago ako nakaipon ng lakas ng loob na pumasok doon. Tama ang hinala ko, nagsialisan na sila at tanging si Caden ang naiwan, nakatalikod siya't nag-aayos ng gamit. Hindi niya ako nakita, sosorpresahin ko sana siya nang biglang humarang sa daan ko si Bernard. Kakalabas lang nito ng shower room, nakasabit pa sa balikat ang tuwalya at tumutulo ang tubig mula sa buhok.

"Loser. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito. Napaawang ang bibig ko. Namataan ko sa likuran niya na nag-angat na ng tingin si Caden at nakita ako. Naningkit ang mga mata nito sa akin.

"Ha?" Ang bilis ng pintig ng puso ko. Lalo pa nang isang grupo ng mga nagtatawanang players ang biglang pumasok sa kwarto, ikinagulat din nila na naroon ako. This can't be happening! Sira ang plano ko. Kailangan kong makaalis dito kaagad. "I brought you this." sabi ko kay Bernard. Sabay abot ng ginawa kong espesyal na strawberrry cheesecake sa kanya.

"Wow." umaliwalas ang mukha nito. "Anong nakain mo? Namaligno ka binibigyan mo ako niyan?"

"Magthank you ka nalang!" sinaksak ko sa dibdib niya ang box ng cheesecake. "Alis na ako. Bye!" hindi pa man ako tuluyang nakaka-exit dinig ko na ang kantiyawan ng buong team sa paniniwalang nandoon ako para regaluhan si Bernard. Mabilis kong sinulyapan ang gawi ni Caden. Masama ang tingin niya sa akin. Pati na rin kay Bernard.

Kanda-pikit ako sa epic-fail na surprise ko sana kay Caden. Tumakbo ako ng mabilis, alam kong sinundan ako ni Bernard pero hindi ko siya nilingon nang tawagin ako. Kailangan kong makalayo bago pa man ako makita ng iba. Caden probably got the wrong idea. Baka iniisip na niya ngayon na nagpunta ako doon para kay Bernard at ang regalong iyon ay para talaga dito. Natutop ko ang noo ko. Tsk. Sana naghintay nalang ako pagkatapos ng klase. It was really a bad idea!











The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now