Chapter 60 Fire Bliss

33.9K 1.2K 354
                                    


Nakabaluktot ang mga daliri ko sa paa habang nakaindian-seat at nakabalot ng kumot sa bagong carpet na nakalatag sa sahig ng hunting lodge. Pinagmamasdan ko si Caden na buhayin ang apoy sa maliit na fireplace at magsilbing ilaw namin. Kompleto na sa mga kagamitan ang lodge. Carpeted na ang floor, may double size bed, may couch at may maliit na space para sa wine storage and bar at meron pang mini kitchen. The walls has been decorated with wooden planks in a rustic theme. Ang kulang nalang kuryente. Biglaan ang uwi namin kaya hindi pa natapos ng mga gumagawa dito ang pagkakabit niyon.

Bandang hapon na kami pumunta sa lugar na ito. Mabilis na kinain ng dilim ng gabi ang umaga, tapos ay napakalamig pa nanonoot sa balat ko pakiramdam ko nasa ibang bansa ulit ako. Buti na lamang nagsimulang bumalanse ang temperatura nang tuluyan nang magliyab ang mga kahoy sa fireplace.

After setting up the lights and heat Caden walked towards the wine bar and got us a glass of wine. So this is my wedding night. I'm like a medieval wife of very fine nobleman--finest in all the lands in fact-- and he chose to marry me. Caden is looking so much like a King in his loose silk shirt and black trousers. Tall and solid. Six feet and two inches of a mouthwatering fantasy. He moves like a panther in this small room making his very shadow look dangerous and elusive. Caden always wear his hair disheveled and messy. He needs to constantly run his powerful fingers through them and rake them back from his stunningly handsome face.

"Cheers! " he said as smile crept into those tantalizing chinky-eyes. His eyes literally reflecting the fire from the woods made my heart flutter. I can't believe this man is my husband now. Hindi ako makapaniwalang isang araw ay hinayaan ng tadhanang magkrus ang landas namin at mahulog siya sa akin na kagaya nang pagkahulog ko sa kanya bago pa man niya ako pormal na nakikilala.

Wala sa loob kong ininom ang laman ng kopita habang nakatitig pa rin sa mukha ng asawa ko.

"What?" nakahalata na siya. "Why are you looking at me like that, Thea?"

I sweetly smiled. It's as sweet as the wine he gave me. "Wala lang. Hindi lang ako makapaniwala na totoo ka, na totoo ito."

Ngumisi siya sa akin. "Kung nasaan man tayo ngayon, yun ay dahil sayo. You brought us where we are now. Nagpapasalamat ako na sa pagkakataong 'to buo na ang tiwala mo sa akin. Imbes na pag-isipan ako ng masama tungkol sa engagement namin ni Catiana, mas pinili mong maniwala sa akin. Love, I thank you so much for that. I promise you that I will never ever break your trust no matter what. I am yours. As you are mine."

Tears started pooling the insides of my eyes.

"Hey, are you crying?"

"No. Caden, I'm so happy right now. You made me so happy and so nervous all at the same time. Buong puso at buong pagkatao kitang mahal, natatakot ako na baka isang araw magkaroon ng katapusan ito. Alam mo yung pakiramdam na mahal na mahal na mahal mo ng sobrang ang isang tao takot na takot ka na baka bawiin ito sayo? Yun ang eksaktong nararamdaman ko ngayon, para sa akin mas mahalaga ka pa sa buhay ko, hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin."

"Ganun din naman ako. Yun din ang eksaktong nararamdaman ko para sayo Thea. Kung pwede lang kitang ikulong sa isang kwarto at huwag nang hayaang makalabas doon gagawin ko. Gusto ko lagi kang bantayan, gusto ko hindi mawawala ang mga mata ko sayo, gusto kitang lukubin ng proteksyon. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon sayo. Because as much as I want to keep you by my side and make you always safe, I want you to be happy. And for you to be happy I have to allow you to spread your wings and do the things that make you complete as a person. I want you to experience the highs and lows of life, happiness and sadness. I want you to discover the beauty of this unpredictable life on your own. Ang tanging magagawa ko lang, ay laging hawakan ang iyong mga kamay saan ka man dalhin ng kapalaran. Ang tanging maipapangako ko ay babantayan kita at proprotektahan sa abot ng aking makakaya, hindi kita hahayaang mag-isa. Susuportahan kita sa mga pangarap mo. Yun ang trabaho ng isang asawa, katuwang mo ako sa dusa at ligaya, sa hirap at sa ginhawa. Thea, sabay nating haharapin ang bukas ng magkahawak kamay at magkayakap ang puso."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now