Chapter 45 Prison Paradise

12.2K 835 123
                                    


Papa asked me a hundred times kung alam ko daw ba ang ginagawa ko at kung ito ba daw talaga ang gusto ko. Sinabi niyang wala siyang pakialam kahit na tuluyang mabankrupt ang negosyo niya kung ang ibig sabihin naman nun makukulong ako sa isang sitwasyong hindi ko naman gusto. Sana ganun kadali 'yun, sana ganun kadaling magdesisyon ng pansarili ko lang. Sana ganun kadaling ipikit ang mga mata ko sa lahat ng problemang kakaharapin ko, ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko sakaling hindi ako pumayag sa gusto ni Caden Arguelles.

Napatitig ako sa malaking diamanteng singsing sa palasinsingan ko. Caden gave it to me right before we board his private plane, sinigurado niyang may media coverage ang pagsakay ko dito at mapapansin ng lahat ang diamante ko sa kamay. He told the media we're going for a quick vacation alone, he gave them the illusion that I'm one pampered fiancee who can have everything that her heart desires.

"You're so quiet. Are you not excited to see the island that you sold your soul to the devil for?" untag ni Caden mula sa kabilang upuan sa harapan ko.

Tigagal ako at hindi makasagot. Gusto kong makita ang isla at sa puso ko alam kong siya ang gusto kong kasama pagpunta ko doon. Pero hindi sa ganitong paraan at sa ganitong rason.

"Bakit hindi ka nalang maging masaya na nakuha mo na ang gusto mo. Kailangan pa bang pekein ko ang pakikitungo ko sayo? Kausapin ka kahit na kinamumuhian kita?"

"Kinamumuhian? Hindi ba dapat sa akin manggaling ang salitang 'yan? Ito palang ang ginagawa ko sayo galit na galit ka na? Naisip mo ba kung ano ang mga pinaggagagawa mo sa akin noon??" bumalik ang tiim sa bagang niya at bahagyang nanlisik ang mga mata.

"Ikukulong mo ako sa isla. Yun naman ang balak mo di ba?"

"Bakit? Hindi mo ba kaya? Mamamatay ka ba kapag hindi mo makita ang kinalolokohan mong lalaki?"

Kinalolokohan? Iniisip niya talagang isa akong mababang uri ng babae na mang-aagaw ng aasawahin? Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na maging kami ni Bernard, at alam kong ganun din siya sa akin. Kahit na noong mga panahong malaya naming mahalin ang isa't isa, hindi nangyari iyon. Sa buong buhay ko isang beses lang tumibok ang puso ko. Sa lalaking ngayon ay nagpapahirap sa akin at ang tingin sa akin ay walang kasing dumi.

Pinatapang ko ang anyo ko. "Nilalayo mo ako sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko."

"Masakit ba? Brace yourself because it's only the beginning..."

"Anong gagawin mo pagkatapos nito? Kapag pagod ka nang paglaruan ako?"

"I'll dump you like a useless rag doll. Humiliate you in public and left nothing of you but your old stinking heart."

Sumikip ang dibdib ko sa galit na nakikita ko sa mga mata niya at sa talim ng mga salitang binibitawan niya. "Ganun katindi ang galit mo sa akin?"

"Do you even have the slightest idea what I had to through when you abandoned me?"

"Caden hindi---"

"Shut up! I don't wanna have this conversation with you ever again. Ihanda mo ang sarili mo dahil malapit na tayo. Pagtapak mo sa islang iyon, subukan mong kalimutan na may buhay ka pa sa labas, kalimutan mong may kalaguyo ka kasi hinding-hindi makakapasok ng isla ang lalaki mo, maliban nalang kung maging isda siya at kayanin niyang lumangoy papunta sayo."

Namutla ako at nawalan ng kakayahang huminga pasumandali. Sobrang sakit ng dibdib ko kakaisip kung paano umabot sa ganito ang galit niya sa akin? I always wanted to come home and apologize for what I did, akala ko sa loob ng maraming taon nakalimutan na niya ako at hindi na niya maalala ang sakit. Pero ngayon malinaw na malinaw sa akin na kinimkim niya iyon sa napakatagal na panahon, at ngayong may pagkakataon na siyang gantihan ako... gusto kong matakot sa mga susunod na mangyayari.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now