Chapter 12 The Old Arguelles

23.7K 980 89
                                    

She's been following me for quite sometime now. Ebidensya ang mga pictures na nasa gallery niya. Napangisi ako. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya kayang hindian ang lahat ng sinasabi ko. Hm. Too bad for you little miss naive.

I wanted to rest and spend the whole night again sa kwarto niya kaya lang gusto daw akong makita ng matandang Arguelles. Hindi ko gustong pumunta, pero mapilit silang lahat. Alam ko na kung ano ang mangyayari sa mansyon, titingnan lang nila ako mula ulo hanggang paa at kakaawaan dahil walang kwenta ang mga magulang ko. Shit silang lahat. Mga bwesit sa buhay ko.

"Caden." nang iangat ko ang mga mata ko nakita ko kaagad ang nakababatang kapatid ni Dad na si Tita Diana. Nakaismid ang mukha nito at halatang badtrip na siyang napag-utusang sunduin ako. Sinenyasan niya akong pumasok sa kotse, nanlilisik pa ang mga mata. Hindi ko pinansin iyon, nakapamulsa akong sumakay sa kotse niya matapos akong pagbuksan ng pinto ng driver. "What have you been doing? Your Lolo has been asking you to visit the mansion, you never did!"

Tumikhim lang ako.

"Really Caden? Lahat kami busy, maraming inaasikaso sa negosyo, kailangan mo pa talagang magpapansin ng ganito sa Lolo mo? Mag-inarte? Kailangan ka pang sunduin--"

"Wala-akong-kotse, Tita!" pikon kong sagot. "Binenta ni Dad. Wala na ding laman ang bank account ko sinimot niya pambayad sa mga loan sharks na pinagkakautangan niya. I can barely manage to survive on my own, ni hindi ko na nga kayang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Tapos gusto niyo pa mamasahe ako papunta sa mansion?? Guess what, kahit pamasahe wala ako."

"What?? What happened to the money Papa sent your Dad just recently? Para iyon makatulong sa bago niyang negosyo--"

"Eh di nalugi. Nabaon pa siya sa utang."

Natutop ni Tita Diana ang noo. "God! Anong pinaggagagawa ng Daddy mo? Ang laking pera na naman ang sinayang niya! Alam mo last na 'yon hindi na talaga magbibigay si Papa ng pera sa kanya."

"Yon lang ba ang gusto niyong malaman? Pwede mo na akong ibaba dito, hindi ko din naman gustong makita si Lolo Segundo."

"Napakabastos mong bata ka. Alam mo kung pumayag lang ang mga magulang mo noon na si Papa na ang magpalaki sayo baka naturuan ka pa ng magandang asal." ingos niya.

"Talaga? I doubt it. Anong ituturo niya sa akin? Ang mang-maliit at mang-mata ng ibang tao? Hindi bale nalang, mas gusto ko ang ugaling meron ako ngayon."

Nanggigigil na kumuyom ang kamay niya. Alam kong pikon na pikon na siya, nagtitimpi lang. "Nasaan ang Dad mo?"

"The edge of the world maybe? Who knows? Nagtatago siya dahil hindi pa bayad lahat ng utang niya."

Inirapan niya ako. Eh sa hindi ko alam kung nasaan eh. Matapos kaming maputulan ng kuryente at tubig sa bahay, hindi na siya umuwi doon. Ni hindi nga magtxt sa akin ang inutil na 'yon para man lang sana itanong kung buhay pa ako.







Pagdating namin sa mansyon ng mga Arguelles, maliwanag ang buong bakuran. Umiilaw ang ilang mga water fountains na dinaanan namin mula sa main gate. Ilang katulong ang nakaabang sa labas, naghihintay ng pagpasok ng kotse sa garahe at pagbaba namin.

"Good evening Ms. Diana, Sir Caden."

Tiningnan ko lang sila habang nakayuko nang dumaan kami. What are we, royalties? Oo nga pala, nakalimutan ko nang Arguelles nga pala kami. We're like royalties here in Phils.

"Nasa study room ang Lolo mo. Puntahan mo siya doon, and please lang Caden, huwag asal-pusali. Nasasanay ka na."

"Sa pusali ako galing malamang ganoon ang asal ko."

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now