Chapter 41 Rumor has it..

10.7K 744 71
                                    


Imbes na matulog pabalik balik ako ng lakad sa kabuuan ng kwarto ko habang sinasabunutan ang sarili. Ilang beses din akong napahilamos sa mukha sa sobrang tensyon na nararamdaman. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko kahit mauubos ko na ang isang litro ng tubig na nakapatong sa side table.

This can't be happenning!

This is not happening!

Ang Grammy ko... ang relationship ni Bernard sa jowa niya, my God kakapropose palang nung tao! Tiyak na malalagot ako kapag hindi ko naayos ang gusot na ito. Bakit hindi nalang magpa-interview si Bernard? Sabihin niya sa press kung ano ang totoong nangyari? Kinagat ko ang dila ko sa naisip, malamang hindi maniniwala ang jowa niyang bitchesa na insecure na insecure sa akin. Kung samin manggagaling ang denial, mas lalong lalala ang issue, matagal na ako sa industriyang ito kaya alam ko na kung paano tumakbo ang utak ng mga tsismosang walang ibang ginawa kundi siraan ang buhay ng iba. Maniniwala sa akin ang mga totoo kong fans na nagmamahal sa akin, alam ko ipaglalaban nila ako ng patayan, pero madami ding sawsawerang gustong makakita ng pagbagsak ng iba, at sila ang pinakamalaking problema namin ni Aliyah. Lalo pa't Grammys, yung mga fans ng kalaban kong artists sasamantalahin ang isyung ito.

Fucking hell! I wanna scream myself to death!

Sumalampak ako sa kama at nahiga ng pataob. Ibinaon ko ang ulo ko ng husto sa malambot na kutson baka sakaling lamunin nalang ako ng sarili kong higaan. Inabot ko ang cellphone ko tinawagan si Aliyah.

"I can't go to him now Aliyah. I'd rather die."

"Gaga ka. Buti sana kung ikaw lang ang mamamatay, eh paano kami ni Bernard? Magpakamatay nalang din kami ganun?" sagot ng mahadera niyang bestfriend. Sa ilang taon namin sa Hollywood pakiramdam ko payaman siya nang payaman pero pasungit nang pasungit. "Thea... we need to fix this, and soon please. Dalawang buwan nalang announcement na ng winner. You have worked hard for this, this is our chance now. Kung hindi si Caden, may naiisip ka bang pwede nating ipantapal sa isyu? Hindi lang ang Grammys mo ang nakasalalay dito pati na din ang reputasyon mo at ni Bernard, hahayaan mo ba talaga na isipin ng mga taong mang-aagaw ka? Kabit?"

"Bakit sa'kin lang ba nangyari ang ganito? Marami namang iba d'yan di ba? Si Princess Diana nga may isyung ganyan pero mahal pa rin siya ng mga tao--"

"Kasi patay na siya."

Napangiwi ako sa sagot ni Aliyah. Nakagat ko na naman ang ibabang labi ko sa tensyon. Parang hinahalukay ang sikmura ko at umiikot ang ulo ko.

"Basta, hindi ako lalapit kay Caden, tapos ang usapan."

"Hindi mo kailangang lumapit sa kanya, actually."

Kumunot ang noo ko.

"Talaga? May naisip ka nang ibang lusot? Oh thank you Aliyah, I know I can count on you--"

"Don't be too excited hindi pa ako tapos." bumuntong hininga siya sa kabilang linya. Nakikita ko sa utak ko na naghahanap ng sisindihang stick ng sigarilyo si Aliyah. "Well, hindi ako ang may plano nito, pero alam mo namang gagawin ng Recording Company mo ang lahat malayo ka lang sa negative publicity di ba? Lalong-lalo na ngayon.."

Kinabahan ako sa sinabi niya kaya nanahimik ako at naghintay ng kasunod.

"Caden Arguelles is famous on his own. Bukod sa ilang famous celebrity exes niya, CEO din siya ng isang higanting kompanya. He's a very private yet high-profiled individual. He has his own set of media people na nakasunod sa bawat galaw niya, kahit utot niya gagawing headline para bumenta. Kaya yung interview mo na sinabi mong bakla siya, instant viral news yun all over the net. Maraming komukontak na mga reporters sa akin at sa opisina nagtatanong kung may basehan daw ba ang comment mo na yun. Ang sabi namin noon wala, nagbigay ka lang ng random opinion mo sa isang lalaking papalit-palit ng jowa. But that statement has changed overnight."

"What changed?"

"Sinabi ng opisina na kaya mo nasabi yun ay dahil ex ka ni Caden Arguelles."

Nanlumo ang buong katawan ko. Gusto kong tumayo mula sa pagkakasubsob ko sa kama pero hindi ko magawa. Hindi ko lubos maisip kung ano ang mangyayari pagkatapos ng statement na iyon ng management ko.

"Na may basehan ka kung sinabi mo mang bakla siya. Sinasabihan na kita ngayon para hindi ka na magulat pag open mo ng mga social media accounts mo. Give one or two hours, you're trending again worldwide."

Nakain ko na ang dila ko. Pinagpawisan ako ng malamig sa sinabi ni Aliyah.

"Thea...? You're still there?"

Papatayin ako ni Caden. Hindi ko kailangang pumunta sa kanya, ako ang pupuntahan niya at papatayin niya ako.

"Idiniin niyong bakla siya sa statement na 'yon! Aliyah, Caden will hunt me for this, you know that..."

"I'm so sorry. Sabi ko naman sayo hindi ako ang naglabas ng statement, the situation has gotten out of control now. Ang priority ay matabunan ang isyung kumakalat na kabit ka ni Bernard."

Gusto kong umiyak. Gusto kong maglupasay hanggang sa mabagok ang ulo ko.

"Thea, they just made a rumor, it's up to you pa rin kung lilinisin mo ang pangalan ni Caden or mananahimik ka."

"I don't ever wanna get involve with him Aliyah, I'm not ready for this. I will never be ready."

"Thea, come on, grow up!! Hindi na tayo teenager na kapag nakita mo si Caden na dumadaan sa harapan mo nanginginig ka, napaparalyze ka. It's about time you act professionally and face this... face HIM if necessary."

Natahimik na naman ako.

"Like I said, all they did is start a rumor. Lahat ng kasunod na mangyayari it's up to fate... or up to you now."

Wala sa loob na naisara ko ang cellphone ko. It's up to me now. I have to clear this mess up real soon like a real mature person.

Nanginginig ang tuhod ko nang bumangon sa kama at naglakad patungo sa pamilyar na bintana kung saan madalas ko siyang tanawin sa malayo. Dahan-dahan kong nililis ang makapal na kurtinang tumatabing sa bintanang iyon at sa maliit na siwang ay sinilip ko ang katapat na bintana sa kabilang bakuran. Nakasarado iyon, wala akong makita, wala din akong maaninag na liwanag mula sa loob. Wala siya doon pero ang pamilyar na tibok ng puso ko ay nasa dibdib ko pa rin, lumalakas habang tumatagal, the familiar feelings is still here, hidden but full and intact. Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong nakatayo sa harap ng bintana ko at nakatitig sa kabila.

Going back, I was happy when I was his girlfriend. He made it sure everytime we spend time together. It was only later when I figured that Caden genuinely loved me with all his heart. Sa kabila nang pagiging inferior ko kumpara sa kanya, gusto niya akong ipakilala sa lahat. Ako lang ang ayaw. I knew he's been in countless flings with strikingly beautiful women before me, he's obvious act of protecting my dignity as a woman, I took negatively. He didn't made love to me when I offered not because I'm lacking, but because he respects me.

He waited for me in that cafe for hours. I knew because I was there too, watching him from a distance... for hours. Sa huli, binigo ko siya. Inisip ko nang mga panahong iyon na hindi ako ang kailangan niya. I knew from Teisha kung ano-ano ang mga pinagdadaanan ni Caden nang mga panahong iyon. Sinabi nito sa akin na kung sisipot ako sa cafe, guguluhin ko lamang ang mga desisyon niya sa buhay. Kailangan niyang sumama sa Lolo niya sa Amerika dahil nagkakagulo na ang pamilya nila dito. Sa PIlipinas. Kung sisipot ako sa cafe, hindi magdedesisyon si Caden na umalis ng bansa at iwanan ako. Hindi niya gagawin iyon kahit na maghirap pa siya dito.

At a young age, I thought, I was doing him a favor. That I was sacrificing my love for a bright future for him. Pero nagkamali ako, I shouldn't have abandoned him. Dapat nagpakita ako sa kanya sa cafe, dapat sinabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal na kung kakailanganin niya mang umalis para mapabuti ang buhay niya, dapat sinigurado ko na alam niyang hihintayin ko ang pagbabalik niya, kahit gaano man iyon katagal. Kahit maghintay ako ng habambuhay.

Pero hindi ko ginawa.

Sa halip, inabandona ko siya. Ngayon, nagbabalik ako sa buhay niya, ang kapal ng mukha kong guluhin na muli ang katahimikan niya

Tama si Aliyah, it's about time I face the consequences of the greatest mistake I did many years ago. Alam kong hindi niya ako papatawarin, but the very least I can do is say sorry anyway.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now