Chapter 4 I broke His Iphone?

24.7K 1K 37
                                    

I'm supposed to be home by now, magaalas-sais na ng hapon at kanina pang alas-kwatro tapos ang last subject ko. Hindi ko lang magawang iwanan ang kaibigan ko na matiyagang naghihintay sa labas ng classroom ng estudyanteng nagbebenta daw ng mga pictures ni Caden. The heck! What is he? A god? Na pinipilahan ang mga litrato? Hindi lang kasi kami ang tao dito, maraming nakapilang estudyante simula first year hanggang senior high. Marami ding mga college na na dumayo talaga sa mid-school department para lamang makabili. Limited edition daw kasi at exclusive ang mga photos. According to Aliyah, this is a discreet fund-raising campaign for the scholars funded by the Student Government. Really, discreet fund-raising campaign? Malapit na akong masiraan ng ulo sa mga walang kwentang pakulo ng mga spoiled brat na estudyante sa eskwelahang ito.

Nang lumabas ang lalaking estudyanteng may hawak ng mga litrato, muntik na itong magkayupi-yupi nang dumugin ng mga naghihintay. Hindi ko namalayan wala na pala sa tabi ko si Aliyah, nandoon na nakikipagbangasan ng mukha. Napapangiwi ako sa tuwing nakikita ako siyang tinutulak sa pila, kahit nasasaktan lumalaban talaga siya. Nakikipaggitgitan at tulakan din. Matapang din pala itong si Aliyah, akala ko mapagbigay siya sa lahat ng bagay. Well, I guess with the exception of Caden Arguelles. Gagawin ni Aliyah Bernabe ang lahat kahit na lumabas pa ang dark side niya.

Ilang sandali pa humarap sa siya sa akin na gusot ang buhok at uniporme. Hinahapo na din kaya hindi na makapagsalita ng maayos. Pati salamin niya sa mata tabingin na din. Parang dumaan sa giyera.

"Are you okay?" tanong ko habang inaayos ang pagkakasuot ng salamin niya na anytime ay babagsak na.

Tumango lang siya tila hindi kayang magproduce ng salita ang bibig niya. Nagthumbs up pa siya sa akin nang nakatawa.

"Did you get what we came for?" tanong ko nalang din kahit na hindi ako interesado.

"Yup! I got a lot!!"

Nanlaki ang mga mata ko at napailing-iling nang ilabas niya sa inner pocket ng blazer uniform niya ang lampas isang dosenang litrato ni Caden Arguelles.

"I hoarded almost all of them!" tili pa nito na tila excite na excite.

"What?!"Kaya pala ang sama ng tingin sa kanya ng mga babae sa dulo ng pila, malamang ay hindi na aabot sa kanila ang mga litratong pinagpapantasyahan nilang makuha. "Alam mo Aliyah, halika na, mama-murder tayo dito sa ginagawa mo eh!"

"Bakit naman eh ako ang nauna sa pila."

"Shut up,"pinanlisikan ko siya ng tingin. Mabuti na lamang at nakikinig itong si Aliyah sa akin kahit na papaano. Imbes na pumila ulit for more copies nakumbinsi ko siyang sa susunod nalang kami babalik, I'm sure mas marami pa siyang collections na makukuha. We're heading to the school parking to get to her car when she grabbed my sleeves.

"Thea! Nawiwiwi ako, sorry, kanina ko pa kasi tinitiis to kasi ayokong umalis sa pila pero hindi ko na 'to kaya!"

Gusto kong iuntog ang noo niya sa bag ko."Oh sige, doon ka nalang sa loob ng gym, doon ang pinakamalapit na CR, bilisan mo. Hahanapin na ako ni Papa kapag wala pa ako sa bahay ng 7pm alam mo naman 'yon."

"Oo alam ko. Sorry naman. Ihahatid naman kita eh. Hawakan mo muna 'tong mga pictures ni Caden ha?"

Umangat ang kilay ko pati na ang kaliwang dulo ng bibig ko. "No. Bakit ko hahawakan 'yan?"

"Baka malaglag ko sa CR, madumihan pa. Sayang ang mahal-mahal pa naman ng mga 'to."

"Ayoko nga. Dalhin mo nalang at ipamunas mo sa toilet seat para may pakinabang naman 'yang mga 'yan."

Sumimangot si Aliyah. "Sobra ka. Kung di lang ako naiihi...d'yan ka na nga!"

Tinalikuran ko siya. Para mas lalong iparamdam na wala akong balak hawakan ang mga pictures ni Caden Arguelles. Allergic ako sa lalaking iyon baka kapag nadampian ng kamay ko ang mga iyon ay magka-cancer ako. Or worse, bumalik na naman ang pagkabaliw ko sa kanya.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now