Chapter 21 Don't make me do Bad Things

18.6K 963 140
                                    




Sa sobrang malas ko, Aliyah can't take the meds to the field kaya ako pa rin ang nagdala. Sinigurado kong maayos ang itsura ko bago magpakita doon. I'm still wearing my pony tail on the top of my head letting my curls cascade my back. I'm wearing a light make up, just pinkish and natural. Sinubukan kong maglakad ng straight patungo sa field kung saan mag-isang nagpa-practice si Bernard habang ang mga 'dati' niyang kaibigan ay nasa bleachers na at nagpapahinga.

Habang papunta kay Bernard, nasa gilid ng mga mata ko si Caden. Kuyom na kuyom ang kamay ko dahil nasa tabi niya si Teisha, inaabutan siya ng bottled water at malawak ang mga ngiti sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero kung susumahin, sa mata ng lahat ng taong nakakakita, Teisha's the supportive girlfriend trying to keep up with his boyfriend and all of his friend. Ilang sandali pa nagbubulungan na ang dalawa hanggang sa biglang hinalikan ni Teisha sa labi si Caden.

Nakita ko na silang naglalaplapan dati. What's the big deal now?

Big deal kasi sikreto ka ding nilalaplap ni Caden? Nakakababa ng pagkatao di ba?

Shit!

"Kung hindi mo gustong dalhin sa akin ang mga gamot na 'yan hindi ka na dapat nagpunta." salubong ni Bernard sa akin. Napansin marahil ang simangot sa mukha ko.

"Nagpunta ako. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang? Sabagay mukhang hindi mo naman na kailangan ang gamot." sinipat ko siya habang naglalaro ng bola. "Mukhang magaling ka na."

"Masakit ang katawan ko. Pero hindi ako pwedeng sumuko. I need to at least maintain an scholarship here. Kung mawawala ako sa team, mawawalan na ako ng karapatang mag-aral dito ng tuluyan."

"Tough life huh."

"How about you pretty head? Bakit biglang nagbago ang aura mo? Hindi ka naman ganyan dati ah?"

"Anong ganito?"

"Ganyan. You changed."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo naman nasabi iyon? Hindi mo ako kilala."

"I'm sure I've seen your face somewhere. And from what I remember, hindi ka ganyan manamit. What made you changed?"

Nagkibit balikat ako. Ayokong sagutin ang tanong at gawing big deal na naman ito. Natatakot akong aminin ang totoo sa sarili ko na baka ko ginagawa ito ay dahil talaga kay Caden.

"Teach me what you're doing." pagbago ko sa usapan.

"Mainit ang araw Miss School Owner, masisira ang maganda mong kutis."

Umikot ang mata ko sa kanya. Inagaw ko ang oval na bolang hawak niya, pumwesto ako ng malayo tapos ay hinagis iyon ng malakas sa kanya. Nasalo niya pero napanganga ko siya. "Ang lakas ah." Binalik niya sa akin ang bola, nasaktan ako sa lakas niyon pero nasalo ko. Binalik ko ulit sa kanya. Pero nang makita kong seryoso na siya sa pagbato, imbes na saluhin ay umilag nalang ako sabay tawa at labas ng dila sa kanya.

"Di mo pala kaya eh." kantiyaw nito.

"Akala mo naman lagi akong naglalaro. I hate sports alright. Ikaw ba, anong posisyon mo sa team niyo?"

"Unimportant."

"No such thing as unimportant in a game of team players." sagot ko.

"Left tackle."

"Ano yun?"

"Tinatanong mo kung ano ang posisyon ko di ba?"

Tumawa ako ng malakas. "Alam ko, nanonood ako ng football. You're responsible of keeping your Quarterback alive in the game. Don't you think it's the most important position in the field? You protect the star player, without you, he's handicapped of winning."

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now