Chapter 43 You can't get away from me...

11K 791 89
                                    


Halos hindi ako gumalaw sa kinakaupuan ko, pigil na pigil ko pati ang paghinga. Kung pwede nga lang pabagalin ang tibok ng puso kanina ko pa ginawa dahil malapit na akong malunod kahit kotse ang kinaroroonan ko at hindi naman swimming pool!

Para akong may stiff neck na hindi maigalaw ang leeg. Nasa passenger seat ako ng kotse ni Caden, he was the one driving at dahil peak hours ngayon na-stuck kami sa traffic. Hindi siya umiimik, kaya hindi rin ako makapagsalita. Kahit hindi niya sabihin, alam ko kung saan kami papunta. Ang daang tinatahak namin ay pauwi ng bahay ko. Hindi ko na nabalikan ang kotse ko dahil sa underground parking ng building kami dinala ng mga security guards na nagrescue sa amin kanina.

Muntik na kaming magkalasog-lasog sa mga taong gustong sumugod at kumuha ng litrato. His guards priority was of course the safety of their boss, kaya si Caden ang kanilang unang pinrotektahan. Akala ko iiwanan niya ako, sa halip hinubad niya ang jacket niya, pinatong sa ulo ko para ikubli ang mukha ko sa mga camera at ibinalot iyon sa katawan ko. Pagkatapos hawiin ng mga gwardiya niya ang mga tao, naglakad kaming palayo habang nakaikot ang braso niya sa balikat ko. I have been in events where people are really out of control, back in States lampas sa sampu ang mga personal guards na nakapalibot sa akin sa tuwing may event ako, but never did I feel that strange sense of security while his steel arms were wrapped around me, protecting me from the harshness of the world. It was a strange feeling of peace and serenity.

Ngayon na nasa loob kami ng kotse niya, ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Mas gusto ko siyang nagsasalita kaysa sa ganito na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

"Caden.." nanginginig ang labi ko. Buong akala ko may lumabas na salita sa bibig ko. Pero nung hindi siya nagrespond, nagdalawang isip ako kung nagsalita nga ba ako o sa utak ko lang tinatawag ang pangalan niya.

Ang bagal pa din ng takbo ng sasakyan, dalawang beses na mas mabagal pa ang ikot ng gulong kaysa sa tibok ng puso ko. Kinapa ko ang loob ng bag ko, gusto kong sabunutan ang sarili ko nang maalalang may dala nga pala akong maliit na powerbank! Kung hindi buhol-buhol ang takbo ng utak ko kaninang kasama ko si Caden sa storage room na 'yun sana hindi niya ako napilit na ibigay ang password ko. Pasimple kong sinaksak ang powerbank sa phone ko, sinadya kong hindi ipakita dahil baka isipin niyang sinasadya ko yung kanina.

Nang sa wakas ay umandar na kami at magtuloy-tuloy na ang takbo ng sasakyan dahil papasok na kami sa subdivision, tumunog ang cellphone ko, napatingin tuloy sa akin si Caden, salubong ang kilay na parang nagtatanong 'what the hell Thea, akala ko lowbat ka?'

Hindi ko siya pinansin. Sinadya kong bahagyang tumalikod sa kanya at wala sa loob na sinagot ang kung sino mang tumatawag. Kanina pa panis na panis ang laway ko kailangan ko ng kausap kundi mababaliw ako sa tensyon dito sa loob ng kotse ni Caden.

"Hello."

"Where are you?"

Boses iyon ni Bernard sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo. Iniipon ko pa ang lakas ng loob ko para kausapin siya at magsorry, hindi pa ngayon ang araw na iyon.

"Bernard.."

"I saw the news, kasama mo si Caden ngayon? Anong ginagawa mo sa building niya and what the hell were you thinking allowing those people take pictures of you with an after-sex shock flustered all over your face??!"

"Bernard! That's not what happened! Anong after-sex? I was wearing a wig, I took it off nagmukhang nakuryente lang talaga ang buhok ko dahil sa gel na nilagay ko--"

"Nagkabalikan na kayo ni Caden?"

"No! Of course not! Ba't naman kami magkakabalikan? Ngayon pa talaga after so many years!" defensive kong sagot sa kanya.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now