Chapter 25 Valuable or Not

11.4K 673 18
                                    

"Anong ginagawa ng mga ito dito?" galing sa MRT station, nilalakad ko ang mahabang eskinitang ito para makarating sa cafe na pinapasukan ko. Hindi ko akalaing matutunton nila ako. Isa-isang lumapit sa akin ang mga lalaking animo'y mga taong kalye. Like the usual bad guys in the movies, ang papangit nila. Matatangkad ang katawan, pero mga payat na parang sabog araw-araw. Kung suntukan lang at paisa-isa ang laban sa tingin ko hindi tatagal sa akin ang mga 'to. Kaya lang armado sila at napakadami. Hindi bababa sa dalawampu ang bilang ng mga ito na isa-isang pumapakibot sa akin.

Humarang sa daan ako ang isang itim at makinis na kotse, mukhang bago pero hindi kamahalan ang modelo. Lumabas doon ang lider ng grupo, si Diaz. Ang sindikatong pinagkakautangan ni Papa ng malaking halaga.

"Tingnan mo nga naman ang swerte. Nagpang-abot din tayo sa wakas, Caden Arguelles." anitong nagsisindi ng sigarilyo.

"Nakaharang ka sa daan ko." maiksi kong sagot, diretso ang tingin ko sa kanya.

"Aalis ako, kung sasabihin mo kung nasaan ang magaling mong ama. Tinakasan kasi ako ng hayop na 'yun, ang usapan ibabalik niya ng triple ang pera ko. Pero ni singkong duling wala siyang inabot sa akin at naglaho pa na parang bula! Sa tingin mo, kung sayo gawin iyon, nakakagalit di ba?!" naglalabasan ang litid niya sa sobrang galit, kuyom na kuyom ang kamao at pinagsisipa ang bawat kalat na dumapo sa sapatos niya. "Galit na galit ako kapag nakita ko ang putanginang demonyong 'yun, papatayin ko siya!" sinunggaban niya ako at hinawakan sa leeg. Pagkatapos ay sinuntok ng malakas sa tiyan. Gusto kong manlaban pero kapag ginawa ko iyon, ako lang din ang talo. Nanlilisik ang mga mata ko sa galit at sa kagustuhang makaganti.

Hinila niya ang buhok tapos at sinuntok ako sa mukha, bumaon ang ngipin ko sa gilid ng bibig ko, pumutok iyon at dumugo. Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa bumagsak ako sa lupa sa sobrang pagkahilo.

Nang senyasan niya ang mga tao niya na gulpihin ako, instinct na ang biglang pagdepensa ng katawan ko. Pinilit kong tatagan ang tuhod ko at buong katawan. Nakipagpalitan ako ng suntok at sipa sa kanilang lahat, hanggang sa umikot ang paningin ko hindi ko na alam kung saan-saan nanggagaling ang mga tamang dumadantay sa buong katawan ko. Napakaraming kong tinamong suntok at sipa, marami din akong pinakawalan, ilan sa mga kalaban ang napabagsak ko na at hindi na nakabango pero marami pa din ang nakatayo. Kailagan ko ng armas, dahil ko kakayanin ang mano-manong labanan kung mag-isa lang ako.

Tinalasan ko ang mata ko sa paghahanap ng bagay na pwede kong gawing armas sa paligid. Pero wala, puro mga basura ang nakikita ko. Nasapol na naman ako sa tiyan, binalikan ko ng sipa sa leeg ang gumawa noon. Pero mukhang naalarma na sa kaya kong gawin si Diaz kaya bumunot na siya ng baril. Bago niya tuluyang maiputok sa akin iyon, sinunggaban ko siya, pinilipit ang kamay hanggang sa makuha ko ang kontrol sa baril at mahawakan ko ang gatilyo.

Lahat na ng tauhan niya naglabas ng baril at itinutok sa ulo ko. Ganoon din ang ginawa ko kay Diaz. Hinawakan ko siya sa leeg at tinutok ang baril na hawak ko sa ulo niya.

"Baba niyo baril niyo kundi puputukan ko 'to!" singhal ko sa determinadong tinig.

"Sabihin mo nalang kung nasaan ang tatay mo, tapos na tayo dito." giit ni Diaz.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Sa tingin mo, ikaw lang ang inutangan niya? Marami pa kayo, nagtatago siya dahil wala siyang pambayad. At hindi kami ganoon kaclose para sabihin niya sa akin kung nasaan siya! Wala kayong mapapala sa akin."

"Kapag ang daga, nagutom, siguradong lalabas sa lungga. Madali lang naman ang maghintay, basta paglabas niya, siguradong malalason siya sa pain. Tandaan mo 'yan!"

Hinigpitan ko ang pagkakasakal ko sa kanya. "Huwag mo siyang kakantiin!"

"Bakit, may magagawa ka? Balita ko, pareho kayong itinakwil na sa pamilya. Wala nang magagawa ang pagiging Arguelles mo dahil katulad ng ama mo, mas mahirap ka nalang din sa daga!"

"Babayaran kita." napilitan akong bigkasin iyon. Alam kong seryoso siya sa banta niya na papatayin ang ama ko sakaling lumabas nga ito sa lungga nito. "Wala kang mapapala kung papatayin mo siya. Mas lalong hindi mo mababawi ang pera mo."

"Alam mo ba kung magkano ang utang ng hayop na 'yun sa sindikato ng wala pang interes? Dalawampung milyon!"

Napamura ako sa utak ko. Tangina talaga! Ganoon kalaki? Anong pinaggagawa ng magaling kong ama? "Ilang patong na ba ang ginawa mo d'yan ha?"

"Sabi ko sayo wala pang patong 'yan boy. Dalawamput limang milyon, Arguelles. Isang buwan lang ang ibibigay ko sa'yo. Kapag hindi mo naibigay, magpasensyahan tayo."

Nang bitawan ko ang leeg niya kaagad niyang inagaw ng baril niya sa kamay ko. Ibinaba niya iyon pero kinapkapan ako, dinukot ang bulsa ako.

"Tsk. Limandaan? Limandaan lang ang pera mo?? Tsk. Tsk. Totoong Arguelles ba talaga kayo? Baka ampon 'yang tatay mo!"

Hindi niya pinatawad ang limandaan kinuha niya iyon at itinapon sa umaapaw na basurahan ang wallet ko. Punong-puno ng nangangamoy at nabubulok na ihi at basura iyon. Shit!

Nang maka-alis sila, hindi ko malaman kung saan ang una kong sasapuhin sa sakit ng katawan ko na unti-unti nang lumalala. Pinahid ko ng kamay ko at dugo sa ilong at bibig. Tapos ay paika-ikang naglakad patungo sa basurahan. Panay ang mura ko habang kinukuha ko iyon, sobrang baho at basa na dahil medyo lumubog na.

Nabali pa yata ang tadyang ko dahil ilang ulit itong tinamaan ng sipa.

Nakakailang hakbang palang ako when my phone started to ring. "What?" I didn't bother to check the caller ID.

"Dude." it's Jonas.

"I thought you wanted to know. It's about Bernard again--"

"I'm not his fucking babysitter, why the heck are you calling me about his sorry ass?"

"Well we heard he was locked inside the school library and they were planning to burn the place down. We don't want Bernard dead on our team, do we? We need him for the finals."

"Fuck. Sinong may gawa nito?" kumunot ang noo ko. Nakangiwi pa rin ang mukha ko dahil sa iniindang sakit.

"I don't know, dalawa sila doon. Hindi ko alam kung sino ang pakay ng arsonist."

"Damn I fucking don't have time for this, Jonas. Ikaw nalang ang pumunta, isama mo ang ibang team. Tandaan mo kailangan natin si Bernard, I'm still injured and he's the next best shot we have for the finals."

"Okay. I'll meet with the team, we're on our way."

Bago pa ibaba ni Jonas ang telepono, nag-sink in sa akin ang sinabi nito na may kasama si Jonas sa library. Bigla akong kinabahan nang maisip ko kung sino. I've been meaning to ignore what I'm seeing at school. I've been trying really hard to dismiss the idea that something is going on with him and Thea, na hindi magagawa sa akin ni Thea ang bagay na iyon. She's my girlfriend. Public or not, she is. She should know better than sneaking behind my back with some guy, especially if the guy is within my team. Valuable player or not, mapapatay ko ang taong iyon.

"Sino ang kasama niya sa library?" I managed.

"The school owner. What's her name again... Thea?"

Nanigas ang panga ko. Nadagdagan ang crack ng cellphone ko halos mapisa ko iyon sa kamay ko. GOD DAMN IT!

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now