Chapter 37 Friday Night

14.4K 730 125
                                    

Caden

She has been avoiding me. It's the middle of the week already. It's Wednesday. And I'm not getting a single call or even just a message from her. Ilang araw ko na siyang inaabangan sa locker niya, sa library, sa parking, akala ko minamalas lang ako at hindi ko siya mahagilap pero nalaman ko kahapon that that was not the case. She hides whenever she sees me. Sinadya kong dumaan sa hallway malapit sa classroom niya, nakita ko siyang tumatakbo palayo, umiiwas na magkatagpo kami. Sinubukan kong puntahan siya sa bahay nila, but she abandoned her room already, lumipat siya sa ibang kwarto at hindi ko alam kung saan iyon.

I wanted to talk to her. I wanted to explain about the photo she saw, fuck, ni hindi ko nga alam na nandoon 'yon. I was asleep and fucking unconscious when that was taken! Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ipapaintindi sa kanya na walang ibig sabihin sa akin ang picture na 'yon. Hindi ko alam kung paano mababago ang mga nakakatawang bagay na naiisip niya kagaya ng hindi siya bagay sa akin at nahihiya akong ipakilala siya sa mga tao. Gustong-gusto ko, matagal na. Gusto ko siyang ihatid-sundo sa school, gusto ko siyang abangan sa labas ng classroom niya tuwing lunch, gusto ko siyang samahan sa kinamumuhian niyang PE class just to be there for her and support her. Higit sa lahat gusto kong pagbutihan ang laro ko para sa kanya. Para maging proud siya sa akin. For the first time in my life, I've seen a guiding light, a path, a hope that somehow there's a escape from my freaking miserable life right now.

"Shi-Damn!!" tinamaan ako sa mukha ng bola. Hindi ko nakitang may pumasa nu'n sa akin kaya sapol na sapol ako sa mukha. Kasunod noon ang pagdamba sa akin ng isa sa mga kateam ko, hindi ko na kilala kung sino, malakas ang palo ng katawan nito sa katawan ko dahilan para bumagsak ako sa lupa, sa lakas at bigat ng pagkakadapa ko halos hindi ko namaramdaman ang kalahati ng katawan ko.

Narinig ko ang biglang pagpito ni Coach, pinalibutan nila ako hanggang sa hindi ko na makita ang langit sa itaas.

"Arguelles, you're clearly distracted! What the hell are you doing?"

Huminga ako ng malalim nang makaupo ako at maalalayan nila Jonas na makatayo.

"Okay ka lang Bro? Hindi ka tumitingin sa bola eh!"

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin ang paghaba ng nguso niya. Napakamot ako sa batok ko. Nananadya ang Julius na 'to. Siya ang nagpabagsak sa akin sa lupa at ang sama pa ng pagkakadapa ng katawan ko. Nanlisik ang tingin ko sa kanya, patawa-tawa siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Let's take a 20-minute break. Magpahinga ka Arguelles." ani Coach.

"Wow, magaling naman talaga oo. Kapag ang dakilang player ang may galos 20 minutes ang break time? Di ba dati 10 minutes." pahaging ni Julius, kunwari nakikipagtawanan sa grupo niya pero halatang pinadadaan sa hangin ang inis sa akin.

"Huwag mong pansinin 'yan , inggit lang 'yan. Masama ang loob dahil hindi nainterview pagkatapos ng game last week. Papanu masyadong papansin sa press, wala namang kwenta ang mga pasa sa laro." pasaring din ni Jonas.

Narinig iyon ni Julius at dahil pikon ang gagong ito, hindi iyon pinaglagpas. Sinugod at dinuro niya si Jonas. "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga sinabi mo?? Gago ka ah!"

Hindi naman papatalo ang isa. "Bakit tinamaan ka? Sapol ba? Ang laki kasi at kapal ng mukha mo kahit hindi ka asintahin tatamaan ka eh!"

"Tarantado ka ah!" susugurin na sana ni Julius si Jonas kundi lang pumagitna ang karamihan sa mga team. Hindi nagpapaawat ang dalawa kaya lahat sila nagkagulo sa field.

Umikot ang mata ko at umiling-iling. Mas lalong sumasakit ang katawan ko sa mga walang kwentang eksenang ganito. Pinilit kong maglakad patungo sa fountain ng tubig para punuin ang bote ng mineral water na hawak ko. Sumunod sa akin si Bernard. Kung si Julius kaya kong tiisin ang pagmumukha, ito hindi. Kapag naaamoy ko ang gagong 'to kumukulo ang dugo.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now