Chapter 42 Trapped

12.6K 887 263
                                    


Hindi ko alam kung paano iaapproach si Caden. Kagaya ng sinabi ni Aliyah, within hours, tinupok ng balitang bakla si Caden ang buong online universe! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, instruction ng management sa akin na hayaan lang iyon, kung hindi ko rin lang palalakasin ang apoy ay pabayaan ko nalang daw. At this rate, people will hardly ever notice that video of me and Bernard from an unknown source na hindi naman masyadong popular.

Tatlong araw na ang lumipas na wala ako sa sarili ko. Walang akong magawa kundi basahin ang mga nakakakilabot na mga comments ng tao kay Caden, kesyo sayang daw ang lahi, kesyo manggagamit ng babae para pagtakpan ang kabaklaan, at marami pang iba. Bukod sa mga iyon ang dami ding bastos na proposal mula sa mga desperadang babae at bakla. Opinyon pa nga ng nakararami, wala namang masama sa pagiging bakla, ang masama ay ang ginagawa niyang pananakit ng mga babae para lang itago ang sekreto.

It's his fault for being such a ruthless playboy! Not entirely my fault. Nah.

Pero hindi totoong bakla siya. Paano ko lilinawin iyon?

I checked his schedule, his routine, where he's frequently seen and all that. Nahirapan ako dahil filtered lahat ng info niya na nakalagay sa internet. Pero sa pagtatagpi-tagpi ko ng mga stolen shots niya mula sa mga ina-upload ng fans online, madalas siyang makita sa isang cafe sa Fort Bonifacio malapit sa Arguelles Central Tower.



Caden

God damn it! God damn it! Nakaka-isang libong mura na ako sa araw na ito kakarating ko lang ng opisina. My people just emailed me how the situation has gotten worse. Now some of my business deals are somehow affected by the fucking rumor that I'm a fucking gay!

Umuusok ang telepono ng opisina mula sa media na gustong marinig ang side ko sa istoryang ito. From the latest report sent to me, Isang tao lang ang nagpalala ng isyung ito. Nilagyan niya ng gasolina ang simpleng usok lang kaya nagliyab ng husto at ngayon ay hindi na maapula. Thea-fucking-Villasanta. The International Pop Diva and best selling music artist of all time as WIKIPEDIA described her.

Tumunog ang intercom ko. "What?"

"I'm sorry Sir but it's urgent. The Chairman needs to talk to you. He's on the other line."

Nakuyom ko ng husto ang kamao ko. Pinindot ko ang kabilang linya at malalalim na buntong-hininga ng Lolo ko ang narinig ko.

"Caden, what the hell is going on? I certainly didn't expect this rumor coming from you--is it true? You're gay??"

"No! Lolo! For heaven's sake absolutely not!"

"Then where the hell is all this shit coming from? You better fix this Caden, and better be soon!"

"Lo--" hindi ko na nasabi ang iba ko pang dapat sabihin nang babaan niya ako ng telepono. Sa asar ko ay naibagsak ko ang hawak na aparato sa mesa ng ubod ng lakas. Napaupo ako sa swivel chair at minasahe ng madiin ang kumikirot na sentido.

Ang laki ba ng galit sa akin ng babaeng iyon para gawin niya sa akin ang ganitong kagaguhan? She's the one who fucking left me! Ang lagay ako pa ang may kasalanan sa kanya? Damn that woman! Huwag ko lang talaga siyang makita, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya!

Muling tumunog ang intercom. Napahilamos ako sa mukha. "What now?"

"Sir, I already have Ms. Villasanta's phone number. She's in the Philippines now according to the informant we sent to her agency."

Napakuyom ako.

"I emailed you the details, Sir."

Pagkasabi ng assistant ko nun, binaba ko na ang telepono. Anong gagawin ko sa phone number niya? Like I ever wanted to get in touch. Not a chance.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now