Chapter 36 It's Wednesday

10.9K 623 30
                                    




What the heck is he doing in this part of the building? Hindi naman siya nagpupunta dito ah? Ito lang ang pwede kong daanan kung gusto kong makarating ng locker ko ng mabilis at hindi na kailangang umikot pa. PE ang susunod naming subject at dahil hindi pa tapos si Aliyah sa kinakabisadong linya sa Act, pumayag siyang mauna na ako sa locker dahil mas matagal akong magpalit ng damit kaysa sa kanya. Caden's just standing there in the hallway looking so cool and extremely handsome. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa ibaba, sa sapatos niya yata habang nakapamulsa ang isang kamay. He's just standing there waiting for something... or someone.

He sent me a message earlier, ang sabi niya gusto niya akong makita. So ako ang ipinunta ni Caden Arguelles dito? Dahil sa akin kaya ang mga bwetre kong kaklaseng babae imbes na dumiretso sa locker ay parang mga tangang nakapalibot hindi malaman kung paano kukunin ang atensyon ni Caden. He's not paying attention to any one of them kahit na obvious na naghihintay lang ang mga ito na pansinin niya. Nang iangat niya ang tingin mula sa sahig kaagad na nanlaki ang mga mata ko, itinago ko ang mukha ko sa bag na dala ko sabay dikit sa pader ng katawan ko. Dahan-dahan akong yumuko at naglakad ng halos paluhod marating lang ang hagdan kung saan pwede akong lumiko na hindi na niya ako makikita.

Huuuu! Muntik na 'yon. Umikot ako kaya nauna pa sa akin si Aliyah sa locker.

"Ang tagal mo. Nagkita kayo ni chocolate-munchkin mo??" nagniningning ang mga mata ni Aliyah excited sa ikukwento ko. "Parang may hinihintay siya kanina sa labas ng classroom natin. Hindi naman siya dating nagagawi dito ah, ngayon pinupuntahan ka na. Tingnan mo nga naman ang progress."

"Anong sinasabi mo, hindi kami nagkita."

"Hindi mo nakita si Caden? Abay nagmukha nang divisoria ang hallway kanina hindi mo napansin?"

"Ah. Umikot ako eh." painosente kong sabi. "Sayang."

"Tch. Alam mo kung ako ang jowa ng poging 'yon, ililips to lips ko 'yun ng bongga sa harapan ng mga babaeng buwayang gustong sumakmal sa kanya kanina! Like in their face, bitches! That would have been so cool!!" dagdag na palatak ni Aliyah habang nagbibihis ng uniform.

Habang nakahubad ng damit at bra lang ang suot may biglang pumasok sa utak ko. "Maganda yung bagong labas na garments ng H&M sa mall ngayon no?"

"Yup! I've seen this new French laced bra earlier sa online site nila and they're really cute. I want them! Teka, kelan pa ka nagkaroon ng interest sa mga bra ha?"

"Mag-mall tayo mamaya?" nagtwinkle pa ang mata ko sa kanya. Hindi pa man sumasagot si Aliyah biglang umepal si Nika at Grazie sa gitna namin, nasa taas kasi ng locker nila ang locker namin. Dahil nga exclusive for girls ang room na ito comfortable ang mga girls na basta nalang maghubad. Naghubad silang dalawa sa harapan namin. Blouse and skirt, tumambad sa paningin namin ang mga sexy lingerie na suot nila. Showy pero pure pa din at sexy, kulay itim ang kay Nika at nude naman ang kay Grazie.

"What are you two looking at?"

"Excuse me. Ano namang pagkakainteresan ko d'yan? Kadiri." simangot na sagot ni Aliyah sabay arteng maduduwal pa. Dahil doon umangat ang noo ng dalawa kasabay ng pagtaas baba ng kilay. Tiningnan kami ni Aliyah mula ulo hanggang paa bago tumawa ng malakas.

"Anong nakakatawa?" untag pa ng kaibigan ko.

"Wala naman. Just wondering what puberty has done to your body so far... " ani Grazie.

"Feeling ko wala. Mukha namang inactive ang hormones nilang dalawa, kaya siguro hanggang ngayon eh baby bra pa din ang suot at panty na may tweety bird! So cute!!" dagdag na pang-aasar ni Nika.

Ngali-ngaling sabunutan sila ni Aliyah kaya hinila ko nalang ang kaibigan ko palayo. "Mga bwesit. Makapanira nga araw eh! Pupunta talaga tayong mall mamaya after school ha? Hindi pwedeng hindi!!"

Napabuntong -hininga ako at napailing-iling. Sa nakita ko, nawalan ako ng pag-asa, kahit na gaano kaganda at kamahal ang bilhin kong underwear, hindi magiging ganoon kasexy ang katawan ko kagaya ng sa kanila.

"Huwag mong sabihing made-depress ka ng dahil lang sa kanilang dalawa?" untag ni Aliyah, papunta na kami sa PE class kung saan larong Volleyball naman ang pag-aaralan.

"Ba't naman ako made-depress?"

"Oo nga, bakit ka made-depress, you don't have any reason to, you have an absolutely perfect boyfriend whose madly in love with you! You know what, let's just focus on the game this time, sana man lang kahit isang round manalo tayo."

Umikot ang mata ko. Sana kamu, hindi ako tamaan ng bola sa mukha, yun na lang ang pinapanalangin ko! Urgh! I hate PE class!








After class, wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Aliyah para lumabas at mag-mall. Pinuntahan pa rin namin ang lingerie boutique na gusto niyang bisitahin upang maghanap ng mga bagong pair ng underwear.

"Totoo ba ang sinasabi nila Nika na may tweety bird panties ka pa?" bigla niyang tanong habang namimili sa mga nakasdisplay na lingerie na pulos pang hooker ang tingin ko.

Namula ako. "Hindi ah... spongebob yung akin."

Humagikhik si Aliyah. "Sa'kin Winnie the Pooh. See?? Mali sila!!"

Nagtawanan pa kami, kaya naman naagaw ang atensyon ng isa sa store clerks na naroon at nakangiting lumapit sa amin. "Hello ladies, nakapili na ba kayo ng gusto niyo?"

"Hindi pa nga eh." sagot ni Aliyah.

"Tamang-tama! Kasi ako may napili na para sa inyong dalawa, na alam kong magugustuhan niyo. Huwag tayo sa section na 'to, para lang to sa mga medyo desperate. Dito tayo sa section na 'to kung saan pausbong palang ang mga bulaklak!"

Nanlaki ang mga mata ni Aliyah dahil totoo nga ang sinabi ni Ate, magaganda ang mga display sa section na ito. Daring ang tabas at design pero naroon pa rin ang pagkaconservative. Binigyan niya kami ng tig-isang pair.

Nang makauwi ako sa bahay kaagad akong tumakbo sa kwarto at excited na naghubad ng damit sa harapan ng life size mirror. The clerk said these items will do wonders to the curves... and it did!!

I'm wearing a yellow laced bra with matching panties. It hugs my boobs real well that my invisible cleavage magically shows. They also amplify my body curves making me look like a sweet princess ready for the next chapter of her life. Kagat ko ang labing pinaglandas ang daliri ko sa kabuuan ko habang umiikot sa harapan ng salamin.

Caden will probably like this.

The Boy I Love to HateWhere stories live. Discover now