Chapter 15

7.3K 137 2
                                    

"Hinihiling ko na sana ay hindi na matapos ang araw na ito..."

Nakatingin si Marian sa mukha ng kanyang minamahal habang ito ay mahimbing sa pag tulog. Pakiramdam ni Marian siya na ang pinakamasaya at pinakamaligayang babae sa mundo. Nararamdaman lamang niya iyon kapag kasama niya ang binata.

"Oras na lumabas tayo sa silid na ito ay tapos na ang mga sandali na para sa atin dalawa."

Hinihimas himas pa ni Marian ang mukha ni Lindon. Kahit na kasama niya ang lalaki sa mga oras na yun ay hindi pa din mapigil ni Marian ang bahid ng kalungkutan na kanyang nararamdaman.

Tatayo na sana si Marian upang isuot ang kanyang damit na nakakalat lang sa sahig. Ngunit pinigil siya ng mga kamay ni Lindon na ngayon ay nakahawak sa kanyang braso..

"Please!! Wag ka munang aalis."

Ang mata ni Lindon ay puno ng pag mamakaawa na nakatingin sa magagandang mata ni Marian.
Hinatak ni Lindon ang braso ni Marian papalapit sa kanya kaya naman bigla na lamang napayakap si Marian sa binata. At ngayon ay nakasandal ang kanyang ulo sa malaking dibdib na ito.
Ipinikit pa ni Marian ang kanyang mga mata. Ang pakiramdam ng babae ay ligtas siya kapag kasama niya si Lindon, at hinihiling niya na sana ay hindi na matapos pa ang mga sandaling kasama niya ang binata.

"ILOVEYOU MARIAN."

Hinalikan pa ni Lindon ang noo ng babae, yakap nila ang isa't isa na parehas walang saplot ang kanilang katawan..

"ILOVEYOUTOO LINDON!!!"
Sagot ni Marian.

"Iwanan muna si Dad at sumama ka sakin, magagawa ko din ibigay sayo ang karangyaan na hinahanap mo." Sabi pa ni Lindon.

Ang mata ni Marian ay nakatingin lamang sa kung saan at hindi man lang ito kumukurap, mayamaya pa ay tumulo na ang kanyang luha.

"Hindi ko maaaring hiwalayan ang dad mo!!!"

"Pero bakit Marian!? Ano paba ang hinahanap mo?"

Basag ang boses ni Lindon na halata ang pag hihirap sa sitwasyon nila ni Marian.

"Bigyan mo ko ng ilang panahon pa Lindon at sasama ko sayo. Pero sa ngayon ay hindi ako makakapangako sayo." Paliwanag ng babae.
"May malalim akong dahilan Lindon, kaya pilitin mo na lamang akong intindihin!" Dagdag pa ng babae.

Niyakap ni Lindon ng mahigpit ang babae. Dahil nalalapit ng muli ang pag hihiwalay nila ni Marian.

KATULAD noon. Nakagawian na ni Marian ang mag pahangin sa isang lugar sa loob ng Mansion, nakatingin si Marian sa kung saan at hindi mapigil ang mapangiti sa tuwing maaalala niya ang masarap na pakiramdam habang kasama niya ang kanyang minamahal.

"Sana lagi kang ganyan! May maganda bang nangyari?"

Napalingon si Marian at agad niyang nakita ang matangkad na lalaking papalapit sa kanya.

"Richard bakit ka napadalaw? Wala dito si Lindon at ang asawa ko.." Paliwanag pa ni Marian kay Richard.

Nasa harap na ni Marian ang lalaki nakatayo ito habang ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa.

"Ang totoo niyan ay ikaw ang ipinunta ko dito.."

"Pero bakit ako?"

"Gusto ko sumama ka sa akin, gusto lang kita makasama kahit sandali.."

"Pero baka maaabutan akong wala ng asawa ko!!!"

Hinawakan naman ni Richard ang kamay ng babae papalabas ng Mansion at isinakay niya agad si Marian sa kotse.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum