Chapter 53

5.6K 99 5
                                    

Habang abala si Miguel sa paglalaro at pag kain ng ice cream sa mall kung nasaan sila ng kanyang ina, ay hindi naman malaman ni Marian ang kanyang gagawin dahil mula ng umalis si Lindon ay pakiramdam niya ay para siyang nabalisa. Walang tigil ang pag lingon niya sa paligid at nag babaka sakali na makita niya ang lalaki.


"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong ng isa sa mga body guards ni Lindon na kanina pa napapansin ang pag kawala sa sarili ng babae.

"Oo. Okay lang ako." Sagot ni Marian dito.
Pero pumasok sa isip ni Marian na utusan ang mga ito na hanapin si Lindon sa parking lot ng mall.

"Maaari bang puntahan mo ang sir mo sa parking lot at pag nakita mo siya ay pwede bang papuntahin muna siya dito samin ng anak niya para naman hindi ako nag aalala." Wika ni Marian sa body guard.

Agad naman sinunod nito ang utos ng babae.

Libang na libang si Miguel sa paglalaro kasama ang ibang bata. Samantalang si Marian ay hinihintay na makabalik ang mga body guards na kanyang inutusan kasama ang kanyang mapapangasawa. Ilang minuto lang ang dumaan ng matanaw na niya ang mga ito sa hindi kalayuan at tila nag mamadali pa ang mga ito papalapit sa kaniya, ngunit ang nakakapag taka ay hindi kasama ng mga ito si Lindon.

"Nasaan ang sir niyo?" Tanong agad ni Marian.

Nag tinginan ang tatlong lalaki bago sumagot kay Marian.

"Ma'am hindi namin nakita si sir." Seryosong sabi ng mga ito.

Bigla naman nagkaroon ng matinding takot si Marian dahil sa sinabi ng mga ito.

"Pero ma'am nakita namin ang cellphone ni Sir na nakakalat sa parking lot." Sabi pa ng isa sa mga guards nito habang iniaabot ang isang mamahaling cellphone kay Marian na agad naman kinuha ng babae.

Binuksan ni Marian ang cellphone ni Lindon at agad na bumungad sa kanya ang kanyang litrato at ang litrato ng kanyang anak na nakawallpaper pa sa cellphone nito.

Pakiramdam ni Marian ay nanghihina ang kanyang tuhod dahil sa labis na pag aalala, batid niya na may nangyaring masamasa sa lalaking kanyang minamahal.


Inutos ni Marian sa buong mall na isara ito upang walang makalabas nakahit sino, costumer man o empleyado, tinignan din niya ang lahat ng CCTV ng lugar at nakita niya ang mga kaganapan kung bakit nawala si Lindon. Kitang kita niya si Zamantha kung paano pukpukin ng baril sa ulo ang lalaki at hatakin ito papasok ng sasakyan at ang mabilis na pag alis nito, tila naliligalig si Marian dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi kasing lakas ni Lindon ang kanyang loob upang makayanan ang pagsubok na ito para sa kanya.


Agad na tinawagan ni Marian si Raul at sabihin ang nangyari kay Lindon kaya naman agad na nag tungo doon si Raul upang gabayan si Marian, si Miguel naman ay pinasamahan na ni Marian sa mga body guard na iuwi sa mansion upang hindi na madamay pa sa kaguluhan.


"Ano nangyari Marian?" Agad na tanong ni Raul sa babaeng walang tigil sa pag iyak.



"Si Lindon! Kinuha siya ni Zam. Nag aalala ako baka may mangyaring masama sa kanya." Sabi ng babae na bakas ang takot sa mukha nito.


"May alam kaba na lugar na pwedeng dalhan ni Zam kay Lindon?" Tanong ni Raul na tila naliligalig din..

Sunod sunod na pag iling ni Marian sa tanong sa kanya ni Raul, batid ni Raul na mahina lang ang loob ng babae at takot na takot ito sa mga nangyagari.



Inireport nila agad ang nangyari kay Lindon, ipibakita din nila ang CCTV sa mga pulis upang maniwala ang mga ito na talagang may masamang nangyari kay Lindon at dahil sa kuha ng CCTV ay agad na rumesponde ang mga ito.



Umuwi muna si Raul sa mansion kasama si Marian upang mag hantay lang ng balita, hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil sa hindi nila alam kung saan dinala ni Zam si Lindon.




"Matinding galit ang nararamdaman ni Zam kaya niya ginawa iyun kay Sir." Sabi pa ni Raul.



Napalingon naman si Marian sa lalaki.


"Oo alam ko! Pero kailangan nilang pag bayaran ang mga kasamaan nila." Sabi pa ni Raul.




"Pero Marian. Namatay ang kanyang kapatid dahil sa labis na pag kahumaling sayo.. Inubos ni Lindon ang kayamanan ng Santibaniez mabawi ka lang.. Kaya galit sayo si Zam." Dagdag pa ni Raul.



Tila napaisip si Marian sa mga sinabi ni Raul, na ang lahat ng nangyayari saknila ay dahil sa kanya.



Pero bumaling ang tingin ng dalawa ng marinig nila ang pag tunog ng telepono na agad na sinagot ni Marian.



"Hello."



"Kamusta kana? Siguro naman ay hindi muna alam ang gagawin mo dahil sa alam mo na ang nang yari kay Lindon." Sabi ng babae sa kabilang linya na batid niyang si Zamantha.



"Hayop ka saan mo dinala si Lindon." Sabi ni Marian.



"Sasabihin ko sayo kung saan mo makikita si Lindon, pero sumunod ka sa mga ipinag uutos ko."



Nandilat ang mata ni Marian dahil sa kundisyon ni Zam sa kanya.



"Hanapin mo ang mga papel ni Lindon sa kanyang ipisina.. At kunin mo ang lahat ng yun na nakapangalan sa amin pamilya.. Tapos ay pumunta ka sa sasabihin kong lugar.. Ikaw lang at wala kang kasama. Walang pulis. Kung hindi mo susundin ang gusto ko. Siguradong mamamatay ang lalaking ito, baka nakakalimutan mo Marian na hindi akong natatakot na mamamatay dahil nung pinatay niyo ang kapatid ko para niyo na din tinapos ang buhay ko!" Sa boses ni Zam ay makikita mo ang matinding galit nito.



Hindi na nakapag salita pa si Marian ng biglang putulin ni Zam ang linya ng tawag.



"Ano ang sabi niya?" Tanong agad ni Raul



Hindi naman sinagot ni Marian ang tanong ni Raul sa kanya, agad siyang pumunta sa liblary ng bahay nila upang hanapin ang mga sinabi sa kanya ni Zamantha at upang puntahan si Lindon.



"Wag mong sabihin ibibigay mo ang mga papeles na pinag hirapan makuha ni sir, mag isip ka Marian." Sabi pa ni Raul.



"Mahalaga paba sainyo ang kayamanan kung nakasalalay na ang buhay niya.. Ibibigay ko ang gusto ni Zamantha maligtas lang si Lindon." Sabi ni Marian.



"Pero ikaw Marian.. Paano kung may hindi magandang mangyari sayo? Mailigtas mo man si sir paano kung ikaw naman ang mapahamak. Kung mangyayari yun para mo na din siyang pinatay." Sabi ni Raul



"Simula pa lang.. Laging siya nalang ang nag sasakripisyo para sakin. Siya na lang ang nag bibigay, kaya sa pagkakataon nato kailangan ako naman."




"Kung sigurado kana sa gagawin mo.. Mag samaka ng pulis."



"Hindi! Pupunta ako mag isa doon. Susundin ko ang gusto ni Zam.. Ako ang haharap sa kanya. Wala akong pakielam kahit sino pa ang mamatay samin dalawa. Basta ililigtas ko si Lindon.



Wala nang nagawa pa si Raul upang pigilan ang babae sa gusto nito.. Alam niyang ang gusto lang ni Marian ay mailigtas si Lindon sa sa kamay ni Zamantha. Kaya wala siyang magagawa kundi ang suportahan nalang ang kagustuhan ng babae

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now