Chapter 35

5.1K 113 0
                                    

Nasa loob na ng kanyang opisina si Lindon. Nararamdaman pa din ng lalaki ang sakit ng kanyang ulo dahil sa matinding pag lalasing niya kagabi. At hanggang ngayon ay parang pinipiga ang kanyang ulo dahil sa hangover.

"GoodMorning Sir." Sabi ni Raul nakapapasok lamang sa office niya.

"Ano balita Raul?" Tanong agad ni Lindon sa lalaki.

"Si' Si ano po Sir.. Si Ms. Marian po. Nag resign na po siya kahapon." Sabi ni Raul na tila nag kakandautal pa.

"Ahhh! Ganun ba. Sige. Handa mo na ang kotse ko at pupunta ko ng mall."

"Opo sir."

Talagang ginawa ni Marian ang kanyang gusto na tuluyan nanaman lumayo kay Lindon. Katulad ng sinabi ng babae ay may ibang tao na nagpapaligaya sa kanya at alam ni Lindon na hindi siya ang taong tinutukoy ng babae. Pero dahil sa labis na pag mamahal ni Lindon ay hahayaan na lamang niya si Marian dahil ang nais niya ay ang kaligayahan lamang ni Marian na noon ay ipinagkait sa kanya ng kanyang sariling ama.

NASA LOOB na ng mall si Lindon at naglalakad, kasama niya ang mga body guards niya na nakasunod lang sa kanya. Pero napahinto si Lindon ng marinig niya ang boses ng isang babae.

"Lindon. Wait."

Lumingon siya at agad niyang nakita si Zamantha.

"How are you Lindon."
Umangkla pa si Zam sa braso ni Lindon at sinabayan mag lakad ang babae.

"Ano nanaman ba yang ginagawa mo? Pinag titinginan na tayo ng mga tao." Mahinang sabi ni Lindon kay Zam.

"And so kung pag tinginan nila tayo. Alam naman nila na ako ang fiance mo."

Hindi na nag salita pa si Lindon. Hinayaan na lamang niya na nakaangkla sa kanya si Zam habang sila ay naglalakad sa loob ng mall. Halos ang lahat ng taong kanilang madaanan ay nakatingin sa kanila. Isa nadoon ang malapit na kaibigan ni Marian si Badi.

"Tinatanong niyo ba kung bakit nag resign si Marian? Dahil mas gusto niyang makasama ang taong labis na nag papasaya sa kanya. Hindi mahalaga sa kaibigan ko ang perang kikitain niya sa lugar na ito. Mas mahalaga pa din sa kanya ang taong mahal niya nakasama niya sa mga panahon nahihirapan siya at puno ng kalungkutan ang puso niya." Sabi ni Badi na tila ipinaririnig pa kay Lindon.

Napahinto naman si Lindon at Zam sa harap ni Badi. Ngunit tinignan lamang ng lalaki ang bading at muli itong naglakad.

"Antipatika naman yung bakla na yun." Sabi pa ni Zam.

"Stop Zam.." Tinanggal ni Lindon ang pagkakaangkla ng kamay ni Zam sa kanyang braso.

"May problema na naman ba Lindon?"
Tanong ni Zam.

"Please wag kana sumunod pa." Pakiusap ni Lindon sa babae. Tapos ay lumakad ito at iniwan na lamang kung saan si Zamantha.

SAMANTALA. kanina pa nag hihintay si Richard sa labas ng school kung saan niya nakitang pumasok ang mag inang Miguel at Marian. Gusto ni Chard na makausap muli ang babae dahil ilang araw na din niyang minamanmanan ang bawat kilos at galaw ng babae.

Sa pag hihintay ni Richard ay lumabas na si Marian ng eskwelahan at sinimulan na niyang iistart ang kanyang kotse upang lapitan ang babaeng ngayon ay pauwi na.

"Marian sakay na." Sabi ni Richard.

Pero hindi man lang siya pinapansin ni Marian.

"Yan. Come here. Sumakay kana."
Parang walang naririnig si Marian sa sinasabi ng lalaki. Hindi nga niya tinitignan ang taong kanina pa siya kinakausap.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now