Chapter 19

5.6K 112 3
                                    


Habang nag mamaneho si Lindon pabalik ng kanilang mansion ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya sa screen nito ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Richard. Sinagot niya ang kanyang cellphone habang siya ay patuloy pa din sa pagmamaneho.

"Hello Chard.."

Narinig naman niya ang basag na boses ng kaibigan mula sa kabilang linya.

"Why Chard? Are you okay?!" Tanong ni Lindon dito.

"Si Zam, nasa ospital siya!"

Tila lumakas ang kabog ng dibdib ni Lindon nang marinig niya ang balita tungkol kay Zamantha.

"Tinangka niya magpakamatay Lindon."

"Saan ospital yan Chard.."

"Sa Sta. Helena hospital.. Pumunta kana dito.. Kanina pa niya binabanggit ang pangalan mo!"

Binilisan ni Lindon ang pag mamaneho papunta sa ospital kung nasaan si Zamantha. Hindi lubos maisip nito na magagawang magpakamatay ng babae para sa kanya,  naiintindihan na ni Lindon na labis niyang nasaktan ang puso ng babae at naiintindihan na din nito kung gaano siya kamahal ni Zamantha. Pero kahit na ano ang gawin niya ay hindi pa din niya kayang kalimutan at ialis si Marian sa puso niya..

Nakarating na si Lindon sa ospital, at mula sa hallway ay nakita niya si Richard mag isa na nakasandal sa pader.

"Ano nangyari kay Zam?!"
Tanong ni Lindon sa kaibigan.

Seryoso ang mukha ni Richard sa kaibigan na ngayon ay nasa kanyang harapan. Pero laking gulat ni Lindon ng bigla na lamang siyang suntukin nito dahilan para mapaupo sa kung saan si Lindon.

"Sana noon pa man sinabi mo na hindi mo kayang mahalin ang kapatid ko!" Galit na galit si Richard habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa kung saan.
"Sana noon pa man hindi mo na pinaasa ang kapatid ko! Sana hindi na umabot pa sa ganito!"

Pinupunasan ni Lindon ang kanyang labi na may bahagyang dugo.

Hindi pa nakuntento si Richard ng kuwelyuhan niya si Lindon at itayo ito at isandal sa pader.

"Pakasalan mo na ang kapatid ko Lindon! Kalimutan muna si Marian, dahil kahit anong gawin mo hindi pwedeng maging kayo!" Pag tataas ng boses ni Richard.

Nakatingin lamang si Lindon sa galit na galit na si Richard.

"Sino sa tingin mo ang nararapat kay Marian? Ikaw ba chard?" Mahina lang ang sabi ni Lindon pero halatang galit ito.

Hindi na nakapag pigil pa si Richard kaya isang malakas na suntok muli ang ibinigay niya kay Lindon..

"Ang usapan dito pakasalan mo ang kapatid ko!" Nanlilisik na ang mata ni Richard na nakatingin sa lalaki.

Pero pareho silang napatigil ng marinig nila ang boses ng isang babae.

"Tumigil kayo!"
Nakita nila si Mrs. Santibaniez, ang ina ni Richard at Zamantha.  Lumapit ito sa kanila na dahilan para bitawan ni Richard si Lindon.

"Nakikita niyo ang kundisyon ni Zamantha! Hindi na kayo nahiya!"

Bumaling pa ng tingin ang babae kay Lindon.

"Kasalanan mo ang nangyari sa anak ko Lindon! Kapag may nangyaring masama kay Zam ay hinding hindi kita mapapatawad."

"Let's go Chard.. At baka magising na ang kapatid mo!" Dagdag pa nito. Umalis naman ang mag ina at iniwan na lamang nila si Lindon sa hallway na mag isa. Napabuntong hininga na lamang si Lindon dahil sa mga nangyayari. Ngayon ay hindi alam ni Lindon kung ano ang kanyang gagawin dahil sa gulo na nang yayari sa pagitan nila ni Marian, Richard at Zamantha. Kahit na alam niyang ang taong minamahal niya ay asawa na ng kanyang ama ay laging sinasabi ng puso at isip niya na huwag niyang iwan si Marian.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now