Chapter 52

5.5K 102 2
                                    

Papunta na si Lindon at Marian kasama ang kanilang anak na si Miguel upang ihatid ito sa school, nakasakay sila sa magandang sasakyan ni Lindon.


"Daddy! Pasyal naman po tayo." Sabi pa ng bata.



"Miguel.. Kailangan mo muna pumasok ng school, hindi ka pwedeng umabsent." Sabi pa ni Marian.


Lumungkot naman ang mukha ni Miguel dahil sa sinabi ng kanyang ina.


"Pero mommy gusto ko pa po kayo makasama. Atska nalulungkot na po ako sa school ngayon, wala na po kasi yung kaibigan ko." Sabi pa ng bata.



"Ha? Sinong kaibigan naman?" Tanong ni Lindon sa anak.


Hindi naman nag salita pa si Miguel, tumahimik lang ito dahil sa pag tanggi ng kanyang ina.


Napatingin naman si Marian kay Lindon na abala sa pag mamaneho ng maramdaman niya ang pag hawak sa kamay niya.


"Pag bigyan mo na ang bata." Sabi pa ni Lindon.


Sumimangot naman si Marian dahil sa pag kunsinti nito sa gusto ng kanilang anak.


"Okay. May magagawa paba ko? Saan ba tayo pupunta."


Biglang nag ning ning ang mata ni Miguel ng marinig ang pang sangayon ng kanyang ina sa kanyang gusto.



"Gusto ko po pumunta ng mall." Sabi ng bata.


"Ha? Pero Migs. Hindi ka pa ba nag sasawa sa mall." Tugon ni Lindon.



"Gusto ko po doon daddy. Gusto ko po kumain ng ice cream." Sabi pa ng bata.


Napakamot na lang sa ulo si Lindon sa gusto ng kanyang anak kaya katulad ng gusto nito ay yun ang kanilang susundin..



Napatingin naman si Lindon sa side mirror ng kanilang sasakyan at bigla naman naiba ang ekspresyon ng mukha nito na napansin naman ni Marian.



"May problema ba? Okay ka lang ba?" Tanong ng babae.


"Ha? Oo okay lang ako."


Napansin ni Lindon ang isang simpleng sasakyan na nasa kanilang likuran na tila sinusundan sila kung saan sila pupunta kaya naman nag karoon ng pangamba si Lindon sa kaniyang nakikita.



"Ahhh Lindon! May balita kaba kay Zam."
Biglang tanong ni Marian.


Napalingon naman si Lindon sa tanong ni Marian.



"Bakit mo naman biglang naitanong yan?" Wika ni Lindon..



"Mula kasi ng mamatay si Richard ay wala na kong naging balita tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya.. Naaawa din ako sa kanila pero kailangan pa din nilang pag bayaran ang mga kasalanan nila." Sunod sunod na sabi ng babae.



"Wag na natin silang pag usapan Yan! Ang mabuti pa ay ibaon na natin sila sa limot.. Pumunta na tayo kung saan tayo pupunta." Sabi ni Lindon na tila iniiba ang usapan at tila nawala ang magandang mood nito.




Pinaharurot ni Lindon ang sasakyan



"Dahan dahan lang sa pag mamaneho Lindon."



"Don't worry yan! Kasama ko kayo ng anak ko kaya sisiguraduhin kong hindi tayo mapapahamak." Katwiran ng lalaki.



Minuto lang ng makarating sila sa kanilang pupuntahan, pag pasok nila sa mall ay sumalubong kaagad sa kanila ang kanilang mga body guard na nakatayo sa labas ng sasakyan kung saan sila nakasakay.



"Kailangan ba kapag mamamasyal tayo ay may mga body guard pa. Daig pa natin ang presidente nito ah." Turan ni Marian.



Samantalang si Lindon ay parang walang naririnig sa sinabi ni Marian sa kanya, dahil ang mata ng lalaki ay umiikot sa paligid na tila may hinahanap.



"Marian pumasok na kayo ni Miguel sa loob ng mall. Wag kayong aalis sa paningin ng mga guards ah.. At si Miguel wag na wag mo siyang papabayaan." Bilin ni Lindon.



"Ano? Hindi kaba sasama sa loob? Aalis kaba?" Tanong ni Marian.



"Susunod na lang ako sa inyo. Sige na ipasyal muna ang anak natin." Sabi pa ni Lindon..



Sinunod na lang ni Marian ang utos at bilin ni Lindon sa kanya, walang ideya si Marian kung saan pupunta ang lalaki at bakit hindi ito sumama sa kanila.



Pumasok na ang mag inang Marian at Miguel sa loob ng mall kasunod ang ilan sa mga body guards ni Lindon, hindi na siya nag pabantay pa sa mga ito sa halip ay ang kanyang mag ina na lang ang maproteksyunan.



Naiwan si Lindon sa parking lot ng mall at nakatayo itong mag isa sa isang lugar, lilinga linga lang ang mata nito na tila may pinakikiramdaman.


"Lumabas kana." Mahina lang ang pag kakasabi ni Lindon pero may diin.



Pero bigla na lang siyang nanghina at may biglang pumalo sa kanyang hita sa kanyang likuran, napaluhod siyang bigla at tapos nun ay may pumalo sa kanyang ulo na dahilan upang pakiramdam niya ay umiikot ang kanyang paningin.



Nakita niya ang isang babaeng nasa kanyang harapan.



"Za. Za. Zam." Sabi ni Lindon.


"Long time no see Lindon." Sabi pa ng babae na hindi pa ito nakuntento ng bigla na lang niyang hampasin ng baril sa ulo ang lalaki na dahilan upang mawalan ito ng malay, buong lakas na hinatak ni Zam si Lindon pasakay ng kanyang sasakyan, walang nakakaita ng mga pangyayari dahil ang lugar kung nasaan sila ay saktong walang tao. Kaya naman nag karoon ng pagkakataon si Zam na magawa ang kanyany binabalak sa lalaki at ang kanyang balak na pag hihinganti para sa kanyang kapatid at sa kanyang pamilyang ngayon ay halos lubog na sa putikan.



Sorry ngayon lang ako nakapag update, sobrang busy ko lang! Pinilit ko lang na makapag update para lang matapos ko na ang kwentong ito. Sana ay patuloy lang po kayong sumuporta..



Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now