Chapter 25

5.5K 136 2
                                    


Papunta si Miguel at Badi sa mall kung saan matagal ng gustong pumunta ng bata noon pa. Sa tuwing aayain ni Miguel ang kanyang ina ay ayaw nitong pumayag pero dahil sa naaawa si Badi sa bata ay isinama nito si Miguel ng hindi alam ni Marian..

"Naku Miguel. Wag mo sasabihin sa mama mo na pumunta tayo ng mall ah." Sabi ni Badi sa bata.

Masayang masaya naman ang bata habang naglalakad sila sa loob ng mall. Lilinga linga pa ang bata sa magagandang laruan na kanyang nakikita.

"Masaya kaba miguel?" Tanong ni Badi sa bata.

"Opo Tita Badi. Salamat po." Sabi pa ng bata.

Halos mahilo si Miguel kakalibot ng mata sa buong paligid.

"Miguel. Hindi tayo bibili ng larua ah. Papasyal lang tayo. Walang pera si Tita Badi." Paliwanag ni Badi.

"Okay po."

Habang naglalakad ang dalawa ay nakuha ng isang magandang damit ang atensyon ni Badi. Kaya naman nabitawan niya ang kamay ni miguel. Nakita naman ni Miguel ang isang magandang laruan na agad na pinuntahan ng bata.
Nangingislap ang mata ni Miguel habang tinitignan ang mamahaling laruan. Bilib na bilib ang bata habang tinitignan ito.

"Wow. Ang ganda."
Sabi pa ng bata.

Matagal tinitignan ni Miguel ang laruan. Nag dadasal pa ang bata nanakapikit sa harap nito.

"Jesus sana po magkaroon ako ng katulad nitong laruan naito." Sabi pa ng bata. Tapos ay dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mata. Nanlaki ang mata ng bata ng makita niya ang isang matangkad na lalaki sa kanyang harapan.. Umupo pa ang lalaki sa harap ng bata.

"Bata. Ganda ng laruan diba?"
Sabi ng lalaki.

Napansin naman ni Miguel ang mga kasama ng lalaking body guard nito.

"Mister bakit may mga kasama po kayong may baril. Diba bad po yan?". Sabi pa ng bata.

Nangiti naman ang lalaki sa sinabi ng bata.
At pinalayo niya ang mga kasama niyang bantay.

"Mister! Ang ganda po ng laruan kotse.."
Tinuro pa ng bata ang laruan at tinignan naman iyon ng lalaki.


"Nasaan ba ang nanay mo bata? Sino ang kasama mo?"


"Naglalabada po ang mama ko. Ang Tita ko po ang kasama ko. Ayaw po ng mama ko na pumunta kami ng mall kaya tumakas po kami." Paliwanag ng madaldal na bata.


"Eh nasaan naman ang papa mo?"


"Wala po akong papa. Ang kwento po sakin ni mama. Gift lang daw po ako ni jesus kay mama."


Hindi maintindihan ni Lindon kung bakit magaan ang kanyang loob sa batang kausap niya, lalo't alam niyang hindi naman siya mahilig sa bata.

"Alam mo mister. Bagay kayo ni mama. Wala siyang boyfriend. Maganda ang mama ko at mabait pa." Dagdag pa ng bata..


Tumayo ang lalaki sa kanyang pag kakaupo sa harap ng bata at pumamulsa.

"Gusto mo ba talaga ng laruan? Ano muna ang pangalan mo?"


"Ako po si Miguel Mercado. Four years old." Gusto ko po ng laruan kaso wala po kaming pera ng mama ko..

Hinawakan ni Lindon ang ulo ng bata at ginulo pa ang buhok nito.

"Bibigay ko sayo ang magandang laruan na yan. Pero wag kana tatakas sa mama mo ah."

Tumango tango naman ang bata.

Mayamaya pa ay inilabas ng isang sales lady ang magandang laruan na gusto ng bata.

"Wow."

Nag niningning ang mata ng bata na nakatingin sa magandang laruan na ngayon ay nasa harap na niya. Niyakap niya ang malaking laruan kotse at maging si Lindon.

"Maraming salamat po mister." Sabi pa ng bata.

Parang kinurot ang puso ni Lindon ng yakapin siya ng bata. Napakasarap pala sa pakiramdam ang magpasaya ng iba.


SAMANTALANG si Badi naman ay halos mang gilid na ang luha sa kakahanap sa bata.


"Diyos ko nasaan naba yung batang yun. Papatayin ako ni Marian kapag may nangyaring masama kay Miguel."


Halos buong mall ay malibot na ni Badi kakahanap sa bata. Pero napahinto siya sa pag lalakad ng makita niya ang batang masayang naglalakad at may dalang laruan na kotse.


"Miguel"

Sigaw ni Badi kaya naman nakuha niya ang atensyon ng bata. Agad na tumakbo palapit sa kanya ang bata at niyakap naman ni Badi ang bata na kanina pa hinahanap..

"Saan kaba galing bata ka. Pinag alala mo ko."

"Sorry po Tita Badi. May nakausap po ako na lalaki kanina." Paliwanag ng bata.


"Sinaktan kaba niya? Ano ginawa sayo. Sabihin mo sakin."


"Wala po Tita.. Ang bait nga po niya. Binigyan niya ko laruan oh.." Pinakita pa ng bata sa kanyang Tita Badi ang malaking laruan kotse na dala ng isang unipormadong lalaki..


"Sino naman yan?" Tanong ni Badi sa bata

"Guard po siya nung mister kanina. Hindi ko po kase kayang hawakan ang laruan kaya sabi tulungan daw po ako."

Agad naman kinuha ni Badi ang laruan ng bata. At umalis na sa lugar.

"Umuwi na tayo. Baka hinahanap kana ng mama mo."

Agad na umalis ang dalawa sa mall upang umuwi na ng sa ganun ay hindi sila maabutan ni Marian na wala sa bahay.



"Miguel wag mo ipapakita ang laruan naya sa mama mo ah." Tugon ni Badi sa bata.

Lumungkot naman ang mukha ni miguel.

"Pero bakit po?"

"Basta sundin mo na lang si Tita ah. Para di rin magalit sayo ang mama mo."

Tumango naman ang bata pero bakas pa din ang lungkot sa mukha nito..




PRENTENG naglalakad si Lindon sa loob ng mall na pag mamay ari niya. Tinitignan niya kung ano ang malaking pag babago sa mga ari arian niya. At ayon naman sa kanyang nakikita ay maayos naman ang lahat at mas maunlad pa ngayon kesa noon.

"Mr. President." Sigaw ng isang lalaking mukhang Nerd. Si Raul. Ang katiwala ni Lindon.

Napahinto naman sa paglalakad si Lindon ng tawagin siya ni Raul.

"Ano balita?" Tanong agad ni Lindon kay Raul. Hingal na hingal naman ang lalaki.

"Mr. President.. Nakita ko na siya."

Namilog ang mata ni Lindon sa sinabi ni Raul.

"Talaga? Good job." Tinapik tapik pa ni Lindon ang balikat ng lalaki.

Kung ganoon puntahan na natin siya.

Agad napumunta si Lindon sa kanyang sasakyan na nakapark sa parking lot ng mall kasama si Raul upang puntahan na ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz