Chapter 38

5.2K 122 5
                                    

Hindi ako makakatulog pa din ako nakapag update kahit na isang chapter ngayon. Excited na din akong matapos ang kwentong ito. Kahit na mag puyat ako at hindi ako makapag pahinga kahit galing ako sa trabaho. Sige. Vote, comment na lang po mga readers. Para kahit pano hindi sayang ang effort ko. Mahirap gumawa ng story lalo at dapat focus lang sa kabanata na ginagawa. Para hindi magulo ang takbo ng storya.

+++++++++++++++

Abala si Marian sa pag luluto nila ng pagkain ni Miguel at Badi. Matapos nun ay balak na ni Marian na magpakalayo layo na kasama ang kanyang anak bago pa man malaman ni Lindon ang katotohanan. Pero napalingon si Marian sa pintuan dahil sa narinig niyang pag katok na agad naman niyang binuksan.

Nagulat si Marian ng bigla na lamang bumagsak sa kanya ang isang matangkad na lalaki.

"Amoy alak ka! Chard."

Lasing na lasing si Chard na halos hindi na makabangon pa.

"Badi. Tulungan mo ko!" Hiyaw ni Marian .

Bumaba naman si Badi galing sa taas dahil sa narinig nag pag sigaw ni Marian.

Pinag tulungan ni Badi at Marian si Chard na ihiga sa higaan, kahit na gusto na ni Marian ang umiwas ay hindi niya magagawang ipag tabuyan ang lalaki lalo't alam niya na matindi ang pagkalasing nito.

Kumuha si Marian ng maligamgam na tubig at bimpo. Ito ay ipinunas niya sa katawan ni Chard upang kahit papaano ay mapawi ang alak sa katawan nito.. Tapos noon ay pinapalitan ni Marian kay Badi ang suot na damit ni Chard.

"Mama. Diba siya po si Tita Chard? Bakit po siya nandito sa atin?!" Tanong ni Miguel na nakatingin sa natutulog na lalaki.

"Huwag kang maingay anak at baka magising ang Tito Chard mo."

"Mama. Siya po ba ang boyfriend niyo. Please mama wag nalang po siya. Kay Tito L na lang po. Siya po ang gusto kong maging papa "

"Miguel. Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo. Tumigil kana ah! Hindi na ko natutuwa sa mga sinasabi mo.. Kalimutan mo na yang Tito L na sinasabi mo."

Lumungkot naman bigla ang mukha ng bata.

"Miguel anak ayusin muna ang gamit mo. Aalis na tayo." Sabi ni Marian bago pa tuluyan makalayo ang bata.

"Opo mama." Mahinang sagot ni Miguel.

Ayaw ng bata na lumayo sa lugar na yun lalo at umaasa ang bata na muli siyang pupuntahan ni Lindon sa kanilang bahay.

"Marian! Nasaan ka."

Narinig ni Marian ng malakas na sigaw ni Chard kung nasaan ito naroroon kaya naman mabilis na pinuntahan ni Marian ang lalaki.

Nakita niya na nakaupo na si Richard sa higaan at masakit pa ang ulo nito.

"Chard may problema ba?" Tanong ni Marian sa lalaki.

Umiling iling naman si Chard at bigla nalamang niyakap ang babae.

"Salamat Marian."

Hindi naman magawa ni Marian ang pumalag sa yakap na ibinibigay sa kanya ni Richard. Dahil alam niya na ang yakap na yun ay yakap ng pasasalamat. Hindi rin makakalimutan ni Marian ang kabutihang loob ni Richard. Dahil si Richard lamang ang taong nag ligtas sa kanya sa impyernong kinasasadlakan niya noon. Subalit si Lindon na taong inaasahan at minamahal niya ay wala man lang nagawa para ang iligtas siya. Dahil mas pinili nito ang tumakas at sumama sa iba.

Nakita ni Miguel ang pangyayari kay Marian at Richard. Iniisip ng bata na si Chard ay boyfriend na ng kanyang mama. Bigla na lamang nawala ang pangarap ng bata na magkatuluyan ang kanyang Tito L at ang kanyang ina.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now