Chapter 22

5.5K 110 1
                                    


Nasa harapan na ng mansion si Lindon at Richard. Gagawin niya ang bagay na ito alang alang kay Marian sa kanyang ina. Kahit na masama pa ang kanyang ama ay hindi pa din nakakalimutan ni Lindon na ito pa din ang dahilan kung bakit siya isinilang sa mundong ito. Pero para sa ikabubuti ng marami ay handa niyang patayin si Senyor Alfredo. Ayaw na din ni Lindon na marami pang magawang kasamaan ang kanyang ama at kahit sa impyerno ay hindi na tanggapin ito.


"Tinawagan mo na ba ang mga pulis?!" Wika pa ni Lindon.


"Oo. Papunta na din sila dito.. "


"Pumasok na tayo sa loob. Ano man ang mangyari Chard ay wag mo papabayaan si Marian." Sabi pa ng lalaki.

Tumingin lamang si Richard sa kaibigan.

Dumaan ang dalawa sa isang maliit na daanan sa likod ng mansion, doon lamang sila makakapasok ng hindi mapapansin ng mga body guard. Ang daan na iyon ay walang ibang nakakaalam kundi si Lindon lang at ang kanyang ina. Ang ina ni Lindon ang gumawa ng daan na yun ng sa ganun ay mabilis silang makatakas noon..


Nang makapasok na sa loob ang dalawa ay napahinto sila ng makita nila ang isang babaeng nakatayo. Na dahilan para magulat ang dalawa.


"Sir."

Isang kasambahay ang kanilang nakita.


"Sir.. Sa wakas bumalik kayo."
Masayang masaya ang kasambahay ng makita ang kanilang Senyorito. "Sir.. Tutulungan ko kayong mailigtas si Ma'am." Dagdag pa ng kasambahay.

Itinuro ng kasamabahay ang daan kung saan walang masyadong nakabantay. Nang makadaan na sila ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na makapasok sa silid kung nasaan si Marian.

Pero napatigil ang dalawa ng makita nila ang kundisyon ng kawawang babae. Nakatali ito at wala ng malay tao.

"Marian."
Sabay na sabi ng dalawang lalaki.

Agad na nilapitan ni Lindon si Marian at kalagin ang tali sa kamay nito. Inihiga ni Lindon ang babae sa higaan.

"Marian. Gumising ka!" Sabi pa ni Lindon.
Tinatapik tapik pa ni Lindon ang mukha ng babae ngunit ayaw talaga nitong magising.

"Lindon.. Tara na! Umalis na tayo at baka maabutan tayo ng dad mo.."

Bubuhatin na sana ni Lindon si Marian upang itakas ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid at iluwa nun si Senyor Alfredo at ang mga tauhan nito.

Nanlaki ang mata ni Lindon at Richard ng makita niya ang nakatutok na baril ng mga tauhan ng kanyang ama maging ang kanyang ama ay may hawak na baril na nakatutok sa kanya.

"Hindi ko inaasahan Lindon na gagawin mo ito." Sabi ng matanda.

Nakatayo lamang si Lindon at Richard at tila hindi alam ang kanilang gagawin upang makatakas sila sa kamay ng mga tauhan ng kanyang ama.

Pero nagkaroon ng lakas ng loob ang dalawang lalaki ng makita niya ang mga pulis na nakatutok ang baril sa likuran ng mga body guard.

"Ibaba ninyo ang inyong baril." Sabi ng isa sa mga pulis.

"Hayop ka Lindon! Papatayin kita." Matigas na sabi ng matanda.

Tangkang babarilin na sana ng matanda ang anak ng agawin ni Lindon ang baril nito. Ang mga pulis naman ay hinuli na ang mga tauhan ni Senyor Alfredo..

Nagkaroon ng pagkakataon si Richard na maitakas si Marian sa lugar na iyon. Binuhat ni Richard ang walang malay na babae upang ilabas sa silid.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now