Chapter 18

5.9K 113 1
                                    

Matapos ang naging pag tatalo ng mag ama sa party ay nag desisyon na lamang si Lindon na tumira sa condo unit ng kaniyang namayapang ina. Matagal tagal na din siyang hindi napupunta sa lugar na yun, dahil sa tuwing makikita niya ang silid na pinag tataguan nila ng kanilang ina kapag sila ay pinag mamalupitan ng kanyang ama na si Senyor Alfredo.. Walang ibang magawa si Lindon kundi ang umalis sa mansion dahil na din sa hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit ayaw siyang papasukin ng mga body guard ng kanyang ama. Nasa loob ng condo unit si Lindon ng marinig niya ang pag tunog ng kayang doorbell. Tinignan niya ang CCTV upang malaman niya agad kung sino ang nasa labas ng pintuan. At nakita niya agad si Zamantha na tila nag hihintay lamang ng pag bukas ng kanyang pintuan. Napabuga na lamang si Lindon ng hangin dahil hindi man sabihin ni Lindon ay naiinis na din siya sa pag buntot buntot sa kanya ni Zam. Ilang minuto din ang nag tagal bago buksan ni Lindon ang pintuan.

"Ang tagal mo naman buksan!!" Inis na sabi ni Zam. Dumiretso ito sa loob at nilagpasan na niya si Lindon..

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?!" Mahina lang ang boses ni Lindon ng sabihin niya kay Zam iyun. Pero matigas ang boses ng lalaki.

"Sinundan kita! Kaya nalaman ko na dito ka pupunta." Paliwanag ng babae.

Hindi na lamang nag salita pa si Lindon. Nakatingin lamang siya kay Zam na ngayon ay nakaupo na sa kanyang Sala Set.

"Hindi ko alam na may condo unit ka pala. Alam din ba to ng Senyor Grande? Puro picture niyo lang ng mama mo ang meron dito ah." Sunod sunod na sabi ng babae na lilinga linga pa sa buong paligid ng bahay.

"Ano ba talaga ang kailangan mo?! Bakit sunod ka ng sunod sakin?!!!" Matigas na tugon ni Lindon sa babae.. Na halata na din ang inis sa boses nito.

Tumayo si Zam sa kanyang pag kakaupo. Nag cross arms pa ito habang papalapit kay Lindon na prenteng nakatayo lamang. Dinampi pa ng palad ni Zam ang mukha ni Lindon.

"Dahil gusto ko pag usapan na ang kasal natin! Naipamigay ko na din ang mga invitation card sa mga kaibigan natin at siempre sa mansion. Kaya wala kana dapat intindihin pa."

"Seryoso kaba sa sinasabi mo??!"
Mahinang sabi ni Lindon na direcho lang ang tingin kay Zam.

"Off course Lindon, mukha ba kong nag bibiro??" Maarteng sabi ni Zamantha sa lalaki.

Hinawakan naman ni Lindon ang kamay ni Zam na nakahawak sa kanyang mukha. At dahan dahan itong tanggalin. Tapos ay naglakad si Lindon papunta sakanyang Lamp table upang kunin ang sigarilyo at sindihan ito.

"Itigil mo na ang kalokohan mo. Walang kasal na magaganap!"

"Pero bakit hindi pwede?!!!"

"Hindi pa panahon Zam. Hindi ito ang oras para isipin ang ganyan bagay." Nagtataas nadin ng boses si Lindon sa babae na ngayon ay kaharap niya.

"Hindi pa panahon o dahil may mahal kang iba? O dahil may ibang babae na gusto mo mapakasalan!" Hindi na mapigil ni Zamantha ang kanyang pagluha.

"Im sorry Zam pero hindi kita pwedeng pakasalan." Tatalikod na sana si Lindon ng biglang mag salita si Zamantha.

"Si Marian ba ang dahilan? Siya ba Lindon ang babaeng mahal mo??! Hindi nakayo pwede Lindon. Kasal siya sa dad mo.." Sunod sunod nasabi ni Zamantha habang walang patid ang luha nito.

Babaliwalain na lang sana ni Lindon ang mga sinabi ni Zam sa kanya. Pero natigilan siya ng bigla siyang yakapin ng babae sa kanyang likuran.

"Ako na lang please.. Ako na lang ang mahalin mo!" Umiiyak na sabi ni Zamantha habang nakayakap sa likuran ni Lindon.

Tinanggal naman ng lalaki ang kamay ni Zam na nakayakap sa kanyang katawan. At humarap muli sa babae.. Hinawakan ni Lindon ang magkabilang balikat ni Zam.

"Sorry Zam. Pero hindi ako makakapag pakasal sayo. Mahal ko si Marian at kahit na ano mangyari ay hinding hindi ko siya kayang bitawan."

"Pero Lindon, ang iyong ama ang -"

"Kahit siya pa ang aking ama Zam. Ipaglalaban ko pa din si Marian sa kanya.. Marami kapang babaeng makikila sa Zam. Kung sakin ka lang mapupunta ay hindi ka magiging masaya." Paliwanag ni Lindon.

Tuluyan ng umalis si Lindon sa loob ng condo unit, at iniwan nalamang mag isa si Zamantha doon.

Halos madurog ang puso ni Zamantha sa mga sinabi ni Lindon sa kanya, para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa sa kanyang mga nalaman, pero hindi niya kayang mawala ng tuluyan ang lalaking minamahal niya. Kahit sabihin man ng iba na siya ay makasarili ay wala siyang pakielam. Dahil hindi niya magagawa ang lalaking kanyang minamahal. At hindi niya hahayaan na mapunta lamang si Lindon sa iba. Mas nanaisin na lamang niya ang mamatay kesa ang makita niyang masaya ang lalaki sa iba.




------------

"WAG MAAWA KA!"
Sumisigaw si Marian at umiiyak sa lakas ng pag palo ng kanyang asawa. Sinasapo ng katawan ni Marian ang bawat palo ng latigo ng matanda sa kanya. Walang pakielam ang matanda kahit saan nalamang parte tamaan ang babae. Halos mapuno na ng latay at sugat ang katawan ni Marian dahil sa kalupitan ng Senyor.


"SINABI KO NA SAYONG HUWAG MO KO SUSUBUKAN MARIAN." Galit na galit ang matanda sa kanya, halos mapatay siya nito sa galit. Pero walang ibang magawa si Marian kundi ang magtiis kahit na alam niyang wala siyang ibang mahihingan ng tulong..

Sinabunutan siya ng matanda.

"Alam mo ba Marian. Kapag iniwan mo ko papatayin ko ang kapatid at amain mo!" Tumawa pa ang matanda na parang isang demonyo.. Nakaramdam ng matinding takot si Marian dahil sa mga banta sa kanya.

"At hindi lang yun Marian. Kahit sino ang kumalaban at mag taksil sakin ay papatayin ko! Kahit ikaw pa at ang sarili kong anak."

Puno ng takot at pangamba ang mukha ni Marian. Alam niya ang kayang gawin ng matanda kaya naman alam niyang hindi ito nag bibiro, kaya naman pag iyak nalamang ang nagagawa ni Marian sa mga ginagawa nito sa kanya.

Matapos siyang bugbugin ng matanda ay lumabas na ito sa loob ng kanilang silid at iniwan na lamang ang babae nakakulong doon. Halos lupaypay ang katawan ni Marian dahil sa lupit ng kanyang inabot. Hindi siya makatayo sa kanyang pag kakahiga dahil sa mga sugat sa kanyang katawan. Tanging pag iyak lamang ang nagagawa ng babae. Dahil kung ang kapalit ng kanyang pag takas ay buhay ng marami at buhay ng kanyang kapatid ay nanaisin na lamang niya na siya ang mag dusa.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now