Chapter 40

5.3K 112 2
                                    

Nasa kanyang opisina na si Lindon at sinisimulan ng ayusin ang kanyang mga naiwang trabaho sa loob ng ilang araw, mas makakabuti kung ang pag tutuunan na lamang niya ng pansin ay ang mga trabaho niya at kung paano pa mas mapalago ang kaniyang negosyo.
Ngunit nabasag ang katahimikan sa loob ng opisina niya ng biglang may kumatok sa pintuan na agad naman niyang pinapasok, at iniluwa nito ang kanyang secretarya.

"Sir my bisita po kayo!" Sabi nito.

"Nasaan si Raul?" Tanong ni Lindon sa kanyang Secretary.


"Umalis sir. Hindi po niya sinabi kung saan siya pupunta." Paliwanag ng babae.

"Sino ba yang bisita ko? Papasukin muna."

Pumasok ang bisita ni Lindon na si Mr. Castro. Isa sa kanyang mga bussiness partner. Kilala din sa larangan ng negosyo si Mr. Castro at ang kanilang pangalan ay pangatlong sa pinaka malaking negosyo sa bansa.

"Yes Mr. Castro. Sobrang natutuwa ako sa biglaang pag punta mo dito. May kailangan kaba?" Tanong ni Lindon na seryoso pa din ang mukha.

Si Lindon ang klase ng tao na pag dating sa negosyo ay seryoso at talaga naman proffessional kung mag salita at kung kumilos. Kaya naman marami din negosyante ang medyo ilang na makipag usap sa kanya.


"Alam mo Mr. Castro hindi tayo makakapag usap kung hindi ka mauupo.. Uulitin ko Mr. Castro.. Ano ang pinunta mo dito?" Wika pa ng lalaki..


Humugot muna ng malalim na pag hinga ang may edad na lalaki dahil halos nakaaramdam ito ng kaba kapag kaharap si Lindon.

"Tungkol sa Santibaniez Comapany ang pinunta ko dito. Nabalitaan ko na tinanggal mo na ang pag suporta sa kompanya nila. At ngayon ay malaki ang posibilidad na bumagsak sila.. Matalino kang bata Lindon." Sabi pa ni Mr. Castro.


"Tama ka! Pero ano ba talaga ang punto mo? Yan lang ba talaga ang sadya mo."

Seryosong sabi pa ni Lindon.

"Ang totoo ay ibinebenta sakin ng mga Santibaniez ang kanilang company. Pero napakalaking halaga nila ibinibigay saakin at nag dadalawang isip ako dahil alam kong palugi na ito kaya naman ikaw ang nilapitan ko Lindon. Gusto mo bang kunin sa kanila ang kanilang Kompanya? Pero bakit sakin nila inalok agad kung alam nilang ikaw ang mas may kayang bilhin ng ganun kalaki ang kanilang Company."

Biglang napaisip si Lindon sa sinabi ni Mr. Castro. Marahil ay bumagsak na nga unti unti ang Santibaniez. At iyon ay dahil sa pag tatatanggal niya ng supporta dito. Kaya naman ang sinasabi ni Mr. Castro ay magandang oportunidad para sa kanya.


"Bilhin mo ang Company nila." Biglang sabi ni Lindon na labis na ikinabigla ni Mr. Castro. "Bilhin mo ang Company. At walang dapat makaalam na ako ang nasa likod ng lahat. Lalong lalo na ni Richard Santibaniez.

Sunod sunod na pag tango naman ang ginawa ni Mr. Castro.

"Ngayon Richard. Ngayon natin sisimulan ang lahat." Bulong ni Lindon sa kanyang isipan.

"Aalis na ko Lindon.. Makakaasa ka sakin." Sabi pa ni Mr. Castro." Tumayo na ang may edad na lalaki at papalapit na ito sa pintuan upang tuluyan ng umalis.. Ngunit bago pa man niya mabuksa ang pintuan ay napahinto siya dahil sa narinig niyang sinabi ni Lindon.

"Mr. Castro hindi ba't may anak kang babae?" Sabi pa ni Lindon.

"Oo. Meron. Bakit?" Sabi pa ni Mr. Castro na hindi makapaniwala sa tinanong ni Lindon sa kanya.


"Gusto kong ipakilala mo siya sa akin.. Bukas ang birthday ko hindi ba? Gusto kong maging partner siya sa party ko.."


Galak na galak naman si Mr. Castro dahil sa hinihiling ni Lindon sa kanya. Napakalaking karangalan para sa matanda ang mapansin ng isang Lindon Grande ang kanyang anak.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now