Chapter 45

5.5K 120 2
                                    

Niyakap ni Lindon si Raul sa sobrang kaligayahan dahil sa nalaman niyang katotohanan, hindi niya akalain si Miguel pala ay kanyang anak, hindi malaman ni Lindon kung paano niya ilalabas ang kaligayahan niyang nararamdaman.

"Thank you Raul. Good job!" Sabi pa ni Lindon na tinatapik tapik pa ang balikat ng lalaki.


"Ginawa ko lang sir ang tama. Pag nakikita ko kasi ang batang yun ay nakikita ko ang mukha niyo sa kanya kaya naman napaka imposible na si Chard ang maging ama niya." Paliwanag ni Raul.

Napaisip naman si Lindon at pumamulsa.


"Chard! Si Richard ang may kasalanan nito." Sabi pa ni Lindon..


"I think malaki ang gusto ni Chard kay Marian kaya niya ginagawa ito." Sabi pa ni Camille.

Napatingin naman si Raul at Lindon sa babaeng seryosong nag sasalita.


"What do you mean Camz?" Tanong ni Lindon kay Camille n seryoso ang mukha.


"Alam mo Lindon nakakatawa ka! Ikaw pa naman ang pinaka naging kaibigan ni Chard pero wala kang alam tungkol sa kanya." Dagdag pa ni Camille.


"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin Camz?" Napakalaking pag tataka na ang nababakas sa mukha ng lalaki.


"Si Chard ay may angkan ng mga baliw alam mo ba yun? At nagkaroon na ng history noon si Chard. Kaya nga siya matagal na nawala dahil sa ipinagamot siya." Paliwanag pa ni Camille.


"What?"


"Ano? Hindi kaba naniniwala sa sinasabi ko? Kaya nga kung kasama si Chard ang mag ina mo. Araw araw nasa pahamak ang buhay nila. Lalo si Miguel. I'm sure galit si Chard sa bata dahil alam niyang ikaw ang ama niya." Tila marahil ay tama si Camille. Baka nga totoo ang lahat ng sinasabi ng babae. Lalo't alam niya ang matinding pag kagusto nito kay Marian.


"Lindon! Ano paba ang ginagawa mo? Hindi mo paba pupuntahan ang mag ina mo.." Biglang sabi ni Camille pero napaka prente pa din ng mukha nito..


Agad na bumaling si Lindon ng tingin kay Raul.

"Ihanda mo ang sasakyan at pasamahin mo ang ilan sa mga body guard.. Aalis tayo!"


"Opo Sir.. Masusunod po.. Gagawin ko napo ang sinabi niyo." Agad na lumabas si Raul sa opisina ni Lindon upang sundin ang lalaki. Naiwan naman si Camille at Lindon sa silid.



"Paano mo nalaman ang lahat ng sinasabi mo?!" Mahinang tanong ni Lindon..


"Baka nakakalimutan mong psychology ang mama ko.. At naging patiente niya noon ang magkapatid na Zam at Chard."


"Kung ganoon nasa pahamak nga ang mag ina ko."

Agad na napalingon si Lindon na marinig ang malakas na busina ng sasakyan sa labas na ang ibig sabihin ay aalis na sila ni Raul at handa na ang lahat ng kanyang mga sinabi. Nag mamadali si Lindon na sumakay ng sasakyan upang puntahan na si Miguel at Marian at mailayo na nang tuluyan ang kanyang mag ina sa mapanganib sa kamay ni Richard..



Palabas na ng gate ang sasakyan ni Lindon at ang mga nakasunod dito na mga tauhan o body guard ng lalaki. Nang biglang pumreno ng malakas ang sasakyan kung saan nakasakay si Lindon.



"Ano nangyari? Bakit ka huminto?" Tanong ni Lindon sa driver.


"Sir may lalaki na biglang humarang sa harap ng sasakyan."


Bumaling si Lindon sa harapan at nakita niya ang isang lalaking nakaharang at nakadipa ang dalawang braso na parang sinasadya talaga sila nitong harangin ng sa ganun ay huminto sila.



"Badi?!" Tawag ni Lindon.



Bumaba si Lindon ng sasakyan at agad naman siyang sinalubong ng bading na kaibigan ni Marian. Punong puno ng pag aalala sa mukha ni Badi at namamaga pa ang mata nito na sa tingin niya ay galing ito sa pag iyak.



"Bakit ka nandito Badi?!" Tanong ni Lindon.


Pero nagulat si Lindon ng biglang lumuhod sa kanyang harapan ang kaibigan ni Mariat nag simula itong umiyak at mag makaawa.



"Please Lindon.. Please! Wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw.. Wag mo pabayaan ang kaibigan ko at anak mo!" Umiiyak na sabi ni Badi na nananatili pa din nakaluhod.



Biglang napuno ng kaba ang mukha ni Lindon sa sinabi ni Badi.



"Si miguel.. Si miguel! Naaabutan ko siyang walang malay sa bahay namin.. At dinala ko siya ngayon sa ospital.." Umiiyak na turan ni Badi.



"What???! Ano nang yari sa bata? Ano nang yari sa anak ko!" Nagtaas na ng boses si Lindon..



Napahawak sa sariling ulo si Badi at walang tigil sa panangis.



"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Wala si Marian ng makita kong walang malay ang bata.. Natatakot ako Lindon.. Natatakot ako.. Malamang ay kinuha ni Richard si Marian.." Halos natataranta si Badi sa pag papaliwanag kay Lindon.. "Iligtas mo si Marian at Miguel.. Dahil anak mo ang bata.. Dahil anak mo si Miguel."



Namilog ang mata ni Lindon sa paulit ulit na sinabi ni Badi.



"Saan mo dinala ang bata?! Saan mo dinala ang anak ko?!!!" Nagtaas na ng boses si Lindon sa baklang kaharap niya.




"Sumakay kana ng sasakyan at puntahan na natin ngayon na si Miguel." Agad na ginawa ni Badi ang sinabi ng lalaki.. Sumakay siya sa sasakyan ni Lindon upang puntahan ang batang ngayon ay nasa ospital..




NAGMAMADALING PUMASOK si Lindon sa kwarto kung saan naka confine ang kanyang anak. At nadatnan niya ang walang malay na bata. May benda ito sa ulo dahil sa pagkakabagok nito.



Hindi mapigil ni Lindon na mapaluha na makita ang anak sa ganoon sitwasyon. Hinawakan ni Lindon ang kamay ni Miguel at tuluyan ng bumagsak ang luha ng lalaki.



"Napakabata mo pa anak para maranasan mo ang lahat ng ito.." Sabi ni Lindon sa kanyang isipan.
"Patawarin mo ko anak dahil hindi mo ko kasama sa mga panahon kailangan mo ko.. Sorry anak. Patawarin mo ko! Hindi ko alam..! Hindo ko alam anak ko!"


Sunod sunod ang luhang pumatak galing sa mata ng lalaki..



"Ano ang sabi ng doktor?" Tanong ni Lindon.



"Ayos na daw ang lagay ng bata. At ano man oras ay maaari na siyang magising.." Paliwanag ni Badi..



"Ganoon ba? Bantayan mo muna si Miguel hanggang sa magising siya.. May mhalaga lng akong pupuntahan." Sa boses ng lalaki bagama't mahina lang ang pag kakasabi nito ay mahahalata mo ang galit dto..



"Saan kapupunta sir?" Tanong agad ni Raul..



"Pupuntahan ko si Marian.. At ppatayin ko si Richard."



Lalabas na sana si Lindon sa silid ng bigla siyang harangin ni Raul.



"Pero hindi natin alam kung saan siya dinala ni Richard." Sabi pa ng tauhan nito..



"Wala akong pakiealam. Hahanapin ko siya kahit saan siya pumunta. Papatayin ko siya! Pag babayarin ko ang lalaking yun sa lahat ng ginawa niya sa pamilya ko at sa mag ina ko!"


Nawala ang luha ng nang gagaling sa mata ng lalaki pero ng luha ay napalitan na ng galit at puot...

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now