Chapter 24

5.9K 127 1
                                    

Ilang araw din akong hindi nakapag update. Masyado naging busy sa trabaho. Kaya ngayon Rest Day ko. Syempre hindi ako papayag na hindi makapag update ng panibagong chapter.

- - - - -


Nakabalik ng muli mansion si Lindon, nilibot niya ang buong paligid ng bahay. Limang taon na ang nakakaraan mag mula nang mangyari ang malaking dagok sa kanyang buhay. Ang buong mansion ay puno ng katahimikan, maging ang mga kasambahay ay nagsialis na sa lugar dahil sa mga nangyaring patayan noon sa pagitan nila ng kanyang ama. Pero sa muling pag babalik ni Lindon ay muli niyang ibabalik ang dating sigla ng mansion at ang pinaka misyon ni Lindon ay balikan ang kanyang mga naiwan sa loob ng Limang taong paninirahan niya sa america..
Pumunta sa Lindon sa loob ng silid ng kanyang ama noon nabubuhay pa ito, hindi maalis ni Lindon sa sarili niya ang isipin na siya ang nakatapay sa kanyang sariling ama.
Napahinto ang binata ng makita ang letrato ng isang babae, muli nanaman niyang naalala si Marian. Ang babaeng kanyang minamahal..
Pinunasan niya ng kanyang kamay ang letrato upang matanggal ang mga alikabok nito.

"Kung magkikita kaya tayo ay mapapatawad mo pa ko?" Sabi ni Lindon sa kanyang sarili..

Pero nabasag ang katahimikan ng bigla na lamang mag bukas ang pintuan at iluwa noon si Zamantha na agad yumakap sa kanya ng siya ay makita.

"Lindon."
Tumatakbo si Zam habang papalapit ito sa kanya. Pero ang itsura ng lalaki ay seryoso pa din.
"Sinundan kita dito sa pilipinas, hindi na ko sanay ng hindi ka kasama." Wika pa ng babae..

Dahan dahan naman tinatanggal ni Lindon ang pag kakayakap sa kanya ng babae..

"Why?may problema ba?" Tanong muli ni Zam sa binata.

"Kailangan ko na umalis, atska na tayo mag usap. Marami pa kong dapat asikasuhin." Tapos ay nilagpasan ni Lindon si Zamantha. Pero bago pa man makalabas ang lalaki sa pintuan ay nag salita na si Zam.

"Ano ba ang dahilan? Mahal mo pa din siya hanggang ngayon kaya pilit kang bumabalik sa lugar na ito." Sabi pa ni Zamantha sa lalaking nakatalikod sa kanya. Sandaling natahimik si Lindon sa sinabi ni Zam. Pero matapos nun ay tuluyan na itong umalis ay iniwan ng mag isa ang babae sa kinatatayuan nito..

-  - - -

Sabay sabay na kumakain ng hapunan si Marian, Badi at si Miguel.. Sa tuwing kakain sila ay magkakasabay silang tatlo na para silang isang buong pamilya. Yun nga lang ang kaibahan ay bading si Badi..

"Mama, gusto ko na po mag aral." Sabi ng batang si Miguel sa knyang ina..

Ngumiti naman si Marian sa anak at humakaw sa pisngi ng anak..
"Alam mo ba na bukas papasok kana sa school." Lumawak naman ang ngiti ng bata sa sinabi ng kanyang ina..

"Talaga po! Yehey."
Napayakap pa si Miguel kay Marian sa sobrang saya.
Maging si Badi ay hindi mapigil ang ngiti dahil sa nakikitang kaligayahan ng bata..

"Mama, maaga po ako matutulog para po mag bukas na at makapasok na ko sa school. Excited na ko mama." Tugon pa ng bata.

Matalinong bata ang anak ni Marian na si Miguel at bukod sa matalino ito ay gwapo pa. Kaya naman maraming tao din ang natutuwa sa bata kapag nakikita ito kahit saan lugar..

Si miguel ang masasabi ni Marian na kanyang kayamanan, handang gawin ni Marian ang lahat para sa kanyang anak. Walang kasama si Marian sa pag papalaki niya kay Miguel. Kung minsan ay naglalabada lamang ang babae para may maibili ng gatas ng kanyang anak at iniiwan niya lang kay Badi ang bata noong maliit pa ito..

"Yan! Naku makakahanap kana ng panibagong trabaho. Yung permanente." Tugon ni Badi sa kaibigan niyang si Yan na abala sa paglalaba.

"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?"

Ipinakita ni Badi ang diyaryong hawak niya.

"Tignan mo friend. Hiring sa Mall na pag mamay ari ng Grande Corporation.. 500 katao ang hinahanap nila bilang Sales Lady o kahera. Magandang oportunity ito para sa atin. Atleast makakapag trabaho tayo kahit hindi tayo tapos ng pag aaral." Sabi pa ni Badi. "Ang hinahanap lang nila ay magaling sa Sales talk, maganda at matangkad. Bagay na bagay ka sa trabahong iyon."

Napatulala naman si Marian ng marinig niya ang Grande Corporation.

"Kung ganoon ay nag balik na siya." Mahinang sabi ni Marian na narinig naman ng kanyang kaibigan.


"Ha? Ano Friend? Sino ba tinutukoy mo na nag balik na?" Takang tanong ni Badi sa kaibigan.


"Ha! Wala. Wag muna ako pansinin." Palusot ni Marian.


"Ano mag aapply tayo ah."


"Ayoko! Kung gusto mo ikaw na lang."
Binalikan ni Marian ang kanyang ginagawa..


"Pero bakit? Kapag tayo nakapag trabaho doon ang swerte natin Yan." Pangungulit ni Badi.


"Tama na Badi.. Hindi ako mag tatrabaho diyan!" Nagtaas na ng boses ang babae.

Inirapan naman ni Badi si Marian.

"Bahala ka! Kung gusto mo magkasugat sugat ang kamay mo sa paglalaba at pamamalantsa ng damit ng iba.. Ikaw ang bahala." Tapos ay umalis si Badi at ipinatong ang diyaryo sa isang lamesa..

Lumapit muli si Marian sa Diaryo upang makita ang nakalahad dito..

Lindon Grande at Zamantha Santibaniez ay bumalik na ng bansa matapos manirahan ng limang tao sa america.

Nakita pa ni Marian ang nakangiting lalaki hawak ang kamay ni Zamantha sa picture.


Balak ni Lindon Grande na ibalik ang dating yaman ng kanilang pamilya na matagal ng napabayaan mula ng mamatay ang ama nito Limang taon na ang nakakaraan, marami ang nagaakala na hindi na makakabangon pa ang Grande Corporation. Pero marami ang nagulat ng biglang mag bukas ang mga mall at hotel na pag mamay ari ng mga Grande. Ginamit ni Lindon Grande ang kayamanan na iniwan ng kanyang ina sa kanya at ito ang dahilan kung bakit biglang bumangon ang Grande Corporation na inakala ng lahat na lumubog na. At muli ang pangalan na naman ng mga Grande ang nangunguna sa listahan ng mga mayaman sa negosyo. At si Lindon Grande na ang bagong may ari nito dahil siya lamang ang nag iisang anak ng Senyor Alfredo Grande.

Pero kamusta nga ba ang naging kasal ni Lindon Grande sa america?
Hindi natuloy ang pag papakasal ni Lindon at Zamantha. Dahil na din sa mas gusto ng dalawa na maging maayos muna ang lahat bago sila magpakasal at binabalak ng dalawa na sa sariling bansa sila mag isang dibdib.

Napahawak si Marian sa kanyang dibdib at parang hindi siya makahinga. Napakahirap para sa kanya ang kanyang mga nalaman at nakita sa pahayagan.. Pero wala na siyang magagawa pa. Dahil mismong si Lindon ang tumalikod sa kanya noon. Hindi na mahalaga pa para kay Marian kung ano man si Lindon ngayon. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Miguel at wala ng iba pa. Kahit na mamatay siya o magkandakuba sa pag tatrabaho ay tiisin niya maitaguyod lamang ang kanyang anak.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now