Chapter 23

5.7K 124 2
                                    


"Chard.."
Tawag ni Marian sa pangalan ng lalaki.

"Gising kana pala Marian. Ano gusto mong makakain?" Tanong agad ng lalaki.

Umiling iling naman si Marian.

"Wala Chard.. Hindi ako nagugutom." Paliwanag ni Marian..

Tumabi si Richard sa tabi ni Marian at hinawakan ang kamay ng babae.

"Bakit Chard may sasabihin kaba?!"

Nakatingin si Richard sa mata ni Marian.


"I'm Sorry Marian pero hindi ko na matutupad ang pangako ko sayong hahanapin natin si Laura." Biglang sabi ni Richard.


Agad na nang gilid ang luha ni Marian.


"Ano ang ibig mong sabihin? Kala ko ba tutulungan mo ko."


"Sorry Marian. Pero matagal ng patay si Laura."


Tila nabigla si Marian sa kanyang nalaman.


"Hindi yan totoo diba? Huwag kang nag bibiro ng ganyan Chard. Masama ang ganyan klase ng biro."



"Makinig ka Marian. Sinabi na sakin ni Lindon ang buong katotohanan pero hindi niya sinabi sayo.. Kaya naman ng malaman ko ay agad kitang niligtas sa kamay ng dad niya.. Walang pakielam sayo si Lindon Marian dahil hinayaan ka lang niya!" Sunod sunod na sabi ni Richard.


Umiiling iling ang babae habang umiiyak..


"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo!"



"Maniwala ka Marian! Pinabayaan ka niya! Hindi niya sinabi sayo ang totoo. Matagal ng patay ang kapatid mo Marian at hindi totoong pinagamot siya ni Senyor Alfredo.. Niloko ka nila!"


Nag tataas na ng boses si Richard ng sa ganun ay maniwala sa kanya si Marian.


"Si Juanito na kaibigan mo.. Matagal na din siyang patay dahil noon pa ay gusto niyang isiwalat sayo ang katotohanan kaya nama maging siya ay pinapatay ni Senyor."



Halos manikip ang dibdib ni Marian sa kanyang mga nalaman. Hindi alam ni Marian kung paano noya tatanggapin ang lahat.



"Alam ni Lindon ang buong katotohanan pero wala siyang ginawa para iligtas ka.. Iniwan kana ni Lindon Marian. Aalis na siya kasama ang kapatid ko!"



"Ano ang ibig mong sabihin?!"



"Mag papakasal na sila sa america. Sila ni Zamantha."


Hindi mapigilan ni Marian na mapahagulgol ng malakas sa kanyang mga nalaman..

Ang pagkamatay ng kanyang kapatid at kaibigan, ang pag mamaltrato sa kanya ni Senyor Alfredo at ang pag iwan sa kanya ni Lindon. Ang kaisa isang taong inaasahan niya.. Naipon ang galit ni Marian sa kanyang puso dahil sa kanyang mga nalaman.. Dahan dahan yumukom ang kamay ni Marian dahil sa isipin na binaliwala lamang siya ni Lindon.. Ang luha na pumapatak galing sa kanyang mata ay ang luha ng galit na kanyang nararamdaman..



-------------------

PAGPASOK NI RICHARD sa kwarto ni Marian ay nakita niya na wala na ang babae.. Kaya naman hinanap niya ang babae sa buong ospital ngunit hindi na niya ito nakita pa.


Nakita niya ang isang papel na nakapatong sa higaan ni Marian na agad niyang binasa.


Richard. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo, maraming salamat dahil hindi mo ako pinabayaan at sinabi mo sakin ang buong katotohanan, hindi ikaw ang taong inaasahan kong tutulong sakin pero ikaw ang gumawa noon, patawarin mo ko kung umalis ako ng hindi nag papaalam sayo. Nag desisyon akong umalis upang magpakalayo layo na upang maging tahimik na ang lahat, wag kang mag alala Richard aayusin ko ang buhay ko at ang buhay namin ng magiging anak ko. Sana lang ay wala nang makaalam na nag kaanak ako. Maraming salamat Richard.

MARIAN:


Natigilan si Richard sa sulat na kanyang nabasa, natigilan siya at hindi mapigil na mapaluha, katulad ng sinabi ni Marian ay hahayaan na lamang niya ang babae upang matahimik na ang buhay ng magiging anak nila.




- - - -


"Excited na talaga ko Love."
Wika ni Zamantha kay Lindon habang palabas sila ng kanilang bahay.

May dalang mga bagahe at mga gamit ang mga ito.


"Hindi ko akalain na sa america pa tayo ikakasal na dalawa." Dagdag pa ni Zamantha. Nakaangkla pa ang kamay ni Zam sa braso ni Lindon.



Hindi naman kumikibo si Lindon dahil hindi pa din matanggal sa kanyang isipan ang pinakamamahal niyang babae.


"Let's go na Love."


Ngumiti naman si Lindon kay Zam at sumakay sila ng sasakyan upang mag tungo na sa america at iwan na ang lahat.


Sa hindi kalayuan ay nandoon si Marian na nakita ang pag alis ni Lindon at Zamantha. Wala ng luha pa ang lumalabas sa kanyang mata. Nang nakita niya si Lindon ay galit ang kanyang nararamdaman.


"Hinding hindi kita mapapatawad Lindon Grande! Sa ginawa mong pag talikod sa akin, hindi mo sinabi ang buong katotohanan sa akin. Hindi ako mag hihiganti sayo pero isusumpa ko na hindi hindi kita mapapatawad, at simula ngayon ay hinding hindi na ako iiyak ng dahil sayo. Ibabalik ko ang dating sigla ng buhay ko kasama ang magiging anak ko.. Mamahalin ko siya at ibibigay ko ang lahat sa kanya kahit na wala ka. Tandaan mo Lindon. Na hinding hindi ka magiging masaya..

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now