Chapter 49

5.5K 125 1
                                    

"Ang ganda ganda mo pa din Marian, para ka lang isang prinsesa na mahimbing na natutulog." Sabi pa ni Lindon kay Marian.

"Gumising kana please! Sabik na sabik na ang anak mo sayo. Maging ako. Miss na miss na kita." Dagdag pa ng lalaki.
Hinawakan ni Lindon ang kamay ni Marian at idinikit ito sa kanyang pisngi.


"Gusto na kita makitang nakangiti. Nahihirapan ako kapag ganyan ang kalagayan mo. Gusto ko maging maayos na tayo.. Kapag nagising ka. Magpapakasal na tayo." Dagdag pa ni Lindon.



Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan naroroon ang babae at iniluwa nun si Miguel.



"Daddy." Sabi ng bata.
Lumapit ito sa kanyang ama at kumandog.



"Oh. Sino kasama mo dito?!" Tanung ni Lindon sa bata.



"Si Tita Badi po. Nasa labas po siya. Bibili lang po siya ng makakain niya. Sleeping beauty pa din po ba si Mama?"


Tumango naman si Lindon sa kanyang anak.


Bumaling si Miguel ng tingin sa kanyang ina.


"Mama. Tama na po ang pagiging sleeping beauty. Namimiss kana namin ni Daddy.. Alam mo ba mama si Daddy kapag tabi po kami matulog naririnig ko po na para siyang nag kacry. Kaya gising kana please mama para masaya na kami ni Daddy." Sunod sunod na sabi ni Miguel.


Maging si Lindon ay hindi inaasahan ang sasabihin ng kanyang anak, naririnig pala nito ang pag tangis niya sa gabi tuwing maiisip niya si Marian. Naaawa at nalulungkot din si Lindon sa tuwing makikita ang kanyang anak na parang sabik na sabik sa pag aalaga ng isang ina.


"Miguel. Mamaya sumama kana kay Tito Raul na bumalik ng Mansion ahhh.." Sabi ni Lindon sa anak.


"Pero Bakit po? Gusto ko pa po makita si mama."



"Hindi pwede anak, mamaya hindi makakauwi si Daddy sa bahay ah. Kaya si Tita Badi muna ang kasama mo. Babantayan kasi ni Daddy si Mama mo."




Biglang lumungkot ang mukha ng bata.


"Gusto ko din po bantayan si Mama." Wika ng bata.


"Hindi pwede anak! May pasok ka bukas sa school. Si daddy na lang ang mag babantay okay.. Magagalit sayo si Mama mo kapag matigas ang ulo mo at ayaw mo sumunod."




"Okay po Daddy."



Mayamaya pa ay dumating si Badi.


"Wala pa bang pag babago sa kaibigan ko?" Tanong ng kaibigan ng babae.


Umiling iling lang si Lindon sa tanong nito.


"Diyos ko! Kailan kaya siya magigising. Kung kailan wala na si Richard at maaari ng mabuo ang pamilya niyo ay nagkaganyan siya agad." Sunod sunod na turan ni Badi.



"Badi. Mabuti pa ay aalis muna kami ni Miguel. Bantayan mo muna si Marian.. Babalik din kami. Papaliguan ko lang ang anak ko at papakainin." Pag iiba ng usapan ni Lindon.



"Sige. Hwag kang mag alala. Aalagaan ko ang kaibigan ko." Sagot ng bakla.



Binuhat ni Lindon si Miguel at lumabas sila ng silid ni Marian upang umuwi muna saglit sa mansion. Naiwan si Badi na nag babantay lang sa walang malay na si Marian.


"Friend! Gumising kana. Miss na miss kana ng anak mo. Hanggang kailan kaba ganyan?!" Malungkot na kinakausap ni Badi si Marian.
"Hay nako Friend. Napakalamig ng aircon sa kwarto mo.. Kapag nagising ka at may kailangan ka. Gisingin mo ko ah. Matutulog lang ako." Dagdag pa ni Badi.


Humiga ang Bading sa isa pang higaan na bakante sa kwarto at natulog ito.. Naging tahimik ang kwarto ni Marian at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig dito..






"Ate! Sumama kana sakin.. Tara na." Sabi ng isang babae na nakatayo sa harap ni Marian. Nakakulay puting damit ito at maamo ang mukha.



"Laura.. Saan tayo pupunta?" Tanong ni Marian sa kapatid na nakataas ang kamay na tila inaaya siyang sumama dito.


"Hindi ba't pagod kana? Napakadami mo ng pinag daanan at panahon na upang ikaw ay magpahinga. Kaya sumama kana. Dadalhin kita sa lugar kung saan ka magiging masaya.. Lugar na walang hanggan ang kaligayahan."



Ngumiti si Marian sa sinabi ng kanyang kapatid na tahimik lang na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya. Wala siyang ibang makita kundi ang kulay puting paligid at ang kanyang kapatid din.



"Kung ganoon Laura. Sasama ako sayo." Sabi pa ni Marian. Pero ng ihahakbang na niya dahan dahan ang kanyang paa ay narinig niya ang isang boses ng bata.



"Mama. Miss na miss kana namin ni Daddy." Parang may kung anong kurot siyang naramdaman sa tinig ng bata na hindi niya malaman kung saan nang gagaling.


"Halikana ate. Sumama kana. Ipinapangako ko sayo ang walang hanggang kaligayahan." Sabi muli ni Laura.




Ihahakbang na sana muli ni Marian ang kanyang paa ng marinig naman niya ang boses ng isang lalaki.



"Miss na miss kana namin Marian ng anak mo. Gusto ka na namin makasama at makita ang ngiti mo."


Hindi makita ni Marian ang iba't ibang tinig na kanyang naririnig. Pero ang mga boses na yun ay parang nagkakaroon ng matinding kurot sa kanyang damdamin. At ang mga boses na yun ay para na niyang kilala at naririnig noon pa.



"Ano ba hinihintay mo Ate. Sumama kana sakin.. At nag hihintay na sayo ang masayang lugar na sinasabi ko."


"Hindi! Hindi ako maaaring sumama sayo." Sabi pa ni Marian.



Pero nanlaki ang mata ni Marian ng makita niya bigla ang mga taong katabi ni Laura. Lahat sila ay nakaputing damit at nakatingin lang sa kanya na para siyang pinipilit na sumama sa kanila.



Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang kanyang mahal na ina at ama, ang kaniyang kapatid na si Laura, maging si Senyor Alfredo at Leo. Pero ang labis na ikinagulat ni Marian ay ng makita niya si Richard.




"Chard?!" Sabi pa ni Marian.


Seryoso lang ang mukha ni Richard na nakatingin sa kanya, at ang mata nito ay puno ng galit at puot.



"Ate. Sumama kana sa amin.. Si Richard at Senyor Alfredo ay nag dudusa pa bago sila tanggapin sa masayang lugar na sinasabi ko.. Kailangan nilang pag dusahan muna ang mga kasalanan na ginawa nila.. Tulad namin nila Mama ay patay na din sila.. "



Hindi makapaniwala si Marian sa sinabi ni Laura sa kanya. Kung patay na ang mga taong kaharap niya at nakakausao niya ito. Ang ibig sabihin ba ay patay na din siya.



"Mama. Gumising kana."
Narinig na naman niya ang boses ng bata na tinatawag siyang mama. Ang boses ba ng batang iyon ay ang boses ng kanyang anak.


Dahan dahan umatras si Marian palayo sa kanyang pamilya.


"Hindi! Hinding hindi ako sasama sainyo.. Kailangan ako ng anak ko!"




Sa bawat pag atras ni Marian ay ang unti unting nawawala ang mga taong mahal niya na namayapa na at tuluyan ng mag laho. Tinanggihan niya ang mga ito na isama siya sa isang lugar na walang hanggan ang kaligayahan.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now