Chapter 50

6K 116 1
                                    

Nakabalik na si Lindon sa loob ng hospital upang balikan ang babae at bantayan ito.
Sa tuwing nasa loob siya ng silid ni Marian ay wala siyang ginawa kundi titigan ang mukha ni Marian na hindi pa din nagigising, pero hindi sumusuko si Lindon dahil hindi niya iniaalis sa kanyang isipan na muling magkakamalay si Marian at umaasa siya na mabubuo ang kanilang pamilya.


"Kahit na napakatagal mo ng tulog Yan. Napaka ganda mo padin." Sabi ni Lindon.
"Kailan kaba gigising? Miss na miss ko na na makita kang nakangiti at maging ang anak natin ay nasasabik na sayo, alam mo Yan utang ko sayo ang lahat. Dahil ikaw lang ang taong nag bigay ng kulay at kaligayahan sa buhay ko.. Salamat din dajil binigyan mo ko ng isang anak, na kahit makulit at madaldal ay talaga naman mahal na mahal ko.. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Miguel."
Pinunasan ni Lindon ang sariling mata dahil sa hindi niya namalayan ang pag patak ng kanyang luha. Madalas ay ganito si Lindon mula ng dumating si Marian sa ganitong kalungkutan. Dahil kung wala ang anak nila at ganito ang kalagayan ng babaeng mahal niya ay hindi niya alam kung kakayanin niya pa ang pag subok na dumadaan sa kanilang buhay.



Hinamas ni Lindon ang makinis na mukha ng babae. Pero nagulat siya ng bigla na lang gumalaw ng bahagya ang mata ni Marian at maging ang isa sa mga daliri nito.

"Marian! Marian! Naririnig mo ba ko?" Sabi ni Lindon.

Pero nanatili pa din walang malay ang babae na parang sinasabi at pinahihiwatig lang nito na naririnig niya ang lahat ng sinasabi ng lalaki sa kanya.

Tinawag ni Lindon ang mga Doktor at ilang minuto lang ay dumating ang mga ito upang obserbahan si Marian.

"Sir, maaari po ba kayong lumabas saglit? Ichecheck lang namin ang patiente." Sabi ng isa sa mga nurse.

Sumunod naman si Lindon, lumabas siya ng kwarto ni Marian upang hintayin lang ang sasabihin ng Doktor. Sa nakita ni Lindon na pag babago ni Marian ay lalo siyang nagkaroon ng pag asa sa kanyang puso at nakaramdam siya ng kaligayahan. Dahil kahit na natutulog ang katawan ng babae ay gising naman ang diwa nito.

Hindi mapakali si Lindon, paritparito siya sa pag lalakad at hinihintay lang na may lumabas sa silid upang malaman niya ang tunay na kalagayan ng babae hanggang sa hindi kalayuan ay nakita niya si Raul at Badi.


"Sir Lindon! Kamusta na si Marian?!" Tanong agad ni Badi.



"Kinakabahan ako, hindi ko alam pero kitang kita ng dalawang mata ko gumalaw yung daliri at talukap ng mata niya, ibig sabihin may pag babago na sa kanya." Masayang sabi ni Lindon kay Badi at Raul na kanyang kaharap.



"Diyos ko. Sana sa pag labas ng mga Doktor ay may maganda ng balita." Wika ni Raul.


Mayamaya pa ay napalingon sila sa pintuan ng marinig nila na may lumabas dito at makita ang mga nurse at Doktor.


"Doktor! Ano na po ang balita?" Tanong ni Lindon sa Doktor na halatang excited pa sa magandang balita.


"Hindi ko alam kung totoong nakita mo siyang gumalaw kanina. Pero i'm sorry Mr. Grande dahil ang nakita ko sa kanya ay hindi magandang pag babago." Sabi ng Doktor na seryoso ang mukha.



Ang mukha ni Lindon na kanina ay masaya at nakangiti ay biglang napalitan ng lungkot.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Biglang humina at tumigas ang boses ni Lindon.


"Mahina ang heart beats niya maging ang bipi niya bumagsak din, kapag nag tuloy tuloy ito i'm sorry Mr. Grande pero mahirap man sabihin at tanggapin ay baka hindi na siya magising." Sabi pa ng Doktor.



Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن