Chapter 54

6.5K 114 4
                                    

Nasa harap na ng isang malaking bodega si Marian, hawak niya ang mga papeles na kailangan ni Zam upang mabawi kay Lindon ang kanilang mga ari arian at maging ang baril ni Lindon ay dinala na din niya upang mailigtas si Lindon sa kamay ni Zamantha, tinanggal niya ang kanyang takot at hinanda niya ang kanyang sarili upang pumatay at matapos na ang pag hihirap nila sa kamay ng mga Santibaniez, pag pasok ni Marian sa loob ng isang malaking bodega ay sumalubong sa kanya ang tatlong lalaki.


"Nasaan si Lindon?!" Mahinang tanong niya sa mga ito.. Pero hindi sinagot ng tatlong lalaki ang kanyang katanungan, tumungin muna ito sa labas upang siguruhin na walang ibang kasama si Marian at masigurado na siya lang mag isa ang pumunta doon.

"Wag kayong mag alala, sinunod ko ang lahat ng sinabi ni Zam! Ngayon. Sabihin niyo sakin kung nasaan ang babaeng iyon."

"Sumunod ka samin!" Matigas na sabi ng isa sa mga lalaki.

Sumunod si Marian sa mga ito na tila walang takot at pilit na nilalakasan ang kanyang loob.


Pumasok sila sa isang madilim na lugar kung saan naaninag niya ang isang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya at nakita niya ito dahil sa liwanag na nang gagaling sa maliit na bintana.


"Long time no see Marian."
Wika ng babae na masama ang tingin sa kanya.


"Hayop ka Zam. Nasaan si Lindon?!" Agad na sabi niya dito. Pero mabilis na hinawakan ng tatlong lalaki ang kanyang mga kamay.


"Ang akala mo ba Marian ay magiging isang happy family na kayo." Sabi pa ni Zam.


"Napakasama mo Zam. Paano mo nagagawa ang bagay na ito." Sabi pa ni Marian.


"At sino ang mas masama? Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko at kung bakit nag hihirap ang pamilya ko.. Kaya paano ko kayo papayagan na maging masaya? Hanggang hindi ka namamatay o si Lindon at kahit pa ang anak niyo. Hindi ako titigil."

Sa mata ni Zam ay makikita ang matinding galit at ang pag nanais nitong pag hihiganti.

"Ibibigay ko ang gusto mo.. Ibabalik ko sayo ang kayamanan ng pamilya mo. Pero may isang kundisyon ako." Sunod sunod na sabi ni Marian.


Bigla naman nag karoon ng interest si Zam sa kundisyon ni Marian.

"At ano ang kundisyon mo?" Tanong ni Zam.


"Hahayaan mo kong makita si Lindon."


Bigla naman tumawa si Zam dahil sa kundisyon ni Marian.


"Hindi ko akalain na ganyan mo pala kamahal si Lindon.. Natouch naman ako sa lovestory niyo.. Pero kung yan ang gusto mo sige hahayaan kitang makita siya."


Pumunta pa si Zam sa isang kwarto sa isang madilim na bodega kung saan naroroon si Lindon at sumunod naman dito si Marian habang nakabantay sa kanya ang tatlong tauhan ni Zam.


Pag bukas niya ng pintuan ay agad niyang nasilayan ang lalaki, wala itong suot na saplot sa katawan, hubad hubad ito.. Nakatayo at nakatali pataas ang dalawang kamay, naliligo ng sariling dugo at tila nanghihina na.


Napatakip sa sariling bibig si Marian ng makita ang lagay ng lalaki na tila na bigla dahil sa itchura nito.


"Lindon!"


Tinawag niya ang pangalan ng lalaki pero hindi man lang lumingon ito sa kanya na parang hindi siya naririnig.


"Pakiusap Zamantha. Pakawalan mo siya. Itigil muna ang kabaliwan mo." Sabi ni Marian.


Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now