Chapter 46

5.7K 110 4
                                    

Habang nasa loob si Marian ng isang silid at nakakulong ay walang tigil ang babae sa pag pilit na buksan ang pintuan upang makatakas.. Lahat ay ginawa ni Marian makaalis lamang sa lugar na iyun. Pero naalala niya ang clip ng buhok na nasa kanyang ulo at sinubukan niyang gawin itong susi upang makalabas sa silid. Umabot ng isang oras ang pag pipilit ni Marian na buksan ang pintuan at nag tagumpay naman siya sa kanyang plano.. Nabuksan ang pintuan at agad siyang lumabas sa pinto at tumatakbo..
Pero namilog ang mata ni Marian at nawalan siya ng pag asa ng makita niya ang labas ng silid. Hindi niya inaasahan na sa ganoon lugar siya dadalhin ni Richard.

"Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito." Biglang nanlambot ang tuhod ni Marian ng makita niya ang paligid. Nasa isang isla sila ng lalaki at hindi niya namalayan na dito siya dinala dahil na din sa nawalan siya ng malay.

Puro dagat lamang ang makikita mo sa lugar na ito, wala man lang ibang tao o kahit maliit na bangka na maaari niyang gamitin upang siya ay makatakas.

"Diyos ko! Ano ang gagawin ko?!" Sabi ni Marian sa kanyang isipan.

Napuno ng takot at pangamba ang babae ng makita ng marinig niya ang boses ni Richard sa kanyang likuran.

"Saan ka pupunta?! Ang akala mo ba Marian ay makakatakas ka?!" Sabi ng lalaki at halata na galit itong nakatingin sa kanya.

Inihakbang ni Marian ang kanyang paa palayo sa lalaking kanyang kaharap.

"Please pakawalan mo na ko! Huwag mong gawin sa akin ang bagay na ito Chard."

Pumamulsa ang lalaki at nakatingin lang ito.

"Kahit anong gawin at sabihin mo ay hinding hindi ka makakatakas sakin Marian. Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko? Kasama na kitang mamamatay sa lugar na ito! Kung hindi mo ko magagawang mahalin ay lalong hindi ka pwedeng mapunta sa iba." Paliwanag ni Chard.

Napaupo si Marian sa kanyang kinatatayuan at walang tigil ang pag iyak.

"May anak ako Chard.. At hindi ko pwedeng gawin ang gusto mo. Ibigay mo sakin ang kalayaan ko! Hindi mo ito pwedeng gawin sakin Chard.. Hindi pwede!"

"Kahit na ano pa ang sabihin at gawin mo ay hindi ka makakaalis sa lugar na ito.. Oras na subukan mong tumakas ay mamamatay ka muna."

Tapos ay prenteng naglakad ang lalaki sa loob ng bahay. At iniwan na lamang mag isa si Marian sa dalampasigan na walang tigil ang panangis at pag iyak.
Walang maisip na ibang paraan si Marian upang makatakas. Natatakot siya na baka totoo ang lahat ng sinabi ni Chard sa kanya na sa lugar na yun sila mamamatay ba dalawa.

Napahilamos pa si Marian sa sarili nitong mukha at umiiyak.

"Sino? Sino pa ang tutulong sakin upang makatakas kay Chard.. Diyos ko! Ang anak ko! Wag niyo po kaming hayaan tuluyan mag kahiwalay ng anak ko!" Sabi ni Marian sa kanyang isipan.

...

"Saan natin pwedeng hanapin si Marian? Saan ba siya pwedeng dalhin ng hayop ng lalaking yun?!" Sabi ni Lindon na kanina pa hindi alam ang gagawin dahil sa labis na pag aalala. Kaharap ng lalaki si Raul at Camille na nakatingin lang saknya.

"Calm down Lindon.. Saan ba ang mga properties ng Santibaniez?!" Tanong ni Camille sa lalaki.


"Sir tama si Camille. Maaaring isa sa mga properties nila dinala si Marian." Sabi naman ni Raul.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam kung saan pa pwedeng dalhin ni Chard si Marian.. Hindi ko alam kung may property pa silang natitira.. Halos lahat ay pag mamayari ko na at nakapangalan na sa Grande kaya wala na kong maisip pa kung saan." Sabi ni Lindon na halatang ireratable.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now