Chapter 41

5.2K 113 7
                                    

Papunta na si Marian, Richard at Badi sa isang party. At iyon ay ang party ni Lindon. Maraming matataas at kilalang pangalan ang imbitado sa party na iyun maging ang mga empleyado ng pag aari ni Lindon ay naroroon din. Maraming bisita at talaga naman preperado na ang lahat. Ganito na lamang ang ginagawa ni Lindon ng sa ganoon ay maranasan na niya ang maging masaya sa kanyang kaarawan.


Si Marian ay pinilit lamang na sumama sa party. Hindi niya matanggihan ang kaniyang kaibigan sa pagyayaya sa kaniya dahil may imbitasyon din itong natanggap dahil isa itong empleyado sa isa sa mga mall na pag aari ni Lindon. Ganoon din si Richard na nakatanggap ng imbitasyon.


Pumasok sa loob ng party ang tatlo. Kahit simple lamang ang ayos ni Marian ay maganda pa din ito. Naka simpleng dress lang ang babae at konting make up.

Habang ang mga tao sa party ay nag kukwentuhan habang may mga hawak na kupitang may laman na wine ay hindi mapakali si Marian sa pag linga linga sa paligid. Hindi niya maintindihan kung sino ba talaga ang nais niyang makita sa lugar.

"Ang sosyal talaga ni sir friend.. Sure ang laki ng nagastos niya sa party na ito." Sabi pa ni Badi na mukhang enjoy na enjoy sa party..


"San mo ba iniwan si Miguel kanina bago tayo umalis?!" Tanong ni Marian sa kaibigan.

Bahagya pang sumasayaw si Badi at sinasabayan ang tugtog..

"Sa nanay ng classmate niya. " Sagot naman ni Badi.

Minsan kasi ay kapag wala sila ay iniiwanan nila si Miguel sa bahay ng classmates nito at nakikipag laro lang doon ang bata.

"Tara na yan. Kain na tayo. Mukhang masasarap ang pagkain." Tugon pa ni Badi.

"Sige." Tipid na sagot ni Marian.

Naghanap na ng upuan ang dalawang magkaibigan upang kumain.

Palinga linga lamang si Marian. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niya makita si Lindon.

"Sino hinahanap mo?!"

Napalinga si Marian ng makita niya si Richard na kararating lang din. Pumwesto pa ito sa kanilang table.

"Ahhhh! Wala. Tinitignan ko lang ang mga tao. Kumain na tayo." Pag papalusot ni Marian.

Pero alam ni Richard na hinahanap ni Marian si Lindon na hanggang ngayon ay hindi pa nag papakita sa sarili nitong birthday party.


Nakuha ang atensyon ng lahat ng dumating ang magarang sasakyan sa labas ng reception. Ang lahat ay nakatingin at inaabangan kung sino ang bababa sa sasakyan.


Bumukas ang pinto ng sasakyan. At bumaba dito ang isang magandang babae na nakasuot ng magandang red na gown.

"Hindi ba't siya ang anak ni Mr. Castro?!" Sabi pa ng ilang tao sa party na narinig ni Marian.

"Bakit siya nandito at bakit ganyan ang suot niya?!" Sabi pa ng iba.

Maganda ang babae. Sa pananamit pa lang nito ay mukha itong mayaman. Napakaelegante at napaka amo ng kanyang mukha. Maging ang kanyang pag ngiti at pagkilos ay pinong pino lang.


"Siya si Camille Castro. Ang kaisa isang anak ni Mr. Gregorio Castro." Sabi pa ni Richard.
Napatingin naman si Marian kay Chard na may halong pag kalungkot ang mukha.



"Marahil kaya ganyan ang suot ni Camille ay dahil siya ang partner ni Lindon ngayon gabi." Dagdag pa ni Chard.


Naisip ni Marian na baka ito na ang simula. Baka naman gusto na din talaga ni Lindon ang lumayo ng sa ganun ay makalimutan na ang lahat ng sakit na dulot niya.

Bumaba na din si Lindon sa sasakyan at umangkla si Camille sa braso ni Lindon. Naglakad ang dalawa sa red carpet.


"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang dinudurog ang puso ko?" Sabi ni Marian sa kaniyang sarili.
Nakikita ni Marian na nagagawa ng ngumiti ni Lindon habang kausap nito si Camille at napapansin niya na Komportable na si Lindon sa babae.
Sino ba naman lalaki ang hindi mag kakagusto sa babaeng tulad ni Camille. Bukod sa maganda na ay mukhang mabait pa. Kahit na nasa kanya na ang lahat ay hindi pa din niya nagagawang mag mataas sa iba.

Nang gigilid ang luha ni Marian sa kaniyang nakikita. Mukhang masaya na si Lindon at tuluyan na siyang kinalimutan. Pero wala siyang ibang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili. Siya ang pilit na lumayo pero kinakailangan niyang gawin yun dahil ang tanging nais lang niya ay kabutihan para sa kanyang anak. At hindi hindi niya pa din magagawang kalimutan ang pag talikod sa kanya ni Lindon sa mga panahon na kailangan kailangan niya ang lalaki.

"Pero bakit ako nasasaktan na makita kong masaya si Lindon sa iba. Hindi ba dapat ay wala na akong pakiealam." Sabi niya sa sarili.

Dumaan si Lindon sa kaniyang harapan. At hinding hindi niya maikakaila na nkita siya nito pero dinaanan lamang siya ng lalaki na parang hindi siya kilala.

Parang isang prinsipe si Lindon at princesa naman ang kasama nitont babae na dumadaan sa harap ng maraming tao.

"Are you okay Yan?" Tanong ni Chard.

Nagising naman si Marian sa kaniyang ulirat.

"Siempre naman okay lang ako."

"Tara. Let's eat." Sabi pa ni Chard.

"Hindi na lang siguro Chard. Uuwi na ko. Baka walang kasama si Miguel. Alam mo naman ang batang yun kapag wala ako ay umiiyak." Sabi pa ni Marian.

Hinawakan ni Chard ang kamay ni Marian.

"Ihahatid na kita."
Malambing ang pagkakasabi ni Chard sa babae habang nakatitig ito sa mukha ni Marian.

"Hindi na. Kaya ko ang sarili ko."
Tinabig ni Marian ang kamay ni Richard at sisimulan ng ihakbang ang kanyang paa ng marinig niya ang boses ng isang lalaki na nakamic.


"Maraming salamat sa lahat ng pumunta sa aking birthday party." Sabi ng lalaking ngayon ay nag sasalita na sa mic. At nakakasiguro si Marian na kahit siya ay nakatalikod ay alam niyang boses ni Lindon iyon na pinakikingan ng lahat.



"Salamat sa lahat ng naririto ngayon. At nagpapasalamat din ako sa special na babae na ngayon ay nandito sa party na ito."


Namilog ang mata ni Marian sa sinabi ni Lindon sa mic. Dahan dahan siyang humarap at nakita niya ang lalaking ngayon ay nakatayo sa harap ng maraming tao. Matamis ang ngiti ni Lindon na nakatingin sa babaeng katabi nito sa stage.


"Thank you sa magandang babaeng katabi ko ngayon sa harap ninyung lahat." Tugon pa ni Lindon.


Halos madurog ang puso ni Marian sa bawat salitang sinasabi ni Lindon.

Pero ang labis na ikinagulat ni Marian at ng marami ng biglang halikan ni Lindon si Camille. Ang iba ay natutuwa at ang iba naman ay nagulat.


"Bakit hindi ako makagalaw? Bakit parang tinulos ako saaking kinatatayuan." Natulala si Marian sa kanyang nakikita ngayon. At hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha. Kaya naman niyakap ni Richard ang babae na ngayon ay hindi na napigil pa ang pag luha.


"Let's go Marian. Umuwi na tayo." Sabi ni Richard.

Nakaakbay na lumabas si Marian at Chard sa party. At nakita din iyun ni Lindon.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now