Chapter 30

5.4K 109 1
                                    


Nasa labas na ng mall ang dalawang magkaibigan suot ang uniform nila pang trabaho, bago pa lamang pumasok ang dalawa sa unang araw nila ay naihatid na nila ang batang si Miguel sa school nito.


"Kinakabahan ako friend." Sabi ni Marian sa kaibigan nito na tila natatakot ihakbang ang paa papasok ng mall.


"Kinakabahan ka? Ako nga excited eh." Sabi naman ni Badi.


Hinawakan ni Badi ang kamay ng kaibigan at sabay na pumasok sa loob.

"Friend nanlalamig ang kamay mo at nanginginig pa." Tugon ni Badi.


"Kinakabahan kasi talaga ko."


"Iwanan mo na ang kaba mo dahil mag tatrabaho na tayo. Ang lagi mong isipin friend na para kay Miguel ang gagawin mo." Paliwanag ni Badi upang lumakas ang loob ng kaibigan.


Tama si Badi. Mas kailangan isipin ni Marian ang kapakanan ng kanyang anak bago ang pansarili.

Pumasok na ang dalawa sa loob at nakita rin nila ang ibang empleyadong bago pa lamang din mag sisimula. Pero bago yun ay pinapasok muna sila sa training room upang sabihin muna ang lahat ng dapat nilang gawin at hindi nila dapat gawin sa kanilang pag tatrabaho.


Pumasok si Raul sa training room upang ipaliwanag ang lahat. Ilang oras din bago matapos ang kanilang orientation. Matapos noon ay pinapunta na sila sa kanikanilang pwesto para sa kanilang trabaho.


Sinikap ni Marian ang magtrabaho at ang nagiging inspirasyon niya ay ang kanyang anak. Lahat ginagawa niya para sa anak niya.


Nakikita ni Marian ang kaginhawahan ng buhay ni Lindon. Pero hindi iyon ang mahalaga sa kanya. Kahit wala na ang lahat ng yun basta maayos lamang ang pag sasama nilang mag ina.





PAAKYAT NA si Lindon sa eskalator upang mag masid sa buong mall kung maayos ba ang lahat. Kasama ni Lindon ang kanyang mga body guard na nakapaikot sa kanyang likuran. Halos lahat ng kanyang daanan na tao ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa napaka gwapo at napaka kisig na si Lindon Grande at bukod doon ay ubod pa ng yaman. Sa galing ni Lindon sa negosyo ay utak lamang niya ang gumagana sa lahat ng ari arian na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang na noon ay kamuntik ng bumagsak, pero dahil sa talino ni Lindon ay naibangon niyang muli ang kompanya ng kanyang ama gamit na ang sarili niyang pera.



LINDON POV'S

Paakyat na ako ng eskalator upang maglibot sa buong mall kasama ko ang aking mga body guard. Nahagip ng aking paningin ang babaeng nasa eskalator at pababa naman. Namilog ang aking mata sa aking nakita at muli ay mabilis na kumabog ang aking dibdib. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli ko na naman nakita si Marian Mercado. Nagmadali ako na bumaba sa eskalator upang mahabol ko si Marian. At agad naman na nakasunod sa akin ang aking mga body guard.


"Marian."
Sigaw ko sa pangalan ng babae. Pero hindi niya ako narinig at hindi man lang siya lumingon sa akin.


"Hindi ako maaaring magkamali. Siya ang aking nakita. Si Marian ang nakita ko!"

Napansin kong nakadamit siya ng uniform ng mall na pag aari ko kaya naman maaari kong malaman kung siya ba talaga ang aking nakita at kung ako ay nahihibang lamang sa labis na pagkasabik ko sa kanya..



Tumatakbo ako sa mall upang maabutan ko siya. Pero katulad nung una ay bigla na lamang siya nawala at hindi ko na siya naaabutan pa.


"Mr. President what are you problem?" Tanong sakin ng isa sa mga body guard kong amercano.


"No. I'm fine. I'm okay." Sagot ko naman.



Nararamdaman kong malapit na malapit na lang siya sa akin. At malapit na malapit ko na siyang makaharap muli. Panahon na siguro upang humingi ako ng tawad sa pag talikod ko sa kaniya. Sa loob ng limang taon.


Pumunta si Lindon sa opisina ng mall. Biglaan ang kanyang pag punta doon. Ang lahat ng nasa opisina ay gulat na gulat sa biglaan niyang pag dating.



"Sir Lindon!"
Namimilog ang mata ng manager ng mall.



"Nasaan ang mga documents ng mga bagong pasok na empleyado."
Tanong agad ni Lindon na tila nag mamadali pa.



"Pero Sir."



"Ang sabi ko! Nasaan ang mga documents ng mga bagong empleyado!!!" Nagtaas na ng boses si Lindon na labis na ikinagulat ng marami.


Agad naman hinanap ng ilan sa opisina ang mga papeles at ng makita ito ay agad na inabot kay Lindon.


Sa dami ng papeles ay isa isa niyang tinignan ang pangalan ng mga empleyado.


"Sir. Baka matulungan ko po kayo. Ano po ba ang pangalan ng hinahanap niyo?"


"Marian. Marian Mercado."



Maging ang ibang tao sa opisina ay tumulong na din sa pag hahanap ng papeles ni Marian hanggang sa.


"Sir nakita ko na po!"


Agad nilapitan ni Lindon ang babae at hinatak ang papeles na hawak nito. Tinignan ni Lindon ang pangalan at maging ang litrato upang malaman niya kung si Marian ba ay talagang nag tatrabaho sa kanyang mall.



Nanlambot ang tuhod ni Lindon at napaupo siyang bigla ng malaman niya ang totoong si Marian ay nasa loob ng mall na kanyang pag aari. Si Marian nga ang babaeng kanyang nakita.


"Sir. Siya po ay ngayon lang pumasok sa trabaho. At isa po siya sa pinakanagustuhan ng manager sa mga sagot sa interview. May problema ba sa kanya sir?" Sabi ng isa sa mga empleyado sa opisina.



Napangiti naman si Lindon, dahil alam na niyang malapit na sa kanya si Marian at ano man oras ay maaari niyang lapitan ang babae.




Pero ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya kung sakaling magkaharap kaming muli? Mapapatawad niya pa kaya ako? Bakit ngayon alam ko na kung nasaan siya ay bakit parang natatakot ako at pinang hihinaan ako ng loob na lapitan siya. Si Richard at Zamantha. Alam na din kaya nila kung nasaan si Marian.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now