Chapter 37

5.1K 102 1
                                    

Hinintay muna ni Marian at Badi na makaalis si Lindon bago nila lapitan ang bata. Dahil kung bigla na lamang siya susulpot ay malalaman ng lalaki na siya ang ina ni Miguel. Nakikita ni Marian ang tuwa at saya sa mukha ng kanyang anak. Dala dala pa ni Miguel ang mga bagay na pinamili ni Lindon sa bata, mga laruan at mamahalin damit na kailanman ay hindi niya naibigay sa kanyang anak.

"Miguel!" Nakatayo si Marian sa harap ng bata habang si Badi naman ay nasa likod ng babae.

"Saan ka galing bata ka?!"
Alam ni Miguel na galit ang kanyang ina kaya naman ang masayang mukha ng bata ay biglang nag bago.

"Mama sorry po. Kasama ko po si Tito L."

"Pumasok ka sa loob Miguel. Akina yang mga pinamili sayo ng sinasabi mong Tito L mo." Inagaw ni Marian ang mga damit at laruan ng bata atska ito inilagay sa basurahan.

Biglang umiyak si Miguel dahil sa ginawa ng kanyang ina.

"Marian. Tama na yan! Hayaan mo na sa bata ang mga gamit na yan."

"Hindi!" Umupo si Marian sa harap ng bata ng sa ganun ay mag pantay sila.

"Sinabi ko na sayo bata ka na wag kang sumasama sa taong hindi mo kilala. Bakit? Kulang pa ba ang mga bagay na ibinibigay ko sayo para mag hangad kapa ng mas higit pa." Galit na galit si Marian sa harap ng bata. Kaya naman lalo pang lumakas ang pag iyak ni Miguel.

"Tama na yan. Wag mong ganyanin ang anak mo."

"Hindi ko papalagpasin ang araw na ito Miguel para matuto ka. Pumasok ka sa loob at dumapa ka."

Nagtatakbo naman si Miguel sa loob ng bahay at umiiyak.

Sinundan naman ni Marian ang bata. At pinadapa ito sa sofa. Ilang hampas ng tsinelas sa puwet ng bata ang binigay ni Marian.  Mula ng isilang niya ang bata ay ngayon lamang niya ito nasaktan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya kabahan ng makita niyang magkasama si Lindon at ang kanyang anak.

Inawat naman ni Badi si Marian sa pag paparusa nito kay Miguel maging si Marian ay hindi na mapigilan mapaluha dahil maging siya ay nabigla na nasaktan niya ang kanyang sariling anak.

Si Miguel ay nag tatakbong pumasok sa loob ng kanilang kwarto at inilock ang pintuan.

"Marian. Wag kana umiyak okay. Naiintindihan kita." Sabi pa ni Badi.

Hinawakan naman ni Marian ang kamay ng kanyang matalik na kaibigan.

"Natatakot ako Miguel. Natatakot akong baka mawala sakin ang anak ko. Hindi ko kakayanin na pati siya mawala sakin." Nanginginig ang kamay ni Marian habang hawak niya ang kamay ng kaibigan.
"Bukas na bukas din Aalis na kami ni Miguel at lalayo na kami. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari."

Niyakap ni Badi si Marian. Naiintindihan ni Badi ang nararamdaman ng kanyang kaibigan. At alam ni Badi kung gaano kamahal ni Marian ang anak nito, si Miguel ang tumayong lakas ni Marian sa mga panahong nag iisa lamang ang babae at nawala na ang lahat sa kanya. Kaya naman ganoon na lamang ang takot ni Marian na malaman ni Lindon ang katotohanan.



MASAYANG MASAYA si Lindon ng pumasok siya sa kanyang opisina. Dahilan na din ay nakasama niya ang isang batang musmos na nag papagaan ng kanyang kalooban at nakakapag papawi ng kanyang kalungkutan.

"Goodmorning sir." Bati ng mga empleyado na kanyang madaanan.

Marami ang nagulat sa pag bati ni Lindon sa mga ito, mas sanay kasi ang mga empleyado na hindi sumasagot si Lindon kapag binabati nila ito.

"Sir. Balita ko ay maganda daw po ang mood mo ngayon ayon sa usap usapan sa labas ng opisina niyo." Sabi pa ni Raul.

"Naaalala mo ba si Miguel. Yung bata sa mall."

Nagisip muna si Raul bago sumagot.

"Opo Sir. Ano naman po ang kinalaman ng batang yun sainyo." Tanong ni Raul.

"Siya lang naman ang dahila kung bakit ako masaya ngayon Raul. Hala sige na mag break time kana. 2hours ang break mo ngayon."

Namilog naman ang mata ni Raul sa sinabi ng kanyang boss.

"Sir hindi po kayo nag bibiro."

"Syempre hindi. Sige na mag break ka muna."

Agad na aalis na si Raul sa opisina ni Lindon ngunit pag bukas niya ng pinto ay nakita niya agad ang lalaking nakatayo.

"Oh. Chard. Mukhang maaga ka pa sa inaasahan ko ah." Mayabang na sabi ni Lindon.

Si Richard naman ay seryoso ang mukhang nakatingin lang kay Lindon at makikitaan ng galit ang mata nito.

"Lindon. Sinusubukan mo ba talaga ko? Bakit mo tinanggal ang pangalan ni Dad sa mga share holders ng company. Si Senyor Grande pa lamang ang presidente ay may share na sa company ang dad ko." Galit na galit si Richard.

"Baka nakakalimutan mong hindi na pera ng aking ama ang tumatakbo sa kompanya ko! Naisip ko lang naman. Maraming gusto ang makipag sanib sa companya ko. Kaya mas tinaggap ko ang bago kesa sa luma. At mahina na din ang transaksyon ninyong mga Santibaniez. Ayoko naman na pati kompanya ko ay madamay sa pag kalugi niyo." Sa boses ni Lindon ay para pa itong nang aasar.

Kinuwelyuhan ni Richard si Lindon.

"Tandaan mo Lindon ang araw na ito. Darating ang araw na ikaw ang makikiusap sakin. Tandaan mo. Sa ayaw at sa gusto mo ibabalik mo sakin ang lahat lahat." Pag babanta ni Richard sa lalaki.

Pero nangisi naman si Lindon sa sinabing pag babanta sa kanya ni Richard.

"At paano mo gagawin ang bagay na sinasabi mo? Wala kana ng kahit na ano Chard. Baka dumating ang oras na baka pati kompanya niyo ay mapunta na din sa pangalan ko."

Ngumiti naman si Richard.

"Abangan mo Lindon ang gagawin ko.. Sisiguraduhin kong hahalik ka sa paa ko at mag mamakaawa ka sakin."

"Hihintayin ko ang araw na yun Chard." Matigas na sabi ni Lindon.

Binitawan ni Chard si Lindon at lumabas ito ng opisina ng lalaki. Hindi alam ni Lindon kung ano ang maaaring gawin o kayang gawin ni Richard laban sa kanya. Pero magiging handa ang lalaki sa mga bagay na pwedeng gawin ni Richard laban sa kanya.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now