Chapter 21

5.6K 117 0
                                    


Matapos ang mga kaalaman na nalaman ni Lindon tungkol sa kaalaman ng kaniyang ama ay nag tungo agad si Lindon sa ospital kung saan nandoon si Zamantha, gusto niyang makitang maayos ang kundisyon ng babae dahil kung may mangyayari man masama kay Zamantha ay alam niyang hindi siya papatahimikin ng kanyang konsensya. Dahil alam ni Lindon na kasalanan niya kung bakit nagawang saktan ni Zam ang kanyang sarili dahil sa sinaktan niya ang damdamin nito.


Naglalakad si Lindon sa hallway ng ospital hanggang sa makita niya si Richard lamang sa labas ng kwarto kung nasaan si Zamantha. Nakayuko ang ulo nito at tila malalim ang iniisip.


"Chard.. Kamusta na si-"

Hindi pa tapos ang sasabihin ni Lindon ng bigla siyang suntukin ni Richard na dahilan para tumilampon siya sa kung saan.


"Kasalanan mo ang nangyari sa kapatid ko! Kasalanan mo kung bakit siya nasasaktan! Pinaniwala mo na mahal mo siya. Tapos ngayon iiwanan mo lang siya."


Galit na galit ang mukha ni Richard kay Lindon habang hawak nito ang kwelyo ng lalaki.


"Bitiwan mo ko Chard.. Ayokong mag karoon tayo ng problema. Gusto ko makita si Zam." Wika ni Lindon.


Dahan dahan naman binitawan ni Richard si Lindon. Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Lindon na makita si Zam.



Dahan dahan binuksan ni Lindon ang pintuan ng kwarto kung saan naroroon ang babae. Agad na nakita ni Lindon ang nakalat na pagkain sa sahig at ang babaeng tila wala sa sarili.

Dahan dahan naman bumaling ng tingin si Zam kay Lindo na prenteng nakatayo sa pintuan. Biglang nag ning ning ang mata ni Zam ng makita niya ang lalaking kanyang iniibig.


"Lindon."



Tumayo ang babae mula sa kanyang pagkakaupo sa hospital bed at tinanggal din ng babae ang mga nakakabit sa kanya. Agad na niyakap ni Zam si Lindon.


"Sabi ko na nga ba. Ako ang mahal mo at hindi si Marian." Umiiyak ang babaeng nakayakap kay Lindon.


Nakaramdam ng awa si Lindon para sa kundisyon ni Zamantha. Hindi akalain ni Lindon na malaki pala talaga ang pag mamahal nito sa kanya.


"Wag kana aalis ah! Wag muna ako iiwan." Wika pa ng babae..


Sa tingin ni Lindon ay unti unti ng nawawala sa sarili si Zamantha at kung tuluyan niyang iiwan ito ay baka saktan nito ang kanyang sarili.


"Zam, pwede ko bang makausap si Lindon?!" Boses na nag mumula sa likuran ni Lindon.


"Chard.. Bakit? Ano kailangan mo sa fiance ko.. " wika ni Zam naparang isang batang hanggang ngayon ay nakayakap pa din kay Lindon.



"Don't worry Zam. Babalik din si Lindon. Kailangan lang namin mag usap." Dagdag pa ni Richard.



"Ayoko Chard.. Hindi ko hahayaan na malayo sakin si Lindon, natatakot akong baka agawin siya sakin ni Marian." Sunod sunod na sabi ng babae..



"Babalik ako Zam. Kailangan lang namin mag usap ng kapatid mo."


Tumingin si Zam sa mga mata ni Lindon.


"Babalik ka agad Lindon ah." Dagdag pa ng babae.. Hanggang sa lumuwag dahan dahan ang pag kakayakap nito sa kanya. Kaya naman nag karoon ng pagkakataon si Lindon na lumabas sa silid ni Zam at makapag usap sila ni Richard.


----–------–---

"Ano ba talaga ang balak mong gawin?!" Wika ni Richard habang magkausap sila ni Lindon at magkaharap sa isang round table. Sa Restaurant malapit sa ospital kung saan nakaconfine si Zamantha.



"Mahal ko si Marian."



Tila natahimik naman si Richard sa sinabi ng kaibigan.


"Huwag kang selfish Lindon.." Galit na sabi ni Richard.



Kumuha ng sigarilyo si Lindon at sinindihan muna bago mag salita.

"Kung ikaw Chard ang nasa kundisyon ko ano ang gagawin mo?!" Seryosong sabi ni Lindon sa kaibigan. "Hindi ba't mahal mo din si Marian. Kaya mo bang gawin ang pinagagawa mo sakin?" Dagdag pa ng lalaki.



Tila natigilan si Richard sa sinabi ni Lindon sa kanya.



"Pero kasal na si Marian sa iyong ama."


"Pero hindi masaya si Marian kay Dad! At nasa panganib ang buhay niya. Kaya hinihingi ko ang tulong mo Chard.. Hindi ko magagawang mag isa ang Mailigtas siya."



"Ano ang ibig mong sabihin?!"
Biglang nagkaroon ng masamang kutob si Richard.



"Kayang patayin ni Dad si Marian. Kaya nasa pahamak ang buhay niya."


"Kung tutulungan kita. Magagawa mo ba na pakisamahan ang kapatid ko at layuan si Marian." Matigas na sabi ni Richard.



"Pero Chard-"



"Layuan mo si Marian.. Ginulo na ng iyong ama ang buhay niya. Kaya patahimikin mo na siya at layuan. Hayaan mo siyang bumangon at kalimutan ang lahat ng masasakit na nang yari sa kanya."




Natahimik naman si Lindon. Tila totoo ang lahat ng sinabi ni Richard.



"Oo. Pumapayag ako!"



Sa pag payag ni Lindon sa kagustuhan ni Richard ay alam niyang pag sisihan niya ang lahat. Pero alam ni Lindon na totoo ang sinasabi ni Richard. At kung gagawin niya yun ay alam niyang mas magiging maayos ang lahat.




NANLALABO NA unti unti ang mata ni Marian dahil sa matinding panghihina ng kanyang katawan.. Pero pilit niyang inaalala ang magandang ngiti ng kanyang kapatid at nagkakaroon siya ng lakas dahi dito at inaasahan niya na muli silang magkikita at mag kakasama ni Laura.



Nananatili pa din nakatali ang kanyang dalawang kamay at nakatayo. Para siyang isang masamang tao na unti unting pinarurusahan hanggang siya ay mamatay. Malaki na din ang ipinayat ng kanyang katawan dahil sa hindi na siya makakain ng maayos at dahil na din sa matinding pambubugbog sa kanya ng matanda.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now