Chapter 34

5.2K 120 0
                                    

Sunod sunod na pagkatok ang narinig ni Marian mula sa labas ng kanilang pintuan.

"Yan. Buksan mo ang pinto dali!"

Narinig ni Marian ang boses ng kanyang kaibigan kaya naman agad niyang binuksan ang pinto. Kakauwi lamang ni Badi galing sa trabaho.

"Balita ko ay nag resign kana sa mall?" Biglang sabi nito kay Marian. Nakapamewang pa ang bading at nakataas ang isang kilay habang nakaharap sa kaibigan.

Abala naman si Marian sa pag papakain nito kay Miguel

"Oo nag resign na nga ako. Hindi ako nababagay sa trabaho na yun. At isa pa nawawalan na din ako ng time sa pag aalaga ko sa anak ko." Paliwanag ni Marian kay Badi.

"Yun ba talaga ang dahilan o mas malalim pa doon? Alam mo hindi na kita maintindihan. Naiintindihan ko na may mapait kang nakaraan at hindi ko na pinipilit pa na sabihin mo sakin ang lahat. Pero naguguluhan na ko sa mga nangyayari kaya please lang Marian sabihin mo na sakin ang lahat at iintindihin naman kita."

Nakatingin lamang si Miguel sa kanyang ina at sa kanyang Tita Badi.

"Pwede ba Badi mamaya na tayo mag usap."

Napansin naman ni Badi ang bata kaya naman tumahimik na lamang ito.

"Mama totoo po ba ang sinabi ni Tita Badi. Hindi na po kayo mag tatrabaho sa mall." Tanong ng bata.

Hinimas himas naman ni Marian ang pisngi ng kanyang anak.

"Oo naman anak. Mas gusto ko kase ang makasama ka. Namimiss kasi kita anak eh."

"Ako din po mama. Namimiss din po kita kapag wala ka dito "

Nag niningning ang mata ni Miguel sa tuwing titignan niya ang mata ng kanyang ina.

"Pano yan ngayon? Babalik ka naman sa pagiging labandera mo at plantsadora." Sabi pang muli ni Badi.

"Pwede ba Badi mamaya na tayo mag usap kapag hindi natin kaharap ang anak ko."
Bulong ni Marian sa kaibigan.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na sa pag kain si Miguel at nilinisan na din siya ni Marian upang makatulog na ang bata.

"Wala na si Miguel. Baka naman gusto mo na ikwento sa akin ang lahat. Ano ba talaga ang kaugnayan mo doon sa Richard na yun at kay Lindon Grande." Sunod sunod na tanong ni Badi.

Naisip na din ni Marian na sabihin na ang lahat kay Badi upang maintindihan ng kanyang kaibigan ang lahat.

"Noon, nakuha mo kong hirap na hirap at nag iisa lang. Habang ipinag bubuntis ko si Miguel. Tulala ako at maraming sugat sa katawan. Napagkamalan na nga akong baliw dahil sa itsura ko. Pero ikaw lang ang mabuting taong tumulong sakin hanggang sa isilang ko ang anak ko at lumaki siya."

"Pero Marian sino ba talaga ang ama ni Miguel?"

"Ang ama ni Miguel ay isang makisig na lalaki. Noon ay mali ang ibigin ko siya dahil sa malalim na dahilan. Pero mahirap kalabanin ang puso at nararamdaman. Basta umibig ka kahit na alam mong tama at mali ay hahamakin mo para sa pag mamahal."

"Noon. Tahimik lang ang buhay namin ng kapatid ko sa bukid kasama ang step father ko. Maaga nawala ang ina namin ng kapatid kong si Laura kaya naman halos ako na ang nag taguyod sa pag papalaki ng kapatid ko. Leukemia din ang naging sakit ni nanay. Napabayaan at hindi nagamot kaya naman yun na din ang kinamatay niya. Mahal na mahal ko si Laura kaya naman ganun na lamang ang takot ko ng malaman kong may sakit siya ng katulad ng sa nanay namin. Kaya naman ang matandang may pag nanasa sakin ay tinanggap ko ang alok sa kasal na hinihingi niya. At ang kapalit noon ay ang pag papagamot sa anak ko. At ang matandang aking pinakasalan noon ay walang iba kundi si Senyor Alfredo Grande."

Napatakip sa sariling bibig si Badi ng malaman niyang naging asawa ni Marian ang matandang Grande na sinasabi noon na isa sa pinakamayamang tao sa bansa.

Ipinag patuloy ni Marian ang kanyang kwento.

"Noong una ay mabuti ang pakikitungo sa akin ng matanda pero habang tumatagal ay unti unti ko na siyang nakikilala. Lagi na niya akong pinag mamalupitan at sinasaktan. Kinukulong at halos patayin na sa bugbog." Hindi na mapigil ni Marian na mapaluha habang ikinukwento niya sa knyang kaibigan ang kanyang nakaraan.
"Hanggang sa hindi sinasadya na mag mahal ako ng iba at hindi sa asawa ko. Kundi ang minahalalo ay ang kanyang anak na si Lindon Grande. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon at nalaman yun ng kanyang ama kaya naman mas lalong tumindi ang galit ng matanda. Pero dahil ang nasa isip ko noon ay ang kapatid ko ay tiniis ko ang bawat hampas ng latigo sa aking katawan.

Ipinakita pa ni Marian ang paso ng bakal sa kaniyang balikat.


"Yan ang tanda ng matinding pag hihirap ko sa kamay ni Senyor Grande. Pero alam mo ba kung ano ang pinakamasakit doon. Na ang dahilan ng pag titiis ko sa pag hihirap na nararanasan ko ay matagal na pa lang wala. Namatay ang kapatid ko na hindi naipagamot. Malaking pang hihinayang ko sa mga panahon na ibinenta ko ang aking sarili sa demonyo. Si Laura ay namatay at hindi tinupad ng Senyor ang pangako niya. At ang labis na ikinadurog ng aking puso ay alam na pala ni Lindon ang lahat pero wala man lang siyang ginawa para sa akin. Sumama siya sa ibang babae at pumunta ng america.. "


Hindi namalayan ni Badi na naiiyak na pala siya dahil sa mga nalaman niyang kwento kay Marian. Matinding pag hihirap pala ang dinanas ng kanyang kaibigan.

"Kung ganoon Marian si Miguel-"

"Oo tama ka. Si Miguel ay anak ni Lindon Grande. Siya ang naging bunga namin noon. Pero hindi alam ni Lindon ang tungkol sa anak ko. At yun ang bagay na iniingatan kong malaman niya."



"Jusko marian. Hindi mo maililihim ang totoo."


"Gagawin ko ang lahat wag lamang malaman ng anak ko ang tungkol sa kanyang ama. Ayokong malaman ni Miguel na ang kanyang ama ay si Lindon Grande."



Hindi makapaniwala si Badi sa mga sinabi sa kanya ni Marian. Na si Lindon Grande na isa sa pinaka mayaman negosyante sa bansa ang totoong ama ni Miguel.

"Walang dapat makaalam ng katotohanan Badi. Mangako ka sakin."

Tumango naman ng sunod sunod si Badi sa kaniyang kaibigan.







HAWAK NI LINDON ang bote ng alak at muli ay wala na naman siyang tigil sa kanyang pag inom. Hindi naman malaman ni Raul ang kanyang gagawin dahil sa labis na pag aalala sa kanyang amo.


"Sir. Pakiusap naman! Kumain na kayo." Sabi ni Raul sa labas ng silid ni Lindon.

Naririnig ng mga kasambahay ang mga gamit na nababasag sa loob at si Lindon ang may kagagawan noon. Natatakot si Raul na baka may gawin si Lindon na masama sa kanyang sarili.

"MARIAN!"

Laging sinisigaw ni lalaki ang pangalan ng babae.


"MARIAN. MAHAL NA MAHAL KITA!" Basag ang boses ni Lindon habang walang humpay ang pag inom nito ng alak.


"KAILANGAN KITA MARIAN! BAKIT GANITO? BAKIT GANITO ANG NANGYAYARI?" Tila sa boses ng lalaki ay umiiyak ito.


Alam ni Raul na nasasaktan si Lindon dahil sa mga nangyayari. Dahil sa limang taon na nakasama niya ang lalaki ay wala itong ibang bukang bibig kundi si Marian lamang at batid niya ang malalim na pag mamahal ng binata kay Marian. Hindi alam ni Raul kung ano ang dapat niyang gawin upang makatulong kay Lindon.

Fallin InLove For My Young Step Mom (Complete)Where stories live. Discover now