Chapter 3

18.2K 442 70
                                    

IT'S been two weeks since she got out from the hospital and she can’t help but to scoff every time she remembers that incident.

Nadulas ako. That’s what the hot doctor told her.

Ang ganda ng palusot, sobrang ganda, napaka-realistic

They are exchanging messages from time to time since she got out from the hospital and she feels giddy every time that he sends her a message. Hindi niya kung bakit napapabilis ng binata ang tibok ng puso niya.

Minsan kahit nasa simbahan siya ay nagpapalitan sila ng mensahe nito at nahuhuli siya ng mga madre na nakangiti na  nagtitipa sa kanyang telepono. Kaya ang hinala ng mga ito ay may katipan na siya na kanyang pinabulaanan.

iMessage

From: Doc Braxton
Hi, good morning. Take care!

A simple  message that he sent, but man! Her heart jumps erratically. Hindi niya dapat maramdaman ito dahil natatakot siyang masaktan but there’s something about the doctor that keeps her fighting and keeps her from wanting him.

Honestly, natatakot siya sa nararamdaman niya. Ayaw na niyang masaktan but Braxton is different, alam niya iyon.  Unang pagkikita pa lamang nila alam na niyang may kakayahan ang binata na wasakin ang pader na inilagay niya sa paligid niya.

“Ma’am Zammy, iyong branch niyo po ng Zam Skin Care sa Pangasinan wala na raw pong stock,” one of her workers called her.

Tinanggal niya ang reading glasses niya at tsaka niya inilagay ito sa gilid ng table niya ang mga test papers ng mga bata na kanina pa niya iwinawasto dahil tatawagan niya lang ang manager ng branch ng cosmetic shop niya sa Pangasinan.

Aside from being a teacher, she also owns cosmetic shops. Hindi naman siya mahilig maglagay ng make-up sa mukha niya dahil nga laking simbahan siya pero nang mag-college siya ay doon siya natuto.

Kaya nang makapagtapos siya at makapagturo ay inipon niya ang sweldo niya at nagpatayo ng isang branch ng cosmetic shop malapit sa pinasukan niyang university. And then her business boomed. . .  mayroon na siya ngayong 10 branches ng Zam Skin Care sa buong Luzon. 

She’s busy fixing her business problem when her phone rang again. Without looking at the caller ID she immediately answered the call.

“Hello?”

“Zammy!” a manly ecstatic voice greeted her. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Suddenly her world stopped spinning. Bumilis ang tibok ng puso niya. All she can hear at the moment is her heartbeat.

“Zam? Still there?” Braxton asked her. Nagising naman ang diwa niya dahil doon.

“Yes, Doc. What do you want po?” she asked him.  Hindi naman kasi ito tumatawag sa kanya. Palagi lang silang magkatext pero hindi sila nagtatawagan. Nahihiya siya sa binata.

Braxton laughed. His laughter is really refreshing. Hindi niya alam kung bakit nakangiti siya ngayon habang pinapakinggan ang tawa ng binata. She felt butterflies on her stomach. Ilang linggo pa lamang sila magkakilala ng binata. She’s sure that she’s not in love with him. Maybe she’s happy talking to him but she’s not in love, hindi siya pwedeng ma-inlove sa binata.

“Have you eaten your lunch?” he asked her. Natawa naman siya ng kaunti sa tanong ng binata. Typical playboy, ganyan ang mga tanungan pero kahit na ganoon ay natutuwa pa rin siya.

She grabbed her pen and made it spin on her fingers as she answered him. “Doc, anong oras pa lang. Hindi ko pa po lunch break,” she told him. It’s just eleven in the morning at 11:30 pa ang lunch break nilang mga guro. Kailangan niyang hintayin ang out niya para hindi siya mag-undertime. May kaltas din kasi iyon sa sweldo niya kapag ganoon, sayang naman.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now