Chapter 28

14.3K 258 50
                                    

"SHIT naman!" he cursed multiple times upon recieving Haezell's message. Bawat pagpapadala nito ng mensahe ay kinakabahan siya.

Ilang beses na bang nagpapadala ng mensahe ang dating kasintahan? Hindi na niya mabilang. At ang malala pa ay may sinasabi itong ipapahiya ang asawa sa national television kapag hindi siya nakisama sa mga gusto nito. Isa pa ay pinagbataan siya ni Haezell na sasaktan nito ang mga madreng nagpalaki sa kay Zavaiah, pati na rin ang ina nito.

Alam niya na magagawa iyon ni Haezell at alam niya ang magiging epekto nito sa asawa niya.  Mawawalan ito ng lisensya kung sakaling mag-leak man ang video nila. At mawawasak ang puso nito kapag may nangyari sa mga madre at lalong mahihirapan ang damdamin nito kapag may nangyari sa sarili nitong ina.

Ilang araw na rin niyang gustong sabihin sa asawa ang nararamdaman niya pero hindi niya masabi sabi. Hindi niya alam kung bakit ayaw niya. . . iyon ba ay dahil ayaw niyang masaktan ang asawa o dahil gusto niyang siya na lamang ang mahirapan sa kanilang dalawa.

He's willing to accept the wrath of Haezell and he's willing to be her little toy for a day or two of that what makes her happy.

Hindi na naman niya sinabi sa asawa na nahihirapan siya dahil kilalang kilala niya ito.

Alam kasi niya na kapag nalaman ng asawa na may natatanggap siyang banta, alam niyang tatakbo ito at iisipin ang kapakanan ng ibang tao, kahit na ito pa ang mahirapan that's how soft Zavaiah is.

Kahit anong tago niya sa kanyang pagkabahala, alam niyang nararamdaman ng asawa na may kakaiba. There's something wrong and Zavaiah is not dense. Alam niya, alam niyang nagdududa na ang asawa niya.

Fuck it! Fuck it! Why don't you just let us live in peace! He is cursing Haezell inside his head. Nang malaman niyang step mother ng dating kasintahan ang nanay ng kanyang asawa ay hindi niya mapigilan ang maawa kay Zavaiah. Mas lalo na nang piliin at ipagtanggol ng ginang ang anak ng iba kaysa sa sarili nitong anak. Hindi man lang alam ng ginang na gusto siyang patayin ng pinili niyang anak.

Seeing Zavaiah beg and kneel infront of her mother just to acknowledge her as her daughter is heartbreaking. May ina pa palang nakakayang matiis ang anak?

Now, seeing Haezell's name on the screen makes him feel the rage. Galit siya—— galit na galit. Natatakot din siya because he knew that when Haezell snap, she can do what she said and that scares him.

Hindi para sa sarili niya kundi para sa asawa niya. Grabeng emotional torture na ang nararanasan ni Zavaiah nitong nakaraan kaya hanggat maaaari ay gusto niyang huwag sabihin sa asawa ang bumabagabag sa kanya.

Pinuntahan niya ang asawa niya sa kwarto at nakita niyang natutulog ito, he can't help but to smile whenever he sees her sleeping. She sleep like a baby. Her long wavy hair is covering her face that's why he tucked them into her ears.

Sinundan niya ng tingin ang mukha ng asawa, even if she's sleeping, she can make his heart beat faster. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. He leaned and then kisses her forehead. Gumalaw naman ang asawa niya kaya tinapik tapik niya ito sa balikat para huwag magising.

"Love, just trust me hmm?" mahinang bulong niya sa asawa."I promise, I will do anything just to keep you and the little Braxton safe hmm? Pati na rin sina Sister Esmeralda at ang mama mo, I'll save them. . . I promise, " at tsaka niya ulit hinalikan sa pisngi ang asawa.

Bago siya lumabas sa kwarto nila ay nilingon pa niya ang asawa niyang natutulog. "Mahal na mahal kita," he whispered and then turned his back at her.

I'll finish this today.

Dali-dali niyang pinuntahan si Haezell sa mall na pinag-usapan nilang pupuntahan nila. She asked for one day and then after that she'll let him go. Iyon lang ang pakiusap ng dalaga sa kanya. One day. After that, they will be free.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon