Chapter 29

14.8K 290 40
                                    

"MARK. . . " he called the only person that can help him at the moment. Hindi niya kasi matawagan ang asawa. Her phone keeps on ringing but she's not picking it up at sinimulan na siyang kabahan dahil doon.

Alam niyang napakababaw ng rason niya para sa ginawa niya . . . pero, masisisi ba siya ng tao kung walang wala na siyang maisip dahil natatakot siyang masaktan ng lubusan ang asawa?

Iniisip pa lamang niya ang magiging reaksyon nito dahil muntikang mamatay ang matandang madre dahil sa galit ni Haezell sa kanila ay hindi na niya kinakaya. Mas lalo rin itong masasaktan kapag nawala ang lisensya nito. . . Zavaiah loves teaching. . . for her teaching is life. Ayaw niya ring mawala sa asawa iyon.

Alam niyang maling huwag sabihin sa asawa ang mga banta ni Haezell pero ayaw niya lang naman itong mag-isip ng masama lalo na at sunod sunod na stress na ang nararamdaman nito. Nagkamali kasi siya ng kalkulasyon. Akala niya ay isang araw lang sila magkikita ni Haezell at ayos na. . . hindi niya naisip ang iba pang posibilidad. . . mababaw na kung mababaw para sa iba pero wala na talaga siyang choice.

Frustrated siyang napasabunot sa buhok niya. Wife, please, let me talk to you, he pleaded. "Mark, help me, kasama siya ni Kiro——" hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya nang nakita niyang nanlaki ang mata ni Mark sa sinabi niya.

"What? Kasama siya ni Kiro? H-How come?" Halatang nagulat din si Mark sa sinabi niya, magkausap kasi sila ngayon. Pinuntahan niya si Mark sa office ni Sim kaya magkaharap sila ng dalaga.

"Long story, please...  help me," he never felt so hopeless in his entire life. Ngayon lang, ngayong hindi niya lang mahanap ang asawa.

Natatakot siya na baka grabeng sakit ang naramdaman ni Zavaiah sa kanya at may mangyaring masama sa kanila ng anak nila.. Natatakot siya na iwanan ng asawa. May tiwala naman siya kay  Zavaiah. . . sa sakit na nararamdaman nito ngayon ay wala. Alam niyang nasaktan niya ang asawa kaya nagmamadali siyang puntahan ito ngayon.

"Mahal na mahal ko ang asawa ko, Mark, please naman," pagmamakaawa niya.

Napabuntong hininga si Mark at tsaka siya hinarap. " Kung mahal mo talaga siya, sana hindi ka nagtago 'di ba? You don't trust her enough," tila nahihirapang saad ni Mark sa kanya. "Akala ko mahal mo? Don't just ask. . . do something!" Mark  shouted.

Tapos ay parang biglang naalala si Mark dahil bigla itong natigilan.

"Sino nga ulit ang kasama niya?" Tinignan siya nito, "si Kiro?"

Tanging tango lang ang naisagot niya.

"Alam ko na kung saan sila!" she exclaimed, kahit nagmamadali siyang mahanap ang asawa ay binigyang pansin niya ang sinabi ni Mark.

"Where?"

"Sa dating tambayan nila noong sila pa," then she looked apologetically at him, "they were bestfriends before," then she sighed, "and then became lovers."

Biglang nanikip ang dibdib niya sa sinabi ni Mark. Alam niyang dapat wala siyang ipagselos dahil alam naman niya at ramdam naman niya na mahal siya ni Zavaiah, pero natatakot kasi siya. Lalo na ngayon, ngayong may nagawa siyang hindi maganda sa asawa.

Kahit nahihirapan ay tinignan niya ng diretso sa mata si Mark, "and where is that place?" he asked her, his voice is  full of hope. He is hoping na sana ay naroon ang asawa niya.

"St. Lorenzo Catholic School, sa likod, yung maliit na park doon," dire-diretsong sagot ni Mark. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Lumabas na siya ng opisina ni Sim na tumatakbo, pinagtitinginan siya ng mga nagtatrabaho roon but he is too preoccupied to give them attention.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now