Chapter 4

16.3K 386 33
                                    

SIMULA nang mapagtanto niyang gusto niya ang binata ay mas lalo na siyang napapangiti kapag nagpapalitan na sila ng mensahe. Gabi-gabi rin ito kung tumawag sa kanya. Kung minsan ay pumupunta siya sa hospital para sabay kumain. She’s happy whenever she’s with him. Natutuwa siya na kasama ang binata. The feeling is so addicting. She never felt that way kahit sa huling naging katipan niya. She didn’t feel the eagerness to be with Kiro every lunch break, every dinner or every Sunday.

“Zammy, woy,” Mark, her friend, waved her hands at her, “earth to Zammy,” then she giggled like a kid in front of her.

“Ah. . . yes?” she asked her friend. Napanguso naman ito sa kanya. Nagpapa-baby na naman sa kanya ang kaibigan niya kaya naman dali-dali niya itong kinurot sa pisngi at dahil sa nanggigigil siya ay napasobra ang kurot niya at namula iyon.

“Ouch naman, friend,” ngumuso sa kanya ang kaibigan niya. “Gigil na gigil ka ha? Kung ako sa’yo reserve mo ang panggigigil mo sa pipino ng poging ka-text mate mo,” Mark told her as she massage her cheeks.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ng kaibigan. Kahit kalian talaga ay napaka-green nito mag-isip.

“Hoy, marinig ka naman ng mga tao rito,” she warned her friend.

They are now having their lunch at a restaurant. Nag-aya kasi ang kaibigan niya dahil bwisit na naman daw ito sa boss niya. Natawa naman siya sa rason nito sa kanya.

“Bakit, alam ba nila na penis ang tinitukoy ko?” Her friend asked her kaya naman mas lalong nanlaki ang mata niya at tinignan ang kaibigan niya.

“Mark! Please lang naman,” she pleaded her friend.  Kahit kalian talaga ay hindi na siya nasanay sa kaibigan niya. Naaasiwa pa rin siya kapag naririnig niya itong nagsasalita sa ganoong lengwahe.

Tumawa muna ng malakas ang kaibigan. “Ikaw naman pikon, I’ll stop na,” she told her. Napabuntong hininga naman siya. Mabuti naman at mukhang duduguin ang tenga niya kapag pinakinggan pa ang kaibigan.

“Pero friend,” biglang sumeryoso ang mukha ng kaibigan kaya naman tinignan niya ulit ito.

Napabuntonghininga ito at tila hirap na hirap na tanungin siya sa isang bagay. She smiled, encouraging her friend to tell her what’s on her mind. “Hindi mo ba talaga napapansin kung bakat?”

“Mark!”

Out of nowhere ay biglang tumunog ang phone ng kaibigan niya kaya naman sinagot nito ang tawag kahit magkaharap sila.

“What now, boss?” her friend sounded so irritated.

“What? I already ate my lunch with Zam,” parang batang saad nito at iritadong napakamot sa ulo.  “So?”

Bigla namang namutla ang kaibigan niya sa narinig sa kabilang linya kaya hinawakan niya ito sa kamay. “You okay?” she mouted. Her friend just nod at her .

“Oo na, ito na pupunta na, bwisit,” Mark mumbled and then she ended the call. Parang bwisit na bwisit na ang kaibigan niyang tumayo at tsaka sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

Then Mark looked apologetically at her. “I’m so sorry, Zammy. The demon is looking for me,” she breathe out, natatawang tumango naman siya sa kaibigan niya.

“Take care,” she smiled at her friend. Hinalikan naman siya ng kaibigan  sa pisngi at tsaka ito nagmadaling umalis. Naiwan siyang kumakain mag-isa. Tinignan niya ang relo niya at tinignan ang oras na natuwa naman siya nang makitang may isang oras pa ang natitira sa  sa kanyang lunch break. Kukunin niya sana ang phone niya para itext si Braxton kung kumain na ito nang may ma-realize siya.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now