Chapter 25

11.4K 251 9
                                    

[R-18]


"Sister," nagmano muna siya kay sister Esmeralda bago siya umupo sa upuan sa loob ng simbahan.

"Hija, kumusta ka naman? Bakit namamaga ang mga mata mo?" Sister Esmeralda's voice is full of concern. Nginitian naman niya ang matandang madre at tsaka siya napabuntonghininga.

Pumunta siya ngayon sa simbahan dahil namimiss na niya ang mga madreng nagpalaki sa kanya at ang simbahan. Feeling niya kasi kapag nasa simbahan siya ay ligtas siya sa sakit, ligtas siya sa kahit anong masamang bagay.

Sakto namang may pinuntahan ang asawa niya. Aayusin daw nito ang mga bagay sa hospital. She's quite happy that he is getting used to his work now. Alam niyang nalulungkot ang asawa dahil hindi na nito nagagawa ang bagay na gusto niya pero unti-unti naman nang nakaka-adapt ito sa pag-ma-manage ng hospital. Nasa hospital pa rin naman ang asawa niya pero hindi na gaya ng dati.

"Zavaiah," Sister Esmeralda's voice awakened her senses. Nagulat naman siyang napatingin sa madre.

She smiled  weakly at her and gave her a warm hug. Halatang nagulat pa si Sister Esme sa kanyang ginagawa pero 'di kalaunan ay gumanti ito ng yakap sa kanya.

"Ay naglalambing ang baby namin," Sister Esme joked at her and that made her smile.

Napakaswerte niya pa rin dahil kahit hindi siya minahal ng tunay niyang nanay. . . nabigyan siya ng pagkakataon para maalagaan ng mga mapagmahal na madre.

She's still blessed.

Natatawang kumalas siya sa yakapan nila. Once again she smiled warmly and then she looked at Sister Esmeralda's eyes. She took a deep breath, "Sister... " her voice is now weak, "nagkita po kami ni mama," she whispered weakly, even her, she can't even hear her own voice.

"Ano?"

"Nagkita na po kami ni m-mama," mas malinaw at mas malakas niyang saad. Nakita niya kung papaano nanlaki ang mga mata ng madreng kausap niya. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa pisngi niya pagkatapos ay sa kamay at sa mga braso niya.

"Wala naman siyang ginawa sa'yo ano?" may bahid ng kaba ang boses ng matandang madre ngayon. She shook her head lightly and gave sister Esme a smile.

A sad smile that didn't even reached her eyes.

Nakita niyang lumungkot ang mukha ni sister Esme at tsaka siya hinawakan sa kamay, "saan kayo nagkita?"

"Sa bahay po ni Braxton."

"Kailan?"

"Tatlong araw na po ang nakararaan," umiwas siya nang tingin nang makita niyang dumaan ang awa sa mata ng madre.

"Sister," she called sister Esmeralda, tinignan naman siya ng matanda, "bakit kahit sinaktan niya ako, mahal ko pa rin siya?" she asked painfully.

"Kasi hindi naman nawawala ang pagmamahal, Zavaiah," mahinahon na sagot ng madre sa kanya.

She smiled weakly. Kung hindi nawawala ang pagmamahal, hindi rin ba nawawala ang galit? Kasi hanggang ngayon, galit na galit pa rin siya sa akin.

"Kung hindi nawawala ang pagmamahal, hindi rin po ba nawawala ang galit?" she curiously asked.

Nakita niyang napangiti ang madre sa kanya at hinawakan siya sa dalawa niyang kamay. Humarap pa ito sa kanya kaya ngayon ay magkaharap na sila. "Anak, may kanya-kanyang dahilan ang bawat tao kung bakit sila galit o nasasaktan," hinigpitan nito ang hawak sa kamay niya, "pero nasa kanila iyon kung paano nila tatanggapin ang sitwasyon at kung papaano nila palalayain ang sakit at galit sa mga puso nila, hindi naman minamadali ang pagpapatawad, pero naniniwala ako, na lahat may kapatawaran," Sister Esmeralda's words hits her heart.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now