Special Chapter 1

18.2K 438 96
                                    

"BRANZIN! Braxton!" she shouted when she saw her son running at the kitchen together with her husband. Both of them were covered in flour. Parang nagpagulong-gulong ang anak nila sa harina kaya naman napatampal na lamang siya sa noo niya.

Braxton is spoiling their son...well, not in a bad way, pero minsan talaga nasosobrahan ng asawa niya. Gaya nalang ngayon, mukhang crinkles ang anak nila.

Kumunot ang noo niyang tinignan ang mga ito.  "What happened to the both of you?" She looked at her husband, "love? Hmm? nag-e-experiment na naman kayo nitong anak mo."

Binuhat na ni Braxton ang dalawang taong gulang nilang anak. He leaned forward and gave her a lingering kiss. Natawa siya nang makitang tinatakpan ng anak nila ang sarili nitong mata.

Slowly she chuckled as she removed her son's tiny palms covering his eyes.

"Baby. . .I love you, I'll wash you up later, ha? Love you ulit, Zinzin ko," she whispered to the little kid  and then looked at her husband, "tse!" pagsusungit niya rito.

"Love naman," niyakap ulit siya ni Braxton at tsaka hinalikan sa pisngi. "Bakit naman sinusungitan mo ako?" parang batang reklamo ni Braxton sa kanya. "Love . . . mag I love you ka rin sa akin," he pouted.

"Tignan mo anak mo, mukhang espasol, kaunting itlog at baking powder  na lamang at pwede nang i-bake 'yan," mahina ang boses niya para hindi marinig ng anak nila ang sinsabi niya.

"Ikaw naman," Braxton smiled warmly at her,  "we are just trying to bake his favorite red velvet cake," he kissed her cheeks one time again and then carried their two years old son who's now pouting.

"Sorry, Mommy," Braxton pouted and then looked at her.

"Sowi, Mommy," bulol na sabat naman ng bata, "lurv you, mommy," dagdag pa nito.

Tila may umusbong na kung anong kasiyahan sa kanyang dibdib. They are now living peacefully. Everyday seems like a fairy tale. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang may masaya na siyang pamilya. 'Iyong klase ng pamilya na hindi niya naranasan noong bata pa siya.

"Sorry na raw, Mommy," Braxton grinned at her. Alam kasi nito na kapag nag join force na sila ng anak nila ay bumibigay siya kaagad.

She let out a sigh and then look at her husband who's now grinning from ear to ear. Tila nilalaro pa nito ang buhat buhat na anak nila sa harapan niya at ang anak naman nila na nagmukhang binudburan ng powdered sugar ay nakangiti ng malapad sa kanya. . .  showing his tiny teeth.

"Fine, fine, forgiven," she smiled at them. Mahirap tiisin ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Masyado silang cute para tiisin. Alam na alam na ni Braxton kung papaano siya palambutin and he never failed.

Sa ilang taon na mag-asawa sila, walang araw na hindi pinaramdam ni Braxton sa kanya na mahal na mahal siya nito and she's really thankful for that. Lalo na ngayon at may anghel na sila. Everything is perfect.

"Yay! We love you, Mommy!" Masayang sigaw ni Braxton at tsaka siya hinalikan ng mabilis sa labi.

"Alabadabummommy!" The cute little man told her.  Natatawang kinarga niya iyon. She let out a small groan, medyo mataba kasi ang anak nila dahil mahilig kumain ito.

Pinagsasabihan nga niya si Braxton. Kung umasta kasi ito sa anak nila ay parang hindi ito doctor. Kung sabagay, napakasarap kasing panoorin si Branzin kapag kumakain na ito.

"Love, mabigat na si Branzin, baka mahirapan ka," Braxton assisted her. Hanggang ngayon ay sweet pa rin ito sa kanya. Parang pakiramdam nga niya ay mawala lang siya ng ilang saglit sa paningin nito ay mababaliw na si Braxton. Totoo ang sinabi nito noon sa kanya na. . .mamahalin at aalagaan siya nito habang buhay. Walang palya si Braxton. Araw-araw ay ramdam na ramdam niya na mahal na mahal siya nito.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now