Chapter 31

13.1K 259 27
                                    

"CALM down, love, " natatawang hinawakan ni Braxton ang kamay niyang nanginginig at pinagpapawisan. "They will love you, just be yourself, hmm?" then he kissed the back of her hand and that made her smile.

Kumalma naman na kaunti ang tibok ng puso niya pero kinakabahan pa rin siya. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Samantalang noong nagtuturo siya ay sanay siyang makihalubilo sa mga mayayaman na magulang ng mga estudyante niya. Is it because they are Braxton's parents? Baka mas gusto ng mga ito si Haezell kaysa sa kanya?

She took a deep breath as she looked at her husband who is busy driving.

"Love, sa susunod na lang kaya tayo pumunta?" She suggested. Sobrang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya ay aatakihin siya.

"There's no turning back, love, c'mon, daldalan mo lang si mommy matutuwa iyon," he chuckled. Napanguso naman siya dahil doon.

"So sinasabi mong daldalera ako?" she raised an eyebrow and then pouted. Wala lang trip niya lang magpa-cute sa asawa.

Natatawang nilingon siya ng asawa, "you're bubbly and I love you," naglalambing na saad nito sa kanya.

Inikutan niya ito ng mata, "parehas din 'yon!"

Tuamwa muna ito bago siya tinignan ulit. "Atleast I said that I love you. Isn't that heartwarming?" he asked her. Natatawang tinignan pa siya ulit ng asawa niya kaya hinampas niya ito ng box ng tissue. Natatawang sinasalo nito ang mga hampas niya.

Natigil sa ere ang paghampas niya nang may maalala siya.

She cleared her throat and then look at her husband. "Love," her voice is now serious. He just looked at her and then smiled, "sure ka bang iyon ang number ni Mama? Ilang araw na kasi akong nagmemessage. Hindi man lang nagrereply," parang nahihirapang saad niya.

Nakita niyang lumungkot ang mukha ng asawa, "yes, love, I am sure." Hinawakan siya nito sa kamay. He sighed as he kissed her hand, "let's just wait okay?" He asked her.

She slightly nod her head. Hindi niya maiwasang malungkot dahil sa lagay nila ng ina niya. Kahit sa huling pagkakataon ay gusto niyang makita at mayakap man lang ang ina niya. Pagkatapos ay hahayaan na niya ito, hahayaan na niya ito na kasuklaman at kalimutan siya.

Kahit minsan lang. . . kahit isang beses lang.

Hindi na siya nagsalita buong byahe dahil nababasag ang puso niya kapag naiisip ang ina.  Pinagkasya niya nalang ang sarili niya sa panonood sa mga nadadaanang establishments.

Nagulat siya nang dumaan sila sa isang medyo liblib na daanan. The place is too beautiful, wala na ang mga nagsisilakihang gusali. Tanging mga helera na lamang ng puno ang naroon. Gusto niyang pabuksan ang bintana ng kotse pero nahihiya siya.

Parang alam naman ni Braxton ang gusto niya at binuksan ang bintana ng kotse.  Napangiti siyang nilanghap ang sariwang hangin. Tinatangay pa ang buhok niya at humahampas ng marahan ang hangin sa mukha niya.

She loves it when the wind is gently caressing her face. She looked at Braxton who's now driving with his eyebrows furrowed.

She hold his hand and then kissed the back of it. Nagulat pa ang asawa sa ginawa niya pero nginitian niya lang ito.

"Thank you, love," she mouthed. She saw how he smiled at her.

Dahan-dahang nanlaki ang mata niya nang maramdamang tumigil ang kotse nila sa isang malaking bahay. The gate automatically opened when it detected Braxton's car.

The mansion is designed with medieval theme. Napakaganda. . .  tila may mga ginto pang nakadikit sa pader nito. It has a mixture of modern and ancient design.

SINFUL AFFAIR (Cruel Reality Series 2) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now